KBNT 15 PART 2

8.8K 263 12
                                    


HOLY'S POV


Huminto ang sasakyan sa isang beach resort. Nag park muna si boss  bago kami lumabas. Ang ganda kahit na hindi pa kami nakakapasok.

May nakalagay na Heaven's Beach Resort sa entrance ng nasabing lugar.

Kinuha ni boss  sa may trunk ang mga gamit na bitbit namin. Sabi sa akin ay mag iistay kami dito ng dalawang araw. Kinuha nito pati ang mga bags na dala ko.

"Boss, ako na magdadala sa gamit ko. May kamay naman ako." pigil ko dito. Sinamaan lang niya ako ng tingin.

Luhh bakit na naman? Anong nagawa kong kasalanan?

"Alam kong may kamay ka Miss Castillo, nahubo mo nga yung pants ko." namula ang mukha ko  ng balikan ni boss  ang nangyari kaninang umaga. Bakit ba kasi pinaalala pa. Quotang quota na ako.

" Eh pero boss--" hindi ko natuloy ng magsalita ito.

"No buts." napabuntong hininga . Tinalikuran na ako ni amo ko kaya agad akong bumuntot rito.

Gentleman naman pala. 

"Huwaw, ang ganda naman dito boss." namamangha kong sabi habang inilibot ang paningin.

Ito palang ang pangalawang pagkakataon na nakapunta ako sa beach resort. Ang una ay yong panahon na kasama ko pa si ina  at si Candy sa probinsya.

Ngayon lang ulit ako nakatapak sa ganitong lugar. Bukod sa hindi ako marunong lumangoy ay yung mama ko ang naaalala pag pupunta ako sa ganitong klase ng lugar.

"You okay?" nag-aalalang sambit ni boss.

" Ha?" wala sa sariling tanong ko. Nakahinto na siya at nilingon ako. Mukhang kanina pa ako pinagmamasdan."Oo maganda parin ako."

"Hindi yan ang tinatanong ko. You're spacing out." si boss.

"Ayy hindi ba? Sorry boss ganyan talaga ang magaganda pasensya na." pabiro kong wika. Baka kasi mahalata nito ang pagiging sentimental at emosyunal ko atpauwiin pa ako. Mahirap na.

Bumuntong-hininga siya at saka sinuklay ang buhok niya. Parang nag slow motion ang lahat ng tinitigan ako ni boss.

Ang maganda nitong mata na nakapagbighani sakin talaga.

Sa makapal nitong kilay. Stubborn jaw. Malinis na mukha. Matangos at manipis na ilong hanggang sa mapula nitong labi na tila pinahiran ng lipstick. Daig pa ang sakin.

"Stop drooling, Miss Castillo. " saka ako nilapitan at hinawakan ang baba ko para matikom iyun mula sa pagkakanganga. Maliit itong ngumiti.

Dug dug dug dug

Sobrang bilis ng puso ko. Tumahimik ka diyan puso. Baka marinig tayo. Patay ka sakin.

"Baka hindi na tayo makatuloy ang iuuwi nalang kita." mahina nitong sabi na hindi ko masyadong narinig.

"Ha?"

Umiling lang ito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi nito mismo. Ano ba kasi yun ba't hindi ko narinig.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now