Chapter 12

2.3K 69 5
                                    


"Gurl, saan ka nag lunch?" Si Rica sabay upo sa tabi ko. Matagal bago ako sumagot para ayusin ang aking boses.

"Sinama ako nila Janine" tipid na sabi ko sabay tingin sa harap. Tumayo kami at bumati sa prof namin ng pumasok ito sa silid aralan.

"Wow, talagang friendship na kayo ha" Hindi ko na pinansin si Rica at itinutok nalang ang sarili sa harap para makinig. Hindi narin naman ito nangulit dahil nag discuss na si Ma'am Wyn.

Pagtapos ng klase namin ay mabilis akong nag-ayos ng gamit. Nauna na si Rica dahil nakisabay siya sa crush niyang ka-klase namin.

Paglabas ko ng classroom ay nakita ko si Hera sa corridor na parang may hinihintay. Kasama niya yung mga kaibigan niya. Bigla akong kinabahan ng dumako ang paningin nila sa akin, dahan-dahan akong naglakad habang nakayuko. Pero napatigil din ako ng harangin nila ako.

"So, nandito na pala 'yung simpling malandi" rinig kong sabi ni Hera, nagtawanan iyong mga kasama niya.

"Simpling ahas" sabi pa nung isa na may makapal ang make-up.

"Akala mo kung sinong matalino, malandi rin pala" si Precious na ka-klase rin namin.

"Hayaan niyo na, pagsasawaan din iyan ni Xane. Mga party girl ang gusto niya, hindi parang manang" nagtawanan sila sa sinabi ni Hera. Nanatili akong nakatungo, ngayon lang nila ako napagdiskitahan ng ganito. Alam ko ng mangyayare ito dahil maraming nagkakagusto kay Xane, pero hindi ako sanay na nakakarinig ng mga ganitong salita.

"Pati si Mark, mukhang inaahas pa" Si Wella

"Subukan lang niya, ilamlampaso ko ang pagmumukha niya sa sahig. Baka tanggalan ko pa siya ng scholarship" do'n ako napatingin kay Hera. Biglang sinalakay ng kaba ang aking dibdib, sabihin niyo na lahat 'wag niyo lang tanggalin ang scholarship ko.

Mayaman sila Hera, lahat ng nag-aaral dito sa Azet ay mga mayayaman at alam kong kayang-kaya niyang pakiusapan ang Principal at Dean para tanggalan ako ng scholarship.

"Nadali mo Hera" sabi ni Precious habang tumatawa.

"Hi-hindi ko naman kinakausap si Mark" mahinang sabi ko. Pilit na ikinukubli ang kabang lumatay sa aking mukha.

"Oh talaga ba? Tandaan mo Amanda, hindi mo gugustuhing inisin ako ng tuluyan. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo" napatango ako, wala naman akong balak na makipag lapit kay Mark kahit na makipag kaibigan manlang.

Ngumisi si Hera sa pagtango ko bago sila umalis ng tuluyan sa dadaanan ko. Mabalis ang aking paghakbang paalis do'n. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa sama ng loob.

Bakit kailangan pa nilang idamay ang scholarship ko? Do'n na nga lang ako umaasa para makapag-aral tapos aalisin pa nila? Ito ang mahirap sa mga mayayaman, hindi ka nila maiintindihan dahil hindi naman nila nararanasan iyong hirap na pinagdadaanan ng mga gaya kong mahirap lang.

"Umiiyak habang hindi nakatingin sa dinaraan ay nakakamatay" napatingin ako ng may sumabay sa akin sa paglalakad.

Si sir Sebastian! Nakita niya ako na umiiyak, nakakahiya! Pinalis ko ang aking luha at pilit na ngumiti.

"Who made you cry?" Seryosong tanong nito. Mabait si Sir sa lahat ng studyante niya kaya magaan ang loob namin sa kaniya. Hindi rin nagkakalayo ang edad ng agwat naming mga studyante niya. Kapatid siya ni Emerald kaya walang tulak kabigin ang lahi nila.

"Ah wala po, napuwing lang" pagsisinungaling ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad, iyong mga studyanteng hindi pa umuuwi ay may mga mapangusig na tingin sa gawi namin ni sir Sebi.

"Your eyes can't lie, Ms. Dela Cruz" napatigil ako dahil sa paglalakad. Humarap ito sa akin at nag-abot ng puting panyo. Tinignan ko iyon.

"Here, wipe your tears. They can't stop falling" tahimik akong lumuha dahil sa sinabi niya, kung hindi kayang magsinungaling ng aking mga mata, bakit ako hinusgahan ni Xane noong una? Bakit hindi makita nila Hera na wala naman akong balak na agawin si Mark sa kaniya?

Kung hindi nagsisinungaling ang aking mga mata, bakit kailangan ko pang gamitin ang aking bibig para magsalita?

Ng hindi ko tinanggap ang panyo ni sir ay siya na ang lumapit at nagpunas ng aking mga luha.

"The Principal's office is open for students who are suffering from bullying, I can help you to defend yourself" natawa ako ng mahina bago tuluyang kinuha ang panyong ipinupunas niya sa aking pisngi.

"Hindi naman po ako nasaktan" sabi ko, hinuha ko ay nakita kami ni Sir kanina.

"You are, because you crying"

"Red days, Doc." Natawa ito dahil sa palusot ko.

"Yeah, yeah, women and their hormones" natatawang sabi nito bago ako sabayan sa paglalakad. Ng nasa quadrangle na kami ay nagpaalam na si Sir na tutuloy na sa opisina niya.

"Take it, you need that" sabi nito ng akmang isasauli ko iyong panyo niya. Ngumiti at nagpasalamat. Napakabait talaga ni Sir.

"Take care Ms. Dela Cruz" seryosong sabi ni niya. Ngumiti nalang ako at nagpasalamat bago tuluyan ng umalis.

Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa pwesto namin ni Sir kanina ay nahagip na ng mata ko ang pamilyar na pigura ng tao na nakasandal sa puno ng Mahogany.

Malalim ang tingin nito at parang galit. Napatungo ako at nagtuloy-tuloy ng lakad, hindi ko siya pinansin dahil pumatak na naman ang aking luha.

Bakit pa siya nagpakita gayong mukha naman siyang masaya sa girlfriend niyang si Hannah.

"Amanda" medyo galit na sigaw nito ng malagpasan ko siya. Pinagpatuloy ko ang paglakad pero mabilis niyang hinablot ang aking braso dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"What is that Amanda?" Pagalit na tanong nito habang hindi pinapakawalan ang braso ko.

"Wa-wala" nagyuko ako ng ulo at pumikit ng paulit-ulit para mawala ang namuong luha sa aking mga mata.

"Why are you with Tauzon?" Tanong nito, ni hindi manlang niya ni-sir si Sir Sebi.

"Nagkasabay lang kami" mahinang sabi ko. Bakit ba ako nagpapaliwanag? Wala naman na siya do'n kahig magsabay pa kami ni Sir Sebastian.

"Really? Nagkasabay ba 'yung may pahawak-hawak pa ng pisngi?" Galit na sabi nito. Nararamdaman ko narin na humihigpit ang hawak niya sa akin. Iwinaksi ko iyon para lumuwag ang hawak niya. Tumingin ako sa kaniya, hindi alintana ang luhang namumuo sa aking mga mata.

"Masakit Xane.." tuluyan ng bumagsak ang likido sa aking mg mata, dalawa ba ang kahulugan ng sinabi ko? Kasi pakiramdam ko kasi ay oo. Kahit naman walang kami ay may kurot parin sa aking puso ang isiping may girlfriend pala ito pero hinahalikan niya ako. Sabi pa niyang gusto niya ako pero may katabi naman siyang ibang babae.

Kapag ba may nagugustuhan ka, ayos lang na makipag-yakap ka sa iba? Hindi ba dapat sa gusto mo lang ituon iyong pansin mo?

Unti-unting lumuwag ang hawak niya at ang mukha nitong galit ay biglang naglaho, napalitan ng pagkahabag.

"Who made you cry?" Pagalit na tanong niya. Ang boses at ang mukha nito ay hindi nagkakasundo ng emosyon.

"Wala" mahinang bulong ko.

"I'm asking you Amanda, I hate repeating myself" hinawakan nito ang aking baba para magtugma ang aming mga paningin.

"Wala nga, masakit lang ang ulo ko" umarko ang kilay nito na parang hindi naniniwala, sinalat pa ang aking leeg at noo kung mainit ba ako.

"X-xane.."

"You are cold. What did I do?" Bakit kailangan mo pang magtanong Xane? Hindi mo ba alam ang ginawa mo?

"Wala naman, masakit lang talaga ang ulo ko" pag-ulit ko sa nahabi kong palusot. Natututo na akong mag sinungaling at mag palusot dahil sa nararamdaman ko.

Seryoso parin ang tingin nito tinatansya kung nagsasabi ba ako ng totoo. Kapagkuwan ay kinabig ako ni Xane tsaka hinalikan sa noo at niyakap.

"I hate seeing you with Sebastian, but I think I did something wrong for you to act like that. I'm sorry, babe. If I did something you don't like, I'm very sorry" napapikit ako ng mariin habang haplos-haplos nito ang aking likod. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang aluin ako, kahit natunaw na ang galit sa puso ko dahil sa mga pag-halik at pag-alo niya ay pinili ko pating huwag muna mag salita. Ganito pala ang pakiramdam ng sinusuyo ng isang Xane Reyes.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon