Chapter 43

2K 40 1
                                    

"Ayyyyy!!!!" nabulabog ang lahat sa tinis ng boses ni Janine. 

"Magnanakaw!!!!" nahintakutan kami ng ituro nito iyong lalaking tumatakbo palayo sa amin, dala ang bag ni Janine! 

"Magnanakaw! Magnanakaw!" sigaw namin sabay turo nung lalaking nakangisi habang tumatakbo palayo. 

"Habulin natin. Babalikan ka namin manong" hindi na namin hinintay na magsalita ang matanda at kumaripas na kami ng takbo habang nagsisisigaw. Napapangiwi ako sa  tunog ng aming mga takong. 

"Pambihira, hindi ko na siya makita. Ba't kasi hindi mo hinahawakan ng mabuti 'yung bag mo Janine" hingal na pagrereklamo ni Lena habang tumatakbo kami. Ang mga tao sa makipot na kalsada ay nagsisihawian dahil sa pagtakbo namin. Nagsisisigaw parin si Emerald at ma'am Serene ng 'magnanakaw! Harangan niyo!' 

"Aba! Malay ko naman! First time ko nga rin dito" singhal nito kay Lena. First time pala, kung makaaya naman umikot ay parang alam na alam na itong buong lugar.

"Pakiramdam ko malalapnos na yung balat ko sa paa!" sigaw ni Emerald, tinignan ko ang tinutukoy niya. Nanlalaki ang aking nga mata ng nakapaa na pala ito gaya ni ma'am Serene. 

"Saglit-saglit.." hingal kaming tumigil habang nakatingin sa lalaking papalayo na sa amin. 

Napasalampak pa si Janine at Emerald dahil sa sobrang pagod. Iyong lalake ay sumiksik na sa mga kanto-kanto kaya hindi na namin siya nahabol.

"Walang magagawa ang pagtakbo natin, i-report nalang natin sa pulis!" Hingal na sabi ni ma'am Serene habang tumatagaktak ang pawis mula sa noo. 

"Tangna kasi, ba't kasi 'di hinahawakan ng mabuti Janina, anga-anga naman" napahilot si Lena sa paa habang nagrereklamo. 

Sumalampak narin ako sa simento, 'yung mga tao ay tingin ng tingin sa amin. Pero wala na kaming pake dahil sa pagod. 

Napatawa ako ng makita 'yung mukha ni Janine, gulo-gulo ang buhok nito. Dumako rin ang tingin ko sa tatlo, namumula ang mga mukha nila dahil sa init at pagod. 

"Paano 'yan? Nandun sa bag ko iyong susi ng kotse." mahinang sabi nito ng mahimasmasan mula sa pagkakahingal.

"Ay, bahala ka sa buhay mo. Tatawagan ko na si Waytt--"

"NO!" nagulat ako sa sabay-sabay na sigaw ng tatlo. 

"Ano kaba, mayayari tayo niyan. Ikalma mo Lena" mabilis na paliwanag ni Emerald na ikinatango naman ng dalawa pang tumutol.

"Guys, we have to report this on police station, we just can't 'cause we don't know where it is. Sabihin man natin sa kanila o hindi, ang ending mayayari parin tayo. At least mapapabilis ang pag report natin" pagpapaliwanag nito. Tumango ako, 

"Oo nga, baka mamaya ay tayo naman ang manakawan." pagsang-ayon ko. Bumuntong hininga ang tatlo at sabay-sabay na tumango. 

Mabilis kinuha ni Lena iyong phone niya sa kanyang bag at tinawagan ang nobyo nito. Kita sa mukha niya ang pag ngiwi kaya natakot din ako. 

Ang totoo niyang ay kinakabahan din ako, magagalit talaga si Xane, sigurado. Bumalik kami kanina sa matandang tindero at binayaran ni Emerald 'yung kinain naming prutas. 'Yung mga pinamili rin ay doon ay kinuha na namin tsaka kami bumalik sa kotse ni Janine. 

Naghintay pa kami ng mahigit kalahating oras doon bago namin makita ang mga pamilyar na sasakyan. Napatampal si Lena ng makitang tig iisa ng sasakyan sila Waytt, Xane, Jett, Elijah at Mr. Fajardo. 

Natutok ang aking paningin kay Xane habang pababa ito ng kanyang sasakyan. Napakagat ako ng aking labi ng makita kong madilim ang mukha nito habang hinahanap ako ng kanyang paningin. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon