Chapter 29

2.2K 62 4
                                    

"Lena!" Hindi ko maiwasang mapasigaw. Nagsitawanan silang lahat sa ginawa ko,  nahihiyang inayos ko ang aking damit at tumungo.

"'Raulo talaga 'yang si Xane" iling na turan ni Janine. 

"Makapagsalita ka naman, halos sabay nga kayo no Serene sa pagbaba eh" pang aalaska ni Emerald kay Janine, umingos naman ang huli at ipinagtanggol ang sarili. 

"Eat, Angel" tinanggap ko iyong isinubong pagkain sa akin ni Xane. Nagpatuloy kami sa pagkain, napapailing nalang ako dahil sa kakulitan at kaingayan nila. 

"Ano Serene, masarap ba?" Natigil ang pagkain ko ng crabs dahil sa tanong na iyon ni Janine. Tumingin ako kay ma'am Serene.

"Oum.. Oo, masarap" kaswal na sabi nito. Tumango ako, masarap naman talaga. 

"Grr!!" Singhal ni Lena. Habang nagtatawanan silang tatlo. Tahimik lang iyong mga nobyo nila, abala sa pagkain. 

"Gaano kasarap?" Dugtong na tanong ni Lena. 

"Masarap nga, masarap na masarap, sobra-sobra" tama, walang ng mas sasarap. 

"Grabe ka ma'am, ang wild mo pala! HAHAHA" napanguso ako, walang namang nakakatawa sa sinabi ni ma'am. Pero lahat sila parang mawawalan na ng hininga dahil sa pagtawa. 

"Anong wild, Emerald?" 

"Born to be Wild" napailing ako at nagpatuloy sa pagkain. 

"Masarap naman talaga ang pagkain" ani ma'am Serene. Uminom ako ng buko juice at tumango. 

"Opo, sobrang sarap" sabi ko, napanguso ako ng tawanan ako ng tatlo liban kay ma'am Serene. Nakakalito naman sila, dapat hindi pinagtatawanan ang pagkain! 

"Nakakamatay ba sa sarap?" Tanong ni Lena habang tumatawa parin silang tatlo. 

Ngumiti ako ng matamis, "nakakabusog sa sarap" 

"Ay bet!" Sigaw ni Janine. Ngumiti ako, buti naman at umagree na siya. 

"'Yung akin din sobrang sarap, ang laki at ang taba!" Napatingin ako sa kinakain ni Lena. Parang masarap nga talaga, naubos na kasi niya iyong pagkain niya. Malalaki rin kasi iyong bangus at crabs, pati 'yung hipon kaya hindi ko siya masisisi kung masarapan siya. 

"Tae ka Lena! HAHAHA" napangiwi ako sa sinabi ni Janine, nakahawak na ngayon ito sa kanyang tiyan at tawa ng tawa. 

Marami pa silang pinag usapan patungkol sa bangus, iyong may hikaw na bangus na parang braso raw. Sinabi ko namang 'yung akin ay maliit lang kasi kinain ko yung natitirang tuyo kanina. Sobrang sarap din! Pero pinagtawanan lang nila ako. Kami ni ma'am Serene. 

"Hindi kasi literal bhe, 'yung ano ni Xane maliit?" Natatawang tanong ni Lena. Muntik ko ng maibuga iyong buko na iniinom ko ng matanto ko kung ano 'yung pinag uusapan nila. Sumabat si Janine at sinabing maliit daw 'yung sa boyfriend ko. Umiling-iling ako,

Pinunasan ko ang aking labi, "m-malaki.." Kaya nga nilagnat ako eh! Pati ngayon ay pinipilit ko lang maging komportable sa paglakad kasi pakiramdam ko andito--

"M-malaki na siya ngayon, ganito oh" iginiya ko iyong aking braso. Nagsitawanan silang lahat kaya nagyuko ako. Totoo naman! 

Bigla kaming napalingon sa bukana ng cottage ng papasok doon sila Xane. Nakangiti ito sa akin, lumapit siya ay umupo sa tabi ko. 

"you done eating?" Malambing na tanong nito. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat, tila naglalambing. 

Tumango ako sa kanya at ngumiti "about last night." tumingin ako sa kanyang mga mata. Iyon bang paglalandian nila ni Hannah ang tinutukoy niya? 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon