Chapter 20

2.4K 65 0
                                    

Amanda's POV

"Shh.. It's okay.. Stop crying" Yumakap ako ng mahigpit kay Xane para ilabas ang aking sama ng loob sa taong nagpatanggal ng scholarship ko. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong gagawin ang lahat mapabagsak lang ang mga taong pilit na umaahon sa hirap. Napakasama nila!

"Xane.." Patuloy ako sa pag hagulgol sa kaniyang dibdib. Paano na ang pag-aaral ko? Paano na ako nito? Prestihiyuso at mahal ang matrikula sa paaralang ito, kung ipagpapatuloy ko ang panghuling simester ay kahit sa hinagap hindi ko kakayanin. Paano pa kaya ang huling taon ko dito sa Azet?

Dahil sa naisip ay parang bigla akong nanghina. Ito ba ang kapalit lahat ng sayang naranasan ko sa piling ni Xane? Bakit ganito? Hindi ba talaga siya pweding mapasa'kin ng walang nangyayaring ganito? Bakit pati scholarship ko pa?

"Babe.. What happened?" Tanong ni Xane, mababakas ang pag-aalala sa boses nito. Mabilis kong pinunasan ang aking luha at matapang na tumingin sa kaniya.

"I-iyong scholarship ko.. Wa-wala na Xane.. Pa-paano pa ako makakapag-aral nito?" napatakip ako sa aking dibdib dahil sa sakit at sama ng loob. Isa lang ang naiisip kong gagawa nito, si Hera!

Siya lang naman ang nagtangkang takuting mawawala ang scholarship ko.

Dumukwang papalapit sa akin si Xane tsaka pinunasan ang mga luhang nagkalat sa aking mukha. "Shh.. Don't worry about it, do you want me to ask Lance?" Masuyong tanong nito.

Umiling ako, siya nga ang naging isa sa mga instrumento kung bakit ako nawalan ng scholarship, kahit disperada akong makapag-aral, naririto parin iyong katiting kong pride na pilit umuusbong.

Titigil.. Titigil nalang ba ako? Ang sakit. Hindi ko lubusang maisip na hahantong pa sa ganito ang inggit ni Hera. Tulad ng sinabi niya ay nilubayan ko naman si Mark. Ni hindi nga ako lumalapit sa binata, siya itong patuloy na lumalapit sa akin.

Tinignan ko si Xane, kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Then stop crying, what do you want me to do so you could stop crying?" Mahinahon nitong tanong bago ako kinabig at niyakap ng mahigpit.

Labis kong kailangan ito Xane, itong yakap mo na nagsisilbi ngayong lakas ko..

Umiling-iling ako "P-pwede bang ihatid mo nalang ako sa bahay?" Tanong ko bago magyuko.

"Sa condo ka uuwi." Napakagat ako ng aking pangibabang labi.

"But before that, finished your class first. Sabay tayong uuwi" maawtoridad na sabi nito. Tumingin ako sa kaniya.

"Hindi na ako pweding pumasok pa Xane, uuwi nalang ako mag-isa kung ayaw mo akong ihatid" mahinang sabi ko. Nanubig muli ang aking mga mata dahil pati siya ay hindi nakakaintindi.

"And now, what is that?" kunot noong tanong niya. Nagsilandasan ang aking mga luha bago tumungo.

"A-ako nalang ang uuwi" kinalas ko ang kaniyang hawak at dumistansya ng kaunti sa kaniya.

Pinunasan ko ang aking luha at pinaglaruan ang aking mga daliri. Rinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga, "Fine, uuwi na tayo ngayon pero papasok ka bukas at sa mga susunod pang bukas." umiling ako sa sinasabi niya.

"Amanda!" Napaiktad ako dahil sa sigaw nito sa akin.

"B-bakit ba?" Naiiyak kong tanong sa kaniya. Siya pa itong nagagalit. Anong gagawin ko dito bukas sa sa susunod pang mga araw?

"Stop crying, okay? I'll fix everything. Just stop crying"

"Paano Xane?" Umiiyak na tanong ko. Seryos ang mata nito at may malalim na tingin sa akin.

"I'm going to finance your scholarship" kahit nagulat ay umiling-iling ako sa sinabi niya.

"Hindi pwede, h-h'wag nalang" tumingin ito ng diretsyo sa akin na parang nawawalan ng pasensya. Lumapit siya at hinawakan ang aking mga pisngi.

"It's fine babe, ako na ang bahala. Don't think too much about it." ngayon ay masuyo ang paghaplos nito sa aking mga pisngi.

"Pero Xane--"

"I'm your boyfriend, Amanda, I'll do everything to make you mine permanently, depend on me, be mine.. Be mine totally Amanda.." Mainit na bulong nito. Napalunok ako dahil sa uri ng tono na ginagamit ni Xane. Bawat pag bigkas niya ng mga salitang iyon ay parang hinahalukay ang kaniyang buong pagkatao. Nahihimigan ko ang takot at pag aaking sa boses nito.

"Com'n, lets go somewhere" hinila ako nito, hindi alintana ang mga studyanteng nakatingin sa amin.

Sumakay kami sa kotse niya at tuluyan ng lumabas sa Azet. Pumikit-pikit ang aking mga mata para pigilan ang pag-luha, pilit na niririhistro ng utak ko ang mga naging kaganapan kanina.

Nawalan ako ng scholarship, ngayon ay si Xane na raw ang bahala at gagastos sa pag-aaral ko. Hindi ko maiwasang mahiya, baka isipin niyang gold digger talaga ako. At sinasamantala ko ang pagkakataong magkarelasyon kami.

Natatakot akong dahil dito ay mawala pa siya sa akin. Baka marealize niya na wala naman talaga siyang interest sa akin at puro nalang pabigat ang hatid ko sa kaniya.

Bigla akong napahagulgol ng matantong wala na akong bagay na maipagmamalaki, tanging ang maliit ko nalang na apartment ang meron ako. Walang-wala na ako..

"Sshh babe.." Ramdam ko ang pag-yakap ni Xane sa aking tagiliran. Inihinto pala niya ang sasakyan.

"Everything will be fine babe, I will handle it. Don't think too much, ako na ang balaha doon." patuloy ako sa pag-iyak, maski si Xane ay patuloy lang din sa pag-alo sa akin.

"You want to go home?" Tumango ako sa tanong niya. Bumuntong hininga ito bago ako hinalikan sa noo at pinaandar na muli ang sasakyan papunta sa condo niya.

Pagkarating namin ay agad ako nitong pinagbuksan ng pinto at inalalayan papasok sa condominium building. Unti-unti ng humuhupa ang aking emosyon. Unti-unti naring pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Xane kanina.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon