KBNT 12

9.6K 246 9
                                    

HOLY'S POV

Nang gabing yun kung saan nakilala ko si Selene ay umuwi kami kaagad pag kaalis ni Selene sapagkat may pupuntahan pa raw ito.

Ewan ko pero biglang nag iba ang timpla at mood ni boss simula nung nakita niya ang babae. Habang nagmamaneho kasi si boss ay wala itong imik.

Well dati na itong walang imik pero kasi ang ekspresyon ng mukha niya ay madilim at tila ba kay lalim ng iniisip. Nahihiya din naman akong magtanong kung kaano ano iyun ni boss  o totoo kayang "old friend niya lang ito" baka sabihin nitong utsusera ako at machismis.

Pagkahatid na pagkahatid sakin nung gabing yun ay umalis kaagad ito. Kung saan ito pupunta ay wala akong ideya.
Baka pumunta ito sa sinasabi ni Walter na dati nilang pinupuntahan.

Hindi ko din talaga matantiya ang boss kong yan. Minsan medyo mabait, minsan emo, at kadalasan hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

Kunsabagay, hindi naman ako si Edward Cullen para makabasa ng isip.

*****

Kinabukasan ay maaga akong nagising para gawin ang trabaho ko. 

Nakasalubong ko si Manang habang papuntang kitchen.

"Morning Manang." bati ko habang humihikab pa.

"Magandang umaga din sayo hija. Ang aga mo yatang gumising ngayon may lakad ka ba?". Nagtataka niyang bati sakin.

"Si manang talaga makakalimutin, syempre naman po maaga akong gigising eh magluluto pa ako para kay boss. Nakauwi na po ba siya?"

"Naku hija diba sabado ngayon?--"

"Wait. What? S-Sabado ngayon? As in Saturday?"paninigurado ko. Wala na kasi akong tiwala sa tenga ko. Napakamapanlinlang.

" Oo, ngayon ay Sabado, Hija. May  problema ba?" Naguguluhang komebto ni Manang dahil sa naging reaksyon ko.

Sabado ngayon? Napatampal ako sa sariling noo. Papaano ko makakalimutan ang isa sa mga maliligaya kong araw ha?

"Ho? Sigurado ho ba kayo? Bakit hindi ko man lang namlayan na sabado na pala. Akala ko Huwebes pa ngayon." mukhang ako ang naging matandang makakalimutin sa aming dalawa ni manang.

Ngumiti ito na parang nanunukso.

"Ano namang ngiti yan Manang mukhang hindi ko yan gusto." Inunahan ko na.

"Yun ay dahil nag eenjoy ka bawat araw hija. Hindi mo na alintana ang araw. Mukhang sa iba nakapokus ang atensyon mo."

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now