Chapter 66

2.5K 62 2
                                    


"Alam mo namang hindi pa maayos ang papa mo diba? Pwede bang ako muna ang mama at papa mo sa family day?" malumanay ba tanong ko. Tumingin ito sa aking mga mata. 

"Alam mo love, ang swerte ko sayo. 'Yung Nanay ni Junjun pinapalo siya kapag hapon na naglalaro parin kami. Tapos minumura pa niya si Junjun. Ikaw hindi mo ako pinapalo, hindi mo ako minumura, mahal mo ako.." humawak ang dalawang maliliit nitong kamay sa aking magkabilang pisngi. 

"Ilabyu 'ma kahit wala akong papa" nagsituluan ang aking mga luha. Yumakap ito sa akin ng mahigpit. Hinalikan ko ang kanyang ulo. Napaka-inosente ng pagakakasabi niya doon pero sobra kung makakurot sa puso. Masaya ako na kontento na siya sa akin. Hanapin man ng mundo ang Papa niya basta't nandito ako ayos na iyon para sa kanya.

Natigil ang sasabihin ko sana ng may marinig akong kaluskus sa pinto ng aming kwarto. Napatawa ako ng nagsisiksikan silang apat sa pinto. Si ma'am at Emerald may pa punas punas pa ng pisnging nalalaman. S Janine at Lena naman ang nagtutulukan. 

"And'yan na naman sila love. Baka maubusan ako ng lulutuin mo ah" rinig kong bulong ni Zen. Napatawa ako ng mahina tsaka siya binuhat at naglakad papunta sa kanilang apat. Nagsilabasan na din ang mga ito at bumalik sa sofa tsaka nanood. Inilapag ko ulit si Zen sa island counter, pinapanood lang ako nito sa pag luluto. 

Ganito siya lagi, kapag nasa bahay kami ay hindi ito mawaglit sa akin. Pag wala siyang klase, lalabas siya at makikipaglaro sa mga kaibigan niya pero pag oras na para magluto, uuwi na ito at mag rerequest ng ulam tsaka ako papanoorin hanggang matapos. Dito niya ikwenikwento ang mga ginawa niya buong araw. Lahat ng pagrarason at kapilyuhan, dito madalas mangyari sa kusina. 

Ng matapos ako magluto ay naghain na ako sa kumidor. Gaya ng dati kapag nagkakasalo kami, naging maingay na naman ang hapunan. 

Akala ko pa ay matutulog sila rito pero ng sumapit ang alas syete ay may mga nagsidatingan na sasakyan sa labas ng bahay. Halatang sinusundo na ang mga ito. 

"Bye gurl, mag ingat ka, babalik kami ha" sabi ni Lena. Ngumiti ako sa at humalik sa pisngi nila isa-isa. 

"Take care Amanda" si Ma'am Serene na may buhat na bata. 

"Ito kasing mga 'to. Akala mo naman tatakas kami" tumingin si Janine sa asawa at anak. Gusto man naming ipakilala sa isa't isa ang anak nitong si Jupiter at si Zen naisip namin tsaka na, baka magulo lang ang utak ng anak ko lalo pa't hindi pa naman magaling ang papa niya. Baka umasa lang siya. 

"Mauuna na kami!" sigaw ni Emerald bago pumasok sa isang kotse. 

Ng makaalis sila ay pumasok narin kami ni Zen. Inaantok na ito kanina kaya tuluyan na siyang nakatulog hababg buhat ko. Inilapag ko siya sa aming kama, hinalikan ko ang kanyang noo bago lumabas sa kwarto.

Pero napatigil ako ng may makita akong pigura na nakatayo sa sala. Napatakip ako sa aking bibig at bahagyang napahawak sa seradora para kumuha ng lakas. 

"X-xane.." nagsituluan ang aking luha ng humulma ang ngiti sa labi nito. Nananaginip ba ako? Totoo ba ito? Nandito siya! Maayos na siya.. 

"Angel.." tuluyan na akong napasalampak sa sahig at mahinang humagulgol. Parang nawala lahat ng aking lakas. Miss na miss ko siya, miss na miss ko na ang boses niya. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko kayang tumayo, nanginginig ang tuhod ko. 

Tumingin ako sa kanyang mukha, malaki ang pinagbago nito, mas lalo siyang gumwapo. Nag matured din ang mukha niya. Lumakas ang tibok ng aking puso ng lumapit ito sa akin, umupo siya sa aking harap para magpantay ang aming mukha. 

Kahit nanghihina, unti-unting umangat ang aking kamay para haplusin ang kanyang mukha.

"Xane.." tumingin ako kanyang mga mata ng may mahulog na gabutil ng luha. Umiiyak siya. Hinawakan niya ang aking kamay na nakahawak sa kanyang pisngi. Pumikit ito na tila ninanamnam ang haplos ko doon sa kanya. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon