Chapter 58

2.2K 58 12
                                    


Amanda's POV 

"Hello babe? Asan ka? Can you come in Elijah's bar? Please" nakagat ko ang aking labi bago tumango na akala mo'y makikita niya. 

"S-sige"

"Thank you babe! I love you, take care!" agad kong pinatay ang tawag at umiwas ng tingin kay Lena. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Inaya niya ako kasi miss na raw ako ni Lena. 

"Psh" napatawa ako sa pag singhal niya. Alam kong narinig niya iyong sinabi ni Xane. 

"Oh siya, halikana at baka mamuti pa ang mata niya sa kahihintay. Baka hinahanap narin ako ni Waytt" agad itong tumayo pagkatapos maglapag ng pera sa mesa namin. Sumunod naman ako sa kanya. 

"Ihahatid na kita ha, madadaanan ko rin naman 'yung bar" ngumiti ako bago tumango.  

Umandar na ang sasakyan nito, mabilis lang ang naging biyahe namin kasi malapit lang naman iyon sa coffee shop. Ng makarating kami, pumarada ang sasakyan ni Lena sa likod ng isang sasakyan na pamilyar sa akin. 

"Sige gurl, mauna na ako. Good luck sayo" sabi nito. Humalik ako sa kanyang pisngi ng tuluyan na itong umalis. 

"Beautiful?" napahinga ako, lumingon ako kay Sebastian tsaka ngumiti. Mula ng may mangyari muli sa amin ni Xane ay nilinaw ko na ang sa pagitan naming dalawa. Naku-konsensya ako dahil alam kong umasa siya. Kahit sinabi ko na noong una pa lang ay hindi ko kaya, sinabi niyang hayaan ko lamang siya. 

Wala naman akong karapatan para patigilin ang pag-ibig ng tao sa isang tao. Kaya kung ano ang gusto niyang mangyari ay pumayag narin ako. 

"What are you doing here?" tanong nito. Tumingin ako sa kanya, agad nagbago ang kanyang ngiti ng maisip na si Xane ang kikitain ko. 

"Uhm.. Okay, you may go now. Hinihintay ko lang si Emerald" tumango ako tsaka ngumiti para bawasan ang tensyon sa paligid namin. 

"Thank you.." dalawang salita lang iyon, pero alam kong nauunawaan niya kung para saan. Ngumiti ito sa akin,

"No problem, it's my pleasure" sa huling pagkakataon, ngumiti muli ako sa kanya bago pumasok sa loob.  

Pagpasok ko ay nasa maayos na tagpo ang restobar, naalala kong minsan akong nagtrabaho rito. Nilibot ko ang aking paningin, napangiti nalang ako ng makita ko si Xane. 

Hindi ako sumigaw o pinaalam na nandito na ako bagkus ay lumapit ako sa kanya. Pero ang kaninang ngiting nakapaskil sa aking labi ay nabura ng maaninag ko kung sino ang kaharap niya. 

Dahan-dahan ako sa paglakad hanggang sa napatigil na lamang ako. Habang lumalapit ay lalo sumasakit ang puso ko. Ganito nalang ba lagi? Magkakausap sila na parang walang nangyari? Na parang hindi sila nakasakit. Akala ko ba mahal niya ako? Hanggang kailan ka applicable ng pagmamahal niya? Kapag kami lang at wala si Isah. 

Kumuyom ang aking kamay, tatalikod na sana ako ng dumako ang tingin nito sa gawi ko. Biglang nabura ang kanyang ngiti, tinignan ko lamang siya, at bago pa siya makalapit sa akin ay agad na akong umalis. 

Tumakbo ako palabas, saktong nakita ko si Sebastian na nakasandal sa kanyang sasakyan. Agad akong lumapit sa kanya, hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong lumapit si Xane sa akin. 

"Amanda?" gulat na turan nito. 

"Sebastian, kiss me.." Mahinang bulong ko ng makitang papalapit si Xane sa gawi namin. 

"Are you sure?" Tanong nito, kinagat ko ang aking pang ibabang labi. Kumakabog ng malakas ang puso ko, siguradong guguluhin na naman ako ni Xane. Magseselos na naman siya na parang pag-aari pa niya ako, nakakapagod din magbigay ng paulit-ulit na pagkakataon. Mukhang wala na talaga kaming pag-asa. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon