Chapter 2

3K 67 0
                                    

"21.."

"Really? But you are in 3rd year now, how come?" tila bilib na tanong nito, maaga kasi akong nag-aral tsaka nag accelerate ako ng dalawang taon noon, tapos na sana ako kaso may nangyare lang na trahedya sa parents ko.

"Uhm.. Na accelerate kasi ako ng dalawang taon no'n" maigsing sabi ko. Ayukong sabihin na dapat ay tapos na ako, hindi ko naman sila close.

"Well as you can see, we are all graduating here, i'm 23 years old by the way" nakangiting sabi ni Lena.

"I am too" segunda ni Emerald na kumakain na ngayon?

"I just turned 24 last week" tumingin ako kay Janine tsaka tamango.

"Where here" napatingin ako sa labas ng kotse. Nakita kong nasa isang malaking gusali kami, akala ko ba ihahatid nila ako?

"We wanna know about you more, sumama ka na samin week ends naman" sabi ni Emerald habang pababa.

"Anong sumama? May kailangan pa po akong tapusin" kinakabahang tanong ko.

"Hahatid ka namin sa linggo" sabi ni Lena

"Ma-may trabaho pa po ako" sabi ko habang palabas ng kotse. Mag wi-waitress pa ako sa isang restobar, sayang kasi iyong makikita ko do'n, pangdagdag din sa allowance.

Hinila ako ni Emerald tsaka ngumisi. "Don't worry, kami na bahala do'n" Sabi nito.

"Po?"

"Cut the po, Amanda. Nagmumukha kaming matanda" napayuko ako sa sinabi niya.

Tumawa naman ito at hinila ako papasok sa elevator. "Si Janine na magbabayad ng sahod mo sa restobar, siya naman ang nakaisip nito eh" natatawang sabi nito.

"Paano niyo nalaman?" grabe, pinaimbistigahan ba ako ng mga ito? Kaya ba nila ako hinila at isinama kasi alam nilang wala namang maghahanap sa'kin na kapamilya ko?

"We didn't mean it.. Uhm.. Si Janine kasi"

"Puro ka naman sisi Em, tanggalin ko balun-balunan mo eh" Tumawa ang dalawa dahil sa sinabing iyon ni Janine.

"Totoo naman, na nagreseach ka sa kaniya--"

"Nag-reseach TAYO, ginamit mo pa nga iyong pinsan niya para makakuha ng infos" pag puputol nito kay Emerald.

"H.ck! Patay na patay sayo 'yon!" natatawang sabi ni Emerald.

"'Wag mo nalang silang pansinin, kinulang lang ng bitamina ang mga iyan noong bata" bulong ni Lena habang papalabas na kami sa Elevator. Tumango ako, pero totoo 'yon. Patay na patay talaga si Warren kay Janine, si Warren ay second cousin ko sa mother side, hindi naman kami close no'ng mga bata kami, pero nito lang na nag college na kami.

"Tangna Emerald, pag nalanam iyon ni Jett talagang malilintikan siya sa'kin"

"Ang angas naman, siya pa talaga ang malilintikan sayo ha?" nagtawanan silang tatlo. Ako rin ay nakitawa na, alam din kasi ng lahat na under iyong boyfriend ni Janine sa kaniya.

"Ano bang kasing sinabi mo sa pinsan ni Amanda?" tanong ni Lena Kay Emerald. Papasok na kami ngayon sa isang pinto.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng makapasok kami, grabe sobrang gara ng unit na ito. Pang mayaman talaga! Kanino ba ito?

"Sabi ko na papansinin siya ni Janine pag nag disclose siya ng info about Amanda" tumawa ng malakas si Emerald.

"Kapag ako talaga naliktikan kay Jett. Malilintikan ka din kay Elijah"

"Luh, inosente ako. Clean as alcohol"

"May picture ako na nakikipag usap ka kay Warren" tila dimonyong tumawa ito, si Emerald naman ay ngumuso.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon