Chapter 62

2.3K 61 17
                                    


"Eherm! Hindi mo ba ako ipapakilala anak?" Natatawang sabi ko. Tumingin sa akin 'yung batang babae na parang ngayon lang ako nakita. Gulat na gulat kasi ang mukha nito. 

"Uhm.. Babe, diz iz may Mama. Love, diz iz may babe, Athemis" pakilala ng anak ko sa magandang bata. 

Umupo ako para magpantay ang mukha namin ng bata. "Hello there, my name is Amanda, Zen's mom. Nice meeting you Athemis" ngiting sabi ko, ngumiti naman ito pabalik, nagulat pa ako ng yumakap pa ito sa akin. 

"Nice meeting you pow, i'm Athemis Xaipper's babe" pinalobo ko ang aking pisngi para pigilan ang pagngiti. Alam ba ng mga batang ito ang mga sinasabi nila? 

Tumingin ako kay Zen, nakatingin din pala ito sa akin, parang nagbabantang tingin! Akala siguro niya ay ibubuking ko siya kay Athemis. Nanlaki pa ang mata nito ng ngumiti ako sa kaniya. 

"Did we met before? I think I saw you somewhere?" Napailing ako sa sinabi nito, kung makikita ko ang batang ito ay hindi ko siya makakalimutan dahil sa gandang taglay nito kahit bata pa. 

"Babe, may gulay kami para sayo" nangunot ang noo ng bata na parang iniisip ang sinabi ni Zen, pero mabilis din itong tumango na animoy naintindihan na ang sinabi ng anak ko. Matalinong bata! 

Inabot ko sa katabing yaya ng batang tahimik lang na nakamasid sa amin. Ngumiti ito bago iyon tanggapin. 

"Thank you Xaipper" sabi ng bata, nakahulma ang matamis na ngiti sa labi nito. Tumango naman ang anak ko at hinaplos pa ang pisngi ni Athemis, parang pamilyar ang aktong iyon sa akin kaya hindi ko maiwasang  mapatitig sa kanilang dalawa. 

"Welkam, eat dat ha. We.. We.. Ano nga english ng inani, love?" Tumingin ito sa akin. 

"Harvested" mabilis kong sabi. 

"Ah.. Yah we harvested dat in ar mini parm. Tama ba love?" Kamot ulong tanong nito. Napanguso ako ng makita ko iyong pagpipigil ng tawa ng babae tsaka nung guard! Tumango ako sa anak ko. Ang cute-cute talaga niya! 

"Thank you! I will, it looks yummy though, so fresh and nutritious" ngiting sabi ng bata. Tumango naman ang anak ko, kita kong gusto pa niyang magsalita ng magsalita pero mukhang nahihirapan talaga siyang mag ingles. Madaldal kasi si Zen. Parang babae, hindi nawawalan ng isasagot 

"Uhm.. Do you want to come inside? It's my lola and lolo's silver wedding anniversary, we're having a party inside and we have visitors also. I have a new friend to! Like Xaipper, he's cute too! He even gave me sunflower! I'd love to introduce you to him" tumingin ako kay Zen na titig na titig sa bata. Ang ngiti sa labi nito ay biglang nabura. 

"Zen anak?" Tumingin ito sa akin na parang maiiyak na. Nahabag naman ako sa kanyang itsura, agad ko siyang niyakap. 

"Bakit anak?" Sumiksik ito sa aking leeg. Tumingin ako kay Athemis na halatang naguguluhan din sa inaakto ng kaibigan. 

"Uwi na tayo 'ma" bulong nito, at nag pabuhat sa akin. Hinagod ko ang kanyang likod, iba na pag mama na ang tawag nito sa akin. Ibig sabihin ay seryoso na siya.

"Xaipper? Are you okay?" Bumalik muli ang tingin ko sa magandang bata, nakalarawan sa mukha nito ang pagtataka at pag aalala. 

Umiling si Zen at hindi tiningnan ang kaibigan. "Kinakausap ka ni Athemis, anak. Sagutin mo siya" malambing na bulong ko, pero umiling lang din uli ito at mas lalo pang nagsumiksik sa aking leeg. 

"Anak? Kinakausap ka, kung ayaw mo, magpaalam ka nalang sa kaniya at aalis na tayo" mahinang bulong ko, nakayukong kumalas ito sa aming yakap. 

"Aalis na kami, hindi ko imi-meet 'yung prend mo. Kayo na lang ang mag meet, salamat nalang sa lahat!" Nagulat ako sa inasal ng anak ko sa bata. Tumingin ito kay Athemis, namumula ang mukha nito sa pag sigaw ni Zen.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon