Chapter 49

2.2K 44 1
                                    

Amanda's POV

Lumipas ang ilan pang mga araw at patuloy ko paring iniiwasan si Xane. Pero araw-araw siyang pumupunta rito sa bahay nila Emerald. Gaya nung una ay nakaparada lamang ang sasakyan niya sa labas ng kabahayan. 

Lagi rin itong nagpapadala ng mga bulaklak araw-araw at laging may sulat na kalakip. Pero wala akong lakas ng loob na basahin ang mga iyon. Tinatanggap ko naman ang mga bulaklak na ibinibigay niya ngunit ipinapatong ko lamang iyon sa lamesa, at pag titignan ko na ay kusa na iyon mawawala. Marahil ay itinatapon na nila Nanay Sinta. 

Sa pagdaan ng araw ay unti-unti akong bumabangon sa sugat na parang nangyari lang kahapon. Gusto ko man siyang kausapin pero umuurong ang dila ko kapag nababalitaan kong magkasama sila ni Isah. Hindi ko alam na magkaklase pala ang mga ito. 

Sa pagdaan din ng araw ay naging close kami ni Mark. Kami nila Rica, ginagamit ako ni Rica para mapalapit sa crush niyang si Mark. Nagsasabay naman kami sa mga trip kaya hindi naman siya mahirap kaibiganin. Ang problema nga lang ay si Hera, laging masama ang tingin nito sa akin at para akong aawayin lagi. Hindi ko nalang siya pinapansin at umiiwas nalang ako. 

"'Manda, anong oras ba ang laban?" tanong ni Rica habang naglalakad kami sa hallway. 

"Ano ba sabi?" balik na tanong ko sa kanya. Inaya kasi kami ni Mark na manood ng laban nila ngayon sa football, kasali siya sa team ni Liam Herera. Hindi ako pamilyar sa larong iyon pero sikat din si Mark dahil magaling din daw ito doon. 

"Basta umaga raw" napailing ako, wala naman kaming klase ngayon kaya maraming estudyante ang nagkalat sa campus. 

Umupo kami sa bench at hinihintay ang kung anong oras magsisimula ang laro. Mula sa kinauupuan namin ay nakikita ko ang mga estudyanteng freshman, second, third, at fourth year na pumapasok sa gymnasium. 

Ngayon din pala ang laro nila Xane sa basketball.. Sana galingan niya.. Alam kong magaling siya, may tiwala ako sa Tigers na mananalo sila. 

"Hoy! Tulalaley ka na namarn" panggugulat sa akin ni Rica. Napatawa ako bago uminom ng tubig na dala ko. Hindi ko maiwasang isipin na kung maayos pa sana kami ni Xane ngayon, sana ay nandoon ako kasama nila Lena habang nakaupo sa bleachers at isinisigaw ang pangalan niya. 

Hindi rin maiwasan ng isip ko na alalahanin iyon laban nila noong nakaraan kung saan ay nanood ako. 

"Gurl bawal mag-emote dito ha. Baka hanginin 'yan mata mo" ngali-ngali kong kurutin si Rica sa singit. Naikwento ko na dito ang nangyari sa amin ni Xane. Dismayado raw siya rito pero crush parin daw niya ito. Natatawa nalang ako sa sobrang dami ng crush ni Rica. Tirador ng gwapo!

"Hey guys!" napatingin kami kay Mark na papalapit sa amin. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong jersey, bagong gupit din siya. 

"Papa Mark!" nagbeso si Rica sa bagong dating na si Mark. Nagulat naman ako ng lumapit ito sa akin at bigla nalang akong niyakap. 

"Nood kayo, mag start na ang laban" ngiting sabi nito habang nagsisimula na ang lahat. Medyo hindi ako maalam sa larong ito kaya ang score na lang ang pinagtuunan ko ng pansin. Lamang naman ang team nila Mark. May apat na quarter ang laro, tig 15 minutes per quarter kung tama ang bilang ko. Ngayon ay last quarter na kaya tumakbo si Mark sa amin. 

Pawis na pawis ito at medyo madumi na, nakangiti ito ng makarating sa aming pwesto. Bagaman karamihan ng mga estudyante ay nasa gymnasium, meron din naman dito malapit sa field na may hilig sa football.

"Hey.." hingal na sabi nito. Ngumiti ako sa kanya pero agad din iyong nabura ng kunin nito ang aking tumbler at bigla na lang uminom doon. 

Tumingin ako kay Mark at Rica, "Ang galing mo naman fafa Mark" lumapit si Rica kay Mark at bahagya pa nitong pinunasan ang pawis ng binata. Ang tingin ko ay nadipina sa aking tumbler na hawak-hawak niya. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon