Chapter 8

2.4K 71 1
                                    

Amanda's POV

"Ano ba? Ba't hindi ka mapakali?" Inis akong siniko ni Rica, nag dismissed na si Sir, at nagaayos na kami ng gamit para sa paglabas ng classroom. Hindi ko siya pinansin kasi talagang kinakabahan ako, para may bulateng kumikiliti sa tiyan ko sa kaisipang ihahatid ako ni Xane sa bahay!

"Uy gurl, balita ko frenny na kayo nila Janine ah, ang swerte mo, ipagpapalit mo naba ako?" Tuluyan ng nakuha ni Rica ang atensyon ko.

"Saan mo naman nasagap ang balitang iyan? Mimosa ka talaga, Rica" inayos nito ang medyo mahaba at malampong na buhok. Dahil sa kaniya kung ano-ano ng mga salita ang natututunan ko.

"Babaita, nakita ko yung post ni Lena Martinez sa Insta, happy yarn?" Nangunot ang noo ko, akma sana akong magsasalita ng mag vibrate iyong selpon.

Mabilis kong tinignan kung ano iyon, may message!

"I'll wait you here in the parking lot" basa ko sa text ng unregistered number. Sino naman kaya 'to?

'Sino po sila?' Pagtitipa ko sa nagpadala ng mensahe. Kinuha ko ang bag ko at sumabay na ng paglakad kay Rica. Nag vibrate uli 'yung phone ko kaya mabilis ko iyon tinignan.

'I said don't po me, Amanda. Call. Me. Babe.' Biglang sumikdo ng malakas ang aking dibdib. Hindi man sigurado pero nakikilala ng puso ko kung sino ang taong ito. Sa kaniya lang naghuhurimintado ang puso ko, kay Xane lang!

Hindi na ako magtataka kung paano niya nakuha ang number ko, marahil ay binigay ni Warren. Dakilang bungaw din iyon e.

Nanginginig ang aking kamay sa pagtipa. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang aking pag ngiti. Tuksuhin ko kaya si Xane? Isang beses lang naman, baka pwede! Malayo pa kaunti ang paradahan ng sasakyan sa Azet.

'Babe?' balik kong text. Bumuntong hininga ako bago tumingin sa paligid. Para kang timang Amanda!

Wala pang ilang segundo ng mag vibrate ulit 'yung phone ko. "Yes, babe." mahinang basa ko sa text niya.

'Okay babe!' Mabilis kong itinago ang aking phone ng mai-send ko iyon. Nangingiting nagpaalam ako kay Rica. Na-wirduhan pa siya sa'kin kasi ba't daw ayukong sumabay sa kaniya pero sabi ko nalang na pupunta pa ako sa library para wala na siyang maraming tanong at huwag na niya akong tuksuhin kay Xane. Baka may makarinig pa. Ayawin pa ako ng mga babae dito sa Azet.

Inayos ko ang malinis na pagkapusod ng aking buhok habang naglalakad papuntang parking lot, mabilis akong nagyuko ng makita ko si Xane na kanasandal sa bumper ng black Aston Martin nito. Grabe ang yaman talaga niya, alam ko kasing may tatlo siyang sasakyan, iba yung ginamit namin kanina sa nakaparada ngayon na sasakyan nito.

Nanginginig ang kalamnan ko sa paglapit sa gawi niya. Tumigil ako sa harap niya pero mabilis ako nitong hinapit sa baywang, naiharang ko ang aking mga palad sa dibdib niya para hindi ako masubsob ng sobra sa kaniya.

Parang tumigil 'yung pag-inog ng aking mundo ng umarko ang labi niya sa pagngiti. Naduduling ako sa sobrang lapit niya sa akin.

"Babe huh?" Ngising tanong nito habang gumagapang 'yung isa niyang kamay sa likod ko.

Biglang nag-init yung mga pisngi ko, at parang kinukoryente 'yung talampakan ko sa mga marahang pag haplos niya. Ano ba 'yan Amanda! Umayos ka.

Napalabi ako para pigilan ang aking pag-ngiti at pagkapahiya.

"Uhm.." Wala akong maapuhap na salita. 'Kakainis!

"Did my babe obayed?" Gumapang 'yung kamay niya sa aking baywang, napalinga-nga ako sa paligid. Buti nalang at wala pang tao dahil kami palang naman ang nag dismissed ng maaga. Hindi ko alam sa lalaking nakayapos ngayon sa akin--nakayapos.. Ang sarap sa pakiramdam!

"Wala ka nabang klase?" Mahinang bulong ko, hindi makatingin ng diretsyo sa mapupungay niyang mga mata.

"I'm asking something, Amanda" hmp! Hindi ko maiwasang paglaruan iyong braso niyang matigas, tinusok-tusok ko iyon tsaka marahang pinipisil. Bakit? Wala naman lumapit sa'kin kanina eh, si Rica lang ang kasama ko.

"Wala po" kinagat ko ang loob ng aking pisngi para itago ang kilig na nararamdaman ko. Pumisil pa ang kamay niyo sa tagiliran ko dahilan para mapaiktad ako ng kaunti.

"Really? Then who's Rick?" Mapangusig na tanong nito, kinuha niya 'yung bag ko tsaka isinukbit sa balikat niya.

"Wala 'yon"

"Ngayon ay nagsusungit kana" napatingin ako sa kaniya, akala ko ay galit siya pero may mapaglarong ngiti sa labi niya.

Hindi ko namalayang naka-arko na pala 'yung  kilay ko. Kasi naman! Ang baklang 'yon. Aagawan pa ako kay Xane. Feeling babae.

"And now you're smiling" Ngiting sabi nito.

"Ano kasi.." Tumingin ako sa kaniya habang nagpipigil ng tawa.

Agad namang tumaas ang kilay ni Xane sa inakto ko. Ang cute niya!

"What?" Kinabig pa ako nito lalo dahilan para lumapat ang dibdib ko sa dibdib niya.

"Hindi naman kami talo nun, ikaw nga ang gusto, aagawan pa ako.." Pinahina ko ang aking boses sa panghuling salitang sinabi ko. Nakakahiya.

"Pardon?" Kunware pang hindi narinig!

Inilapit ko ang aking mukha sa bandang tainga niya at mahinang bumulong.

"Sabi ko, ikaw ang gusto ni Rica at hindi ako" malumanay kong sabi, amoy na amoy ko 'yung panlalake niyang pabango. Ang sarap singhutin!

"Amanda" nangunot ang noo ko sa tuluyang pagyakap niya sa akin, patin narin sa tila nagagalit niyang boses.

"Po?" Wala sa sariling bulong ko.

"Stop doing that, babe" tila nahihirapan nitong bulong sa tainga ko.

"Alin?" Humawak ako sa magkabilang balikat niya para itulak siya ng bahagya at makita ang mukha niya.

Namumungay ang mga mata nito at bumibigat din ang paghinga. Kaya bilang nag-aaral ng nursing ay mabilis kong kinapa ang kaniyang leeg, noo, at dibdib. Dinama ko rin iyong pulse rate niya kung maayos ba. Ang bilis naman ng pintig!

Hindi naman siya tumakbo, bakit parang hinihingal siya.

"Ayos ka lang ba? Ba't ang bilis ng tibok ng puso mo? Pati pulso ay mabilis din. May hika kaba? Gusto mo bang pumunta tayo sa clinic?" Alalang tanong ko.

"Akin na iyan bag ko at medyo mabigat, baka nabibigatan ka" akma ko iyon kukunin sa kaniya ng pigilan niya ako.

"Xane.." Biglang sinalakay ng takot at pangamba ang aking puso ng makita ang pamumula ng mukha nito.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon