KBNT 2

15.7K 361 17
                                    

HOLY'S POV

Nagising ang diwa ko nang may malamig na binuhos sakin.

"Anong..."

Naramdaman ko ang ginaw dulot ng kung ano ang binuhos sa katawan ko.

"Gising na mahal na prinsesa! Wala ka sa palasyo para matulog na matagal!"

Idinilat ko ang mga mata at inilibot  ang paningin. Nasa parang bodega kami naroroon, ngunit hindi ako sigurado.

Sementadong pader at sahig. May mga bakal na kinakalawang sa gilid at madumi ang sementadong sahig.

Medyo mabaho. May mga sapot ng gagamba sa kisame.

Tiningnan ko ang lalaking nagbuhos sakin ng malamig na tubig. Nakangisi ito na parang demonyo gayundin ang tatlo pa nitong kasama.

Napatingin ako sa sarili. Nakagapos ang kamay sa likuran at ang mga paa ko. Sinubukan kong gumalaw at magpumiglas ngunit ang higpit ng pagkakagapos.

" Pakawalan niyo ko rito ano ba!!" Sigaw ko. Nararamdaman ko ang hapdi sa aking mga kamay mula sa mga kadenang iginapos sakin. Kinadena talaga ako ng mga walang hiyang ito.

"Prinsesa naman pala, pero nasaan ang prinsipe? Mukhang walang darating?! Hahahahah"

Nagtawanan ang mga ito.

AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER.

Sinamaan ko sila ng tingin sa kabila ng nanginginig kong kalamnan at nararamdamang takot para sa sariling buhay.

" A-Ano ba  ang k-kailangan niyo? W-Wala naman akong kasalanan sa inyo ah?!
Mahina ngunit matapang kong sabi.

Kailangan kong maging matatag. Alam ko sa sariling  kong wala magliligtas sakin dito. Ni wala akong kaibigan upang mapansin ang aking pagkawala.

" Sa amin wala, pero sa nagpadukot sayo malaki! Kaya umpisahan mo nang magdasal dahil hindi kana sisikatan ng araw bukas!" malakas at madiing sambit ng lalaking balbas sarado at mukhang kaldero.

Nangangatal ang labi ko sa sobrang kaba dahil sa sinabi ng kausap. Nag-isip ako ng pwedeng gamitin dito pero halos manghina ako. Kadena tong ginapos sakin.

KADENA.

"Sumuko ka na lang Miss. Hinding-hindi ka makakatakas dito. Kung makatakas ka man. Sisiguruhin naming hindi ka na humihinga."

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa kaba. Para akong nabibingi dahil dito.

Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naisip na mangyayari ito sa kanya.

Panginoon, tulungan niyo po ako.

Basa na ang pisngi ko at hindi ko man lang namalayan.

Gusto ko lamang  ng tahimik at payapang buhay.

Pag-aaral lang ang inaatupag ko at ni minsan ay hindi ako nanghihingi ng sobra at nakukuntento na lamang sa bigay ng Diyos.

Wala naman akong inapi at tinapakang tao.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now