Chapter 53

2.2K 39 0
                                    



Ng magising ay nasa isang pamilyar na silid na ako. Nasa tambayan kami nila Xane--sa rooftop at nasa silid niya kami. Tumingin ako sa akong gilid, dahan-dahan ang tagilid ko para hindi magising si Xane na mahimbing ang tulog. 

Nakayakap ang isang braso nito sa akin na bagay na hinayaan ko lang. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo, nahabag ako sa aking nakikita. 

Dahan-dahan kong inangat ang aking mga kamay tsaka hinaplos ang kanyang pisngi. Ngayon ko namamasdang mabuti kung gaano kalalim iyon. Patubo na ring kanyang  balbas at bigote, bagay na kailan man ay hindi ko pa nakitang ganito ang itsura ni Xane. 

Hindi ko maiwasang mapaluha, kumakain paba siya sa tamang oras? Inaalagaan ba niya ang sarili niya? Pinunasan ko ang aking luha bago haplusin ang kanyang braso. Hindi gaya ng dati na sobrang tikas nito at matigas, pero ngayon ay parang wala na akong makapang muscle doon. 

Maitim din ang ilalim ng kanyang mga mata, halatang nagkukulang siya sa tulog. Hahaplusin ko na sana muli ang kanyang mukha ng tumunog ang aking selpon. 

Kinalkal ko iyon sa aking bulsa tsaka para hindi magising si Xane. Pero naalimpungatan na ito at umupo sa tabi ko. Yumakap siya sa aking baywang saka antok na sumubsob sa aking leeg. Napakagat ako ng aking pang ibabang labi. Ang cute-cute niya sa aktong iyon--

"Hello, Amanda?" napawi ang pagkatulala ko ng magsalita ang tao sa kabilang linya. 

"Hello?" 

"Janine? Bakit?" tanong ko ng mabosesan ko kung sino ang tumawag. Sa pagmamadali ay hindi ko na natignan kung sino ang caller. 

"Gurl, asan ka? 'Di ka pumasok?" si Lena iyon. Napatingin ako kay sa lalaking nakayapos sa akin. 

"H-hindi, bakit?" mahinang sabi ko, rinig ko ang mga pag buntong hininga ng nasa kabilang linya. 

"So, asan ka nga?" tanong ulit ni Lena. Napanguso ako. Napaka sigurista naman ng babaeng ito. 

"Bakit ba Lena?" 

"Aba, guilty ka? Nakita ko kayo kanina 'wag maang-maangan" napailing ako, alam naman pala, nagtatanong pa. 

"Bakit kayo napatawag?" pangiiba ko da usapan. 

"Nasan ka nga" napabuga ako ng hangin. Ang kulit. 

"Nasa rooftop, tambayan" pag amin ko. 

"Bhe, baba na kayo dito. Wait ka namin" si Emerald iyon. 

"Dalian mo kasi may nanggigigil na dito" dugtong pa niya. Kumunot ang aking noo. 

"Sino naman?" tanong ko. Naramdaman ko ang haplos ni Xane sa aking tagiliran kaya bahagyang lumutang ang aking isip. 

"Si Madam Auring. May oplan tokhang tayo kaya bumaba na kayo dito" 

"Linawin mo nga, Emerald" ulit ko, para kasing hindi ko naintindihan. Umahon narin si Xane mula sa aking leeg at tahimik na nakikinig sa usapan namin. 

"Narinig kasi namin si Verron kanina-- yung mga alipores niya pala. Ninakaw nila 'yung phone ni Lance nung nag-practice sila sa gymnasium. Ang kapal ng mukha, naghihirap na ata" napatingin ako kay Xane. Seryoso ang mukha nito at parang nababasa ang aking iniisip. Minsan na naming narinig si Verron, kung gaano siya kagalit kay Ma'am Serene, baka may binabalak itong masama. 

"Sige, bababa na kami" pinatay ko ang tawag tsaka tumayo. Kinuha ni Xane ang aking bag at siya na ang nagbitbit niyon. Wala kaming imikan, nakasunod lang siya sa akin habang pababa kami. 

Ng makarating kami sa ground floor ay agad naming nakita ang tatlo. Nakapamewang pa ang mga ito habang hinihintay kami. 

Naniningkit ang mga mata ni Janine, si Lena ang nakangisi habang si Em naman napapailing. Napayuko ako at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa kanila. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon