Chapter 18

2.3K 65 1
                                    

Amanda's POV

"What do you think about it?" Alanganin akong tumingin kay Janine nang ipakita niya iyong two piece na hawak niya. Isang light green one piece at black two piece, nasa isang botique kami ngayon dito sa mall na malapit sa Azet.

Bumibili ito ng damit at swim wear para sa field trip na gaganapin tatlong araw mula ngayon. Field ba 'yon? Para namang vacation ang pupuntahan namin! Uhm.. Oo, namin kasi inaya ako ni Xane at hindi ako makatanggi--hindi talaga ako tatanggi!

"Iyong black, maganda." Ngiting sabi ko, medyo tanned si Janine, pero alam ko namang kahit anong suot nito ay bagay parin sa kaniya.

"Okay sige, isuot mo 'to ha" napatigil ako sa sinabi niya.

"Isuot?" Para nabingi ata ako. Isusuot ko iyong panty at bra lang? Parang nakakahiya naman.

"Yes. Isuot mo ito pag nasa beach na tayo. Jett told me that we'll gonna spend our three days on Lance's resort" ngiting sabi nito. Napakamot ako sa aking noo, ayuko namang i-disappoint si Janine. Bumuntong hininga ako tsaka tumango.

"Sige, pero papatungan ko iyan ha. Hindi kasi ako sanay" nahihiyang sabi ko. Nginitian ako ni Janine na para bang sinasabing walang problema.

"Okay, lets buy see through" sabi nito sabay hila sa akin. Hindi ko maiwasang mapatawa. Lahat talaga ng gusto niya ay nakukuha niya, nabibili niya pero-- alam kong si Xane ang mag babayad ng mga iyon. Iyong credit card ni Xane. Napangiti ako ng maisip ko kung gaano siya kamapagbigay kay Janine.

May pera naman si Janine, pamilya mayaman sila, pero trip niya atang gastusin ang pera ng kaniyang pinsan. Nakakatuwa lang kasi isa iyong tanda ng pagiging malapit nila sa isat-isa kahit na para silang aso't-pusa.

Natapos iyong pamimili namin ni Janine at hinatid na ako nito sa condo ni Xane. Oo, sa condo na niya ako tumutuloy ngayon kasi iyon ang gusto niya, para daw lagi kaming magkasama. Nagagalak ang puso ko kasi maayos ang relasyon namin ni Xane.

Mas nakilala ko pa siya lalo at marami akong bagay na natutuklasan sa kaniya. Hindi maalis iyong dark side niya kapag may nakikitang lumalapit sa akin na ibang lalake. Madalas ay kinikilig ako pero minsan naman ay hindi ko siya pinapansin kasi sobra naman iyong pagseselos niya.

Hindi naman niya ako sinasaktan pisikal pero emosyonal naman, hindi niya ako kinikibo.. Tapos nakikita ko nalang na nag iinom ito. Kaya ako na umiiwas pag may lumalapit sa akin na iba.

"Xane?" mahinang usal ko ng maaninag ko si Xane sa lobby na naghihintay. Umalis na si Janine dahil hinahanap na daw ito ni Jett.

Agad akong lumapit sa gawi niya, ng makita ako nito ay mabilis siyang tumayo sa kinauupuan at sinalubong ako ng yakap at halik. Nag init ang aking mga pisngi dahil sa ginawa nito. Luminga-linga ako para tiyakin kung may nakakita sa ginawa niya, salamat naman at wala.

"I missed you.." Napatawa ako sa bulong niya. Parang ilang oras lang naman akong nawala.

Hinaplos ko ang kaniyang matitigas na braso ng kumala ako sa kaniyang yakap. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ngumiti ito dahilan para lumabas ang kaniyang kompleto, sistematiko at mapuputing ngipin. Ang gwapo naman ng boyfriend ko!

"I'm waiting you babe" sabi nito, iginiya niya ako papunta sa elevator. Sumakay kami doon  paakyat sa kaniyang condo. Napanguso ako.

"Pwede mo naman akong hintayin sa loob ng condo" sabi ko. Umiling ito tsaka hinaplos ang aking pisngi bago ako halikan.

"I want to make sure that you'll go home on time, safe and sound" nakagat ko ang aking labi. Ganito siya ka-sweet, kaya nahuhulog ako lalo eh.

"Anyways, what do you want for dinner?" Napatawa ako.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon