Chapter 28

2.2K 53 0
                                    

Amanda's POV

"Hmm.." Naalimpungatan ako ng may humahalik sa aking leeg. Awtomatikong kumurba ng ngiti ang aking labi sa kaalamang si Xane iyon. 

"Morning babe" ang malaking ngiti ni Xane ang bumungad sa pagbukas ng aking mga mata. Napakagandang umaga. 

"Morning po.." Uminat ako sa gaan ng aking pakiramdam, tumawa pa si Xane dahil sa ginawa ko, 'pagkuwa'y niyakap ako nito at isinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg. 

"I told you to call me babe, didn't I?" Bulong nito, hinaplos ko ang kanyang malambot na buhok at tumango-tango. 

"Okay babe" natatawang turan ko. Bigla itong tumingin sa akin, ang saya naman ata niya? 

"Masaya ka?" Tanong ko, kanina pa ngiti ng ngiti. 

"Yes, 'cause you just called me babe" parang 'yon lang! 

"Sige, gusto mo ba tawagin kita na babe ng mas madalas?" Lulunukin ko na ang hiya ko makita ko lang siyang laging nakangiti. Tumango ito na parang natutuwa. 

"I'd love that, my Angel" sabi nito saka hinalikan ang aking noo. Pag ganun ang ginagawa ni Xane ay parang natutunaw ang aking puso, nararamdaman ko talaga ang pagpapahalaga niya sa akin kahit hindi siya nagsasabi ng 'I love you' ay ayos lang, ang importante ngayon ay unti-unti na akong nakakapasok sa puso niya. Pagsisikapan kong mahalin din niya ako, gagawin ko ang lahat para sa kanya. 

Ayuko rin namang sabihin niya iyong 'I love you' dahil lang sa mahal ko siya, gusto ko pag sinabi niya iyon ay talagang nararamdaman niya. Totoo at walang halong daya. 

"Do you want to have breakfast here or outside?" Malambing na tanong nito. Kumapit ako sa kumot para doon ituon ang aking kilig. 

"Uhm.. Sa labas na lang" gusto ko ring makasama sila Janine, alam kong tutuksuin na naman ako nun pero masarap sila kasama, gusto kong i-enjoy ang stay namin dito at mas makilala pa sila. 

"Okay then, lets go" mabilis itong bumangon sa kama bago ako hinila. 

"Ha? Saglit magbibihis lang ako" tarantang sabi at akama sanang kakawala sa hawak niya ng hilain ako nito palabas sa room namin. 

"That's fine, you are cute with your jammies. At ayokong nagsusuot ka nung isinuot mo kagabi-- well it's up to you if you want to do it again, under the sea this time" ngising sabi nito, may halong panunukso. Biglang naginit ang aking pisngi ng maalala ko ang ginawa namin sa bukuhan. Kung ano-ano na ang naranasan ko dahil sa lalaking ito, grabe!

Salamat nalang at walang nakakita sa amin, kung meron ay baka dito nalang ako sa loob ng suit buong araw! 

"Your so cute when you're blushing" napanguso ako, sinasadya niya akong tuksuin. 

Nakayakap si Xane sa aking pagbaba namin ng elevator, hindi ko alam kung ayos lang ba itong damit ko. Paired panda jammies kasi ito, nakakahiya naman! 

Pagkababa namin ay lumabas agad kami sa hotel at pumunta sa cottage, nakita naming nandoon na sila Emerald at Lena. Wala ang mga nobyo nila.  

"Gurl! Anuena?" Natatawang tanong ni Lena, ang aga-aga iyon agad ang bungad niya. Hindi manlang siya nag good morning. Ngumiti ako ng matamis at umupo na. Si Xane ay tumabi sa akin at agad na yumakap. 

"Anong gusto mong kainin?" malambing na bulong nito. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. 

"Kahit ano nalang babe" kita ko ang pagtigil at pagtitig niya sa aking mga labi kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Tumawa ito sa akin tsaka ako inahinan ng pagkain. 

Malaki ang cottage at kasyang-kasya kaming lahat. Marami ring pagkain na nakahain sa hapag, mayroong inihaw na bangus at karne, may crabs, pusit, at iba pang lamang dagat.  may mga gulay din at prutas. Nakakatakam! 

Napangiti ako ng himayan ako ni Xane ng inihaw ng bangus, tumingin ako sa paligid at abala ang mga ito sa pagkain. Buti nalang at kumakain ang mga ito, hindi sila nag dadaldal. 

"There, eat now" ngiting sabi ni Xane. Tumango ako at umusal ng pasalamat bago kumain. Panaka-naka pa ako nitong sinusubuan ng gulay at malugod ko namang tinatanggap. Ang sweet-sweet niya!

"Where's Elijah?" Kapagkuwan tanong ni Xane kay Emerald. 

Tumigil sa pagkain si Emerald "nandoon sa restau, hinihintay ka nga pala nila, may paguusapan daw kayo" kaswal nito sabi at nagpatuloy na sa pagkain. Tumingin ito sa akin tsaka nagpaalam na pupuntahan muna ang mga kaibigan, ngumiti naman ako at tumango. Humalik pa ito bago umalis, buti nalang at hindi nakita ng dalawa. 

"Hey gurls" tumingin kami kay Janine, nandito na pala sila. Umupo ang mga ito ay nagsimula nating kumain.

"Oh, ayan na pala si ma'am!" Napalingon kaming lahat sa bungad ng cottage dahil sa sigaw na iyon ni Emerald.

Si ma'am Serene papunta dito sa amin. Nakangiti si Ma'am at umupo sa tabi ni Lena. 

"Anong oras kayo natulog kagabi? Tinanghali ka ata?" Tanong ni Janine kay ma'am, mula dito sa kinauupuan namin ay kita ko ang pagpula ng mga pisngi ni ma'am. Parang pareho kami ng karanasan kagabi kaya maski ako ay hindi maiwasang mapatungo baka mapansin.

Uminom ako ng buko at inabala ang sarili, nagbabakasakaling hindi ako mapansin at tuksuin--"ikaw Amanda, nasa beach resort tayo, bakit ka naka pajama?" Napatingin ako kay Lena. 

Naglikot ang aking mga mata "S-si Xane kasi.." Paninisi ko kay Xane. Natakot din ako, baka totohanin niya yung sinabi niya. 'Tapos maulit pa 'yung nangyari kagabi, at sa dagat daw ang susunod! 

"Ta's bakit may pula diyan sa leeg mo? Patingin!" Nanlaki ang aking mga mata ng bigla nito hablutin ang aking damit dahilan para makita iyong mga pulang marka na hindi ko alam na meron pala ako!

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon