Chapter 16

2.5K 71 5
                                    


Amanda's POV

Mabilis kong niligpit ang aking gamit ng mag dismissed ang aming proffesor. Wala si Rica, absent siya ngayong araw at hindi ko alam kung bakit. Iyan tuloy wala akong makausap.

"Congrats, you never failed my expectations. You beat me again, two times" napatingala ako sa nagsalita. Si Mark na may ngiti sa labi habang nagkadungaw sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kaniya.

"Hindi naman ako nakikipag kompitensya" totoong sabi ko. Kahit sino naman ang manguna sa klase ay ayos lang sa akin. Basta ako ay ginagawa ko ang best ko para i-maintain ang grades ko para sa scholarship.

Bigla itong umupo sa tabi ko, "Yes, and that's what I like about you" hindi ko pinansin ang sinabi niya, kahit hindi kami masyadong nagkakausap ni Mark ay alam kong lagi itong nakatingin sa akin, hindi ko naman sinasabing may gusto siya sa akin pero iyon ang sabi ni Rica. Nararamdaman daw niya.

"Ah sige, mauna na ako sayo" mabilis akong tumayo at nagyuko sa kaniya bilang respeto't paalam na mauuna na ako. Hindi ko na hinintay ang sagot at pumanhik na ako paalis.

Pero pagkalabas ko palang sa pintuan ng aming silid ay kita ko na ang masamang tingin na ipinupukol sa akin ni Hera, nakatutok ang selpon nito sa akin-- sa amin ni Mark. Sinundan pala niya ako!

Biglang binundol ng kaba ang aking dibdib, mabilis akong kumaripas ng takbo papunta sa SciLab. Narinig ko pa ang pag tawag ni Mark sa aking pangalan pero hindi ko na iyon pinansin.

"Ho!" Pinunasan ko ang aking noo at pumasok sa sa Science Lab para sa next activity na gagawin namin. Si sir Sebi ang next prof namin, sigurado akong marami na naman kaming matututunan sa kaniya.

"'Manda, larga na" napatingin ako kay Jaime na palabas. Ka-klase ko.

"Bakit? Diba may klase tayo?" Sumabay ako sa kaniya palabas, sabay din kaming bumaba sa building.

"Wala. May meeting daw sila Sir ngayon. Pospone ata 'yung field trip, baka raw next week" napatango ako sa sinabi niya. Last subject na namin si Sir. Ito ang gusto ng mga studyante, iyong biglaan meeting ng mga professor at mag dimissed ng klase.

Napatigil ako sa paglalakad ng tumunog ang selpon ko. Tinignan ko iyon at may mensahe si Xane. Uuwi na raw kami, at naghihintay daw siya sa parking lot. Baka wala narin silang klase.

Habang naglalakad ay nakikita ko kung gaano ako titigan ng mga studyanteng nakakasalamuha ko. Unti-unti na akong nasasanay, wala naman akong magagawa kung hindi nila ako gusto para sa idol at crush nila. Sobrang sikat kasi ni Xane dito sa Azet, may sarili rin itong fans club kasama ng Tigers. Pati sa ibang school ay mayroon din.

Pagkataring ko sa parking space ay nakita ko si Xane na nakatayo sa pintuan ng kaniyang sasakyan. Mataman ang tingin nito sa'kin habang naka halukipkip.

Napangiti ako sa sobrang seryoso ng mukha niya, lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko.

Lumapit ako sa kaniya tsaka siya niyakap sa baywang. Napapikit ako ng yumakap naman ito pabalik. Tuminga ako saglit sa kaniya ng hindi ito magsalita, madalas kasi ay 'Babe' agad ang bungad nito pag nakikita ako.

"Tahimik mo?" Tumingin ito sa'kin pero hindi rin naman nagsalita.

"Ayos ka lang?" Kumawala ako sa higpit na yakap nito. Namumula ang kaniyang mukha, bigla na naman akong kinabahan. Pangalawang pag-kakataon na ito, ganito rin ng una niya akong sinundo.

"I'm okay" tipid niyang sabi. Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kaniyang sasakyan, pumasok ako bago siya umikot papasok sa driver seat.

"Set your belt" utos nito. Napalabi ako at napayuko. Mabilis niyang pinaharurot iyong sasakyan niya palabas ng Azet.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon