Chapter 64

2.3K 70 11
                                    


Amanda's POV

"Zen anak, bilisan mo" sigaw ko ng hindi pa ito lumalabas sa loob ng aming bahay. Nakasakay na ako sa tricycle ni Manong Juan hindi parin siya lumalabas. 

"Saglit lang lab, 'yung buhok ko magulo pa!" rinig kong sigaw niya. Napahinga ako ng malalim at hinintay pa siya ng ilang minuto. 

Napatingin ako sa bukana ng bahay ng lumabas na ito, pangisi-ngisi siya habang inaayos ang uniporme niyang white polo. Napatampal ako sa aking noo, nakataas kasi ang buhok niyo. Nilagyan niya ng gil! Ginamit na niya 'yung gil na pinabili niya sa akin noong nakaraan. 

"Ayos ba lab?" tanong nito habang pasakay ng tricycle. Tinulungan ko siya sa pag akyat at pinaupo sa tabi ko. 

"Ba't naman ganyan ang buhok mo? Para ka namang manok niyan" pang aasar ko sa kanya. Inilingan lang ako nito na parang bilib na bilib sa sarili. 

"Pag na-inlab sa akin si Athemis, ikaw ang una kong sasabihan" pagyayabang nito. Kahit malakas ang hangin ay hindi nabubuwag 'yung buhok niya. 

Panaka-naka ko iyon sinundot, sobrang tigas naman. Mukhang ibinuhos niya lahat 'yung gil.

"Mai-inlove ba iyon sayo gayong para kang tandang diyan tsaka.." inamoy ko iyong pagitan kili-kili niya para sana asarin siyang mabaho. Nakagat ko ang aking labi, pinipigilan ko ang pag ngiti. Tumingin ito sa akin na parang nagyayabang. 

"Ano lab? Nagpabango ako, akala mo diyan.  Pres pa iyan, amoy downey at amoy baby" napasambulat ako ng tawa ng kumindat ito sa akin. 

Patuloy lang siya sa pag yayabang hanggang makarating kami sa kanilang eskwelahan. Inayos ko ang kanyang damit at nilagyan ng twenty pesos 'yung bulsa ng pants niya. 

"Wow bente" sabi nito habang hinahaplos-haplos pa ang bulsa. Napailing ako, 

"Baon mo iyan buong maghapon" bilin ko sa kanya. Ngumiti naman ito at tumango, tuwang-tuwa pa. 

"May sobrang lunch box sa loob ng bag mo, para kay Athemis iyon, ibigay mo na lang at mayroong para sayo, para makakain ka rin sa lunch" dugtong ko. Alam ko kasi magbibigay na naman ito ng pagkain sa kaibigan, kaya pala pag dumarating sa bahay ay laging gutom na akala mo hindi pinapakain! 

"Salamat 'ma" sabi nito tsaka ako niyakap at hinalikan sa labi. Niyakap ko rin siya pabalik. Buti't hindi nahihiya si Zen na halikan ako kahit maraming bata ang nakakakita. 'Yung ibang anak kasi, kahit apat o limang taon pa lang ayaw na magpahalik, kesyo nahihiya raw sa mga kaibigan at kaklase. Buti ang anak ko ay hindi gano'n, at iyon ang ipinagpapasalamat ko. Sana hindi siya magbago, laging bibo at malambing kahit marason ayos lang basta may punto. 

"Sige na anak pumasok ka na. Iwasan ang paglilikot at laging makinig kay teacher" sa awa naman ng Dios ay hindi pa naman ako kinakausap ni Teacher dahil kay Zen. 

"Opo" sabi nito bago kumalas sa yakap. 

"Zen!" tawag ng batang lalake sa anak ko. Tumingin sa akin si Zen, ngumiti ako tsaka tumango. Mabilis na tumakbo ito sa ka-klase at sabay silang pumasok sa loob ng classroom nila. 

Ako naman ay tamayo umalis na para maagang magbukas ng shop. Akma na sana akong sasakay sa loob ng tricycle ng may mahagip na pamilyar na mukha ang aking mata. Kumabog ng mabilis ang aking puso at pinakatitigan ang lalaking mabagal na nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Dahil maraming batang estudyante ang dumadaan ay diretso ang tingin nito sa daan. Nakabukas ang binta ng sasakyan nito at kahit naka side view, kita ko parin kung gaano ito ka-gwapo. 

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Namamalikmata ba ako? Sa sobrang pangungulila ko sa kanya, gumagawa na ng ilusyon ang isipan ko? O baka naman kamukha niya lang? Oo tama. Kamukha niya lang iyon. Baka kapag humarap ng husto ang lalaki, baka mag iba na ang mukha nito. Ano naman ang ginagawa niya rito? Napaka imposibling mapadpad siya rito sa Ilocos. At kailan pa siya dumating? Kailan pa siya gumaling? Kailan--

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon