Chapter 19

2.4K 67 12
                                    

Amanda's POV

Pagpasok namin ni Xane kinaumagahan sa Azet ay para na naman akong gumawa ng krimen dahil sa titig ng mga studyanteng nadadaanan namin.

"I will fetch you after your class" nahabag ang aking puso ng humalik pa ito sa aking leeg at noo. Kahit may mga studyante dito sa corridor ay hindi niya alintana.

Tumango ako, "Sige, ingat. 'Wag mag babae" natawa ito sa sinabi ko.

"I will babe" ngiting sabi niya habang hinahaplos ang aking pisngi. Nagiging extra sweet si Xane ngayong mga nakaraang araw. Baka mamaya ay mambabae ito. Hindi ko talaga kakayin! Iwinaksi ko ang aking isipin tsaka muli siyang hinagkan.

"Sige na, pasok na ako" tumango ito at nagpaalam na, baka raw ma late pa ako.

Pagpasok ko sa loob ng classroom ay matalim na tingin agad ang itinutok sa akin ni Rica. Nginitian ko siya ng matamis. Alam ko kung ano na-naman ang iniisip nito.

"Malandi!" Sigaw na bulong niya ng makaupo ako sa tabi niya. Napanguso ako, "Inagaw mo sa'kin si Xane cupcake ko" humalukipkip ako sa habang pinaniningkitan siya ng mga mata.

Crush na crush din niya si Xane at labis daw siyang nasaktan ng malaman niya sa'kin na kami na. Hindi raw siya makapaniwala at aagawin daw niya si Xane sa'kin.

"Ang shugality mo pa, nakikipag emerut ka lang pala kay papa Xane sa corridor." napatampal ako, lumalabas na naman ang pagiging maldita ng binabaeng ito.

"Hala sabihin mo nga, nakipag-chukchakan ka na kay yummy licious Xane 'no?" Napanguso ako.

"Ano? Totoo 'no? Isa kang matalinong malandi!" Napatawa ako. Magsasalita na sana ako ng dumating na ang prof namin. Sinungitan lang ako ni Rica kasi tinatawanan ko lang siya.

Natapos ang klase namin na pagbulong-bulong pa ito, hindi ko naman maintindihan. Sabi niya ay nananakit daw ang dibdib niya dahil sa sama ng loob at kailangan daw siyang i-CPR.

"Amanda" napatigil ako sa pagliligpit ng gamit ng tawagin ako ni Kriza, iyong President namin dito sa classroom.

"Bakit?" Tumayo ako para pormal siyang makausap. Nasa harap ko kasi siya.

"Pinapatawag ka sa Principal's office" wala pa man din ay kinabahan na ako. Ano naman ang nagawa ko at ipapatawag pa ako do'n?

"Ah sige, ngayon naba?" May klase pa kami after nitong brake.

"Yes, asap" napatango ako. Kinuha ko iyong bag ko tsaka lumabas sa classroom. Nag text ako kay Xane na hindi ko siya masasamahang mag brake dahil pinapatawag ako sa Principal's office. Sabi niya ay susunod daw siya sa akin.

Bumuntong hininga ako bago pumasok sa loob ng office ng aming kapita-pitagang Principal na hindi pa nakikita ng mga studyanteng nag aaral dito sa Azet. Nanginginig ang aking mga tuhod, sana naman ay walang masamang balita.

Third Person Point of View

Itinambol niya ang kaniyang mga daliri habang hinihintay ang dalaga sa kaniyang opisina. Nahihinuha niyang magiging masaya ang mangyayari sa susunod pang mga araw. Napangisi siya.

Inikot niya ang swivel chair na kinauupuan taliwas sa may pintuan. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng pagbukas ng pinto, hinayaan lang niyang na pumasok ang dalaga at magsalita.

"Good morning sir, pinapatawag niyo raw po ako?" The sweetness of her voice echoed inside the office. He's not even surprise why the devil asked for it. Ang mahinang demonyong iyon ay takot sa sariling multo.

Unti-unti niyang inikot ang kinauupuan. Hindi na siya magtataka kung magugulat ang panauhin.

Nakalarawan nga rito ang pagkagulat at.. Takot.

"Lance? A-anong.."

"My uncle is not around, I'm representing him" seryosong sabi niya sa dalaga. Mula sa pagkagulat ay tumango ito.

"Take a seat" iniumang niya ang kamay sa upuan sa kabilang dako ng mesa. Umupo si Amanda do'n habang hindi tinatanggal ang paningin sa kaniya. Para inaarok kung bakit ito pinapatawag.

"Eherm! Before anything else, I just want you to know that your exelled among the students in your batch. Someone like you is really a gem on this University.." Tumigil siya ng makita ang nakarihistrong kaba sa mukha ng dalaga. Tunay nga itong maganda.. Ngunit mas maganda ang kaniyang asawa.

Nakita niya ang record ni Amanda sa paaralan. At masasabi niyang isa itong matalinong babae, masipag, mabait ngunit madaling maloko. Mataas ang grado nito, hindi maikakailang ito ang magiging Summa ng Azet sa susunod na taon.

Nanghihinayang siyang tanggalan ito ng bagay na nararapat dito.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Bumuntong hininga siya at kumuha ng lakas para basagin ang pangarap ng dalagang nasa harap.

"I won't sugar coat you anymore Amanda but the Principal will permamently cutting your scholarship on this school. The Dean and those who has higher postion agreed. I actually don't know about it, I can't even do anything. I'm so sorry Amanda but you are no longer scholar" titig na titig siya sa mga mata ng dalaga kung paano magsibagsakan ang mga luha doon.

Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng umiiyak na babae pero pinili niya ito dahil naniniwala siyang sa pagkakataong ito ay maiiba na ang tadhana ng demonyong iyon.

"Hindi ko maintindihan, Havoc, ikaw narin ang nagsabi na matataas ang mga grado ko, walang problema at maayos ang record ko dito sa Unibersidad. Ba-bakit bigla nalang akong tatanggalan ng i-scholarship?" Iniwas niya ang tingin para hindi maapektohan at maawa kay Amanda. Nabasag pa ang boses nito habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Ba-bakit? Wala naman akong ginagawang masama. Wala naman akong inaapakang tao.. Bakit.." Nagtakip ito ng mukha at tuluyang napahagulgol. Kinuha niya ang kaniyang telepono at nagpadala ng mensahe sa asawa na hindi niya ito masasamahan opisina nito. Kahit hindi pa sila tuluyang maayos ay nasisiyahan siya sa kaalamang papadalhan niya ito ng minsahe at ganon din ang asawa.

"I'm sorry Amanda" iyon nalang ang nasabi niya. Patuloy parin sa paghagulgol ang dalaga sa kinauupuan nito. Ngayon ay ang demonyo naman ang pinadalhan niya ng mensahe.

"Wa-wala ka namang kasalanan" pinunasan nito ang mga luhang naglandas sa kaniyang pisngi.

"Aalis na ako, salamat Lance" tumango siya at tumayo. Bahagya pang lumapit sa dalaga para sana alalayan ng bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa niyon si Xane.

Nagkibit balikat siya ng masama siya nitong tinignan. Lumabas ang mag nobyo at tuluyan ng nilisan ang kaniyang opisina. Bumuntong hininga siya tsaka tinitigan iyong mukha ni Serene sa kaniyang selpon.

Kuhang larawan ito ng tulog ang kaniyang asawa. Napakaganda talaga nito, nakakaakit at sobrang nakakaadik.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon