Chapter 50

2.4K 43 0
                                    

Amanda's POV

Pinunasan ko ng maigi yung maliit na tupperware na nilagyan ko ng limang pirasong chocolate cupcakes na request ni Xane. Ngayon lang naman. Ilang ulit kasi niya akong tinext at tinawagan para lang dito kaya pinagbigyan ko na. Simula ng nung nangyari doon sa locker room lagi na siyang dikit ng dikit sa akin. Hindi siya nahihiwalay, lagi niya ako inihahatid sa klase kahit hindi ko naman siya pinapansin. Usap-usapan tuloy na nagkabalikan na kami gayong hindi naman. 

Iyong mga pagpapadala niya ng bulaklak ay wala paring mintis. Simula noon ay tinatanggap ko ang mga iyon ang kaso ay wala ng sulat sa bulaklak. Naisip ko na baka wala na siyang masabi kaya bulaklak at chocolates nalang. 

"Sana magustuhan niya." mahinang turan ko at Inilagay ko iyon sa isang paper bag tsaka ipinasok sa aking bag at mabilis na sumunod sa sasakyan ni Emerald. 

Gaya ng sabi nito ay ikwenento ko sa kanya ang dapat ikwento. Iyong mga dapat lang. Hindi kasama yung nangyari sa locker room.. 

Iwinaksi ko ang papasok na ala-ala sa aking isipan. Nahahawa na ako kay Janine! 

"Anong ganap mo ngayon?" napatingin ako kay Emerald, nananatili ang tingin nito sa daan. 

"Uhm.. May mga activities kami ngayon" ngiting sabi ko. Tumawa ito na habang umiiling. 

"I'm referring to the cupcakes that you baked. Last time I checked, walang nag order ng cupcakes mo" napatawa ako sa kanyang sinabi. 

"Para sa kaibigan" parang gusto kong bilaukan dahil sa aking pagsisinungaling. Baka sabihin kasi nito kay Lena. Tapos si Lena naman ay sasabihin kay Janine. Si Janine naman ay iku-kwento kay ma'am Serene, hanggang sa mag mi-meeting na naman kami at para na naman nila akong sisilihan dahil sa mga maanghang nilang pangaral. Lalo na si Janine. 

Nagpatuloy ang pagmamaneho ni Emerald papunta sa Azet. Ng makarating kami ay marami naring papasok na estudyante. Tinignan ko ang aking selpon ng tumunog iyon. Napangiti ako ng maliig ng makita ko ang pangalan ni Xane. 

'Babe, text me if you are already here in Azet. Baba nalang ako at pupunta sa building niyo. Take care, Angel.' mabilis ko iyon itinago ng dumukwang si Emerald para silipin ang selpon ko. 

Napanguso ito, tinawanan ko siya. Alam ko na ang karakas niya. Lagi niyang inire-report kay Janine ang lahat. Talagang parang wala silang itinatago sa isa't isa. Pati si ma'am Serene ang nadadamay narin. 

"Mauna na ako, 'Manda. Ingat ka!" ngumiti ako ng matamis kay Emerald bago tumango. Tumalikod ako at mabilis na inilabas iyong paper bag sa bag ko para hindi ito makusot lalo. 

Naglakad ako papunta sa Engineering building. Oo, ako na lang ang magbibigay nito sa kanya. Naiisip ko pa kung anong mararamdaman nito. Napangiti ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

Ng makarating ako sa palapag ng classroom nila Xane ay may nakita akong mga estudyanteng nagkukumpulan sa daan. Parang may nagaganap na dapat masaksihan ng lahat kung kayat naroon sila't nakikiusyoso. 

Lumapit ako at sumilip ng bahagya, ganon nalang ang gulat ko ng makita kung sino ang pinagkakaguluhan. Si Xane at Isah.. 

Magkasama na naman sila? Bakit siya nandito sa engineering building? Huwag nilang sabihing mag ka-klase sila? 

Napapikit ako ng mariin ng maalala 'yung text ni Xane. Kaya pala siya nalang ang pupunta sa med building para hindi ko malamang nagkikita parin sila ng babae niya. O baka naman babae parin niya ang babaeng iyon. 

Napahawak ako sa aking dibdib. Malamang ay lagi silang nagkikita rito. Baka nga sa condo narin niya tumitira ang babae gaya ko noon. 

Napaiwas ako ng tingin tsaka lumiko at pumasok sa isang silid aralan na wala pang tao. Kinapa ko ang aking pisngi ng may maramdaman akong basa doon. Napahawak ako ng mahigpit sa isang upuan ay doon ibinuhos ang katangahan ko. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon