Chapter 65

2.4K 59 2
                                    

Amanda's POV

"Mwuah! Tignan mo may stars na naman ako" hyper na sabi ni Zen habang ipinapakita ang kamay nitong may stars. Kahit kinakabahan ay pinilit ko paring dumukwang para yakapin ang anak ko. 

"Nag behave kaba sa klase?" tanong ko rito. 

"Yes naman love, sabi mo kasi eh" napatawa ako ng mahina tsaka hinalpos ang kanyang malampong na buhok. Tumingin ako sa mga babaeng nakaupo sa sofa, hindi pa sila napapansin ni Zen kasi parang naging tuod ang mga ito. Nakatitig lang sa aming dalawa. 

Nginitian ko sila, ba't naman ako kakabahan? Wala namang dahilan para matakot ako. Proud ako kay Zen. Hindi ko siya itatago kahit kanino. 

"Tongno, pedophile" naturan ni Janine habang nakatingin sa amin. Pedophile? Iyon talaga ang naisip niya? 

"Pedophile is underrated Jan, it's child abuse.." kontra ni Lena na tulala parin. Ang mga mata nito ay nakay Zen na ngayon ay nakatingin na sa kanila. 

Si Ma'am Serene at Emerald ma'y nagulat, kapagkuwan ngumiti rin ang mga ito. 

"Love, sino sila?" sumiksik sa aking hita si Zen na ikinatawa ni Ma'am Serene. Tumayo ito at bahagyang tinapik sa balikat si Janine bago lumapit sa amin. 

"You looked cute, what is your name?" umupo ito para mapantay ang mukha ng aking anak. Tumingin sa'kin si Zen, tumango ako at parang sinasabing ayos lang sabihin ang kanyang pangalan. 

"My name iz Zen Xaipper, bat yu col me gwapong-gwapong Zen" umani ng tawanan ang sagot nito kay Ma'am Serene. 

"Mukhang may pinagmanahan" iling-iling na sabi ni Janine at sinabayan na sila Lena sa paglapit sa amin. 

Kahit hindi nila tanungin, alam ko namang alam na nila. Mukha palang ni Zen ay masasabi na kung sino ang Ama nito. 

"You looks familiar.. Did you know Athemis? I think I just saw your picture together, it was you?" wiling pang tanong ni Ma'am. Mula sa kinauupuan ay kita namin ang pagkunot ng noo ni Zen. Marahil iniintindi ang engles na sinabi ng kaharap. 

"Athemis.. Pikchur... Togeder.. Ah!" tumango-tango ito sa sariling naisip bago tumingala sa akin.

"Love, pakisabi nga kung ka ano-ano niya si babe. Tapos sabihin mo pikchur namin 'yon nung buwan ng wika. Dali-dali" pinigil ko ang pagsambulat ng aking tawa. Mukhang seryoso siya sa pinapagawa niya sa akin. 

Tumingin ako sa tatlong nakamasid lang, nagpipigil din ito ng mga tawa. Kita ko ang pagtango ni Ma'am na parang sinasabing sakyan ang pinapagawa ni Zen. Ngumiti ako bago tumikhim.

"He was asking if how are you related with Athemis, his babe. And the picture you saw was taken during Filipino Language Month" kinagat ko ang aking pang ibabang labi ng tumango-tango si Ma'am. 

"Wow! Ang galing mo talaga love!" palatak na sabi ng batang walang kamuwang-muwang na marunong naman managalog ang mga bisita. 

"Hmm.. She was my godmother and godfather grandchild. The one who celebrated their wedding anniversary" sagot ni Ma'am habang nakatingin kay Zen. Ang anak ko naman ay tumatango-tango habang kumakamot ng ulo. 

"Gadmader? Gadpader? Ano 'yon love? Grandchild lang alam ko eh" lahat kami ay tuluyan ng napatawa. Mukhang problemado na ito. Iyon naman ang maganda kay Zen. Hindi siya nagkukunwaring alam niya ang isang bagay. Kapag may gusto siyang malaman, lagi siyang nagtatanong sa akin.

Natangay ang tanong niyang iyon ng sinundan pa ng tanong ni Emerald.

"You've mentioned a while ago that Athemis is your babe, that does mean that she is your girlfriend?" napangiwi ang aking anak at nakangusong tumingin ito sa akin. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon