KBNT 18

8.4K 242 18
                                    

HOLY'S POV



Pagkatapos naming kumain sa restaurant ay napag-alaman kong bukas ay aalis na kami dahil tapos na raw ang pakay ng boss ko dito.

Nalulungkot ako dahil wala kaming masyadong moment dalawa. Kapag kasi bumalik na kami sa mansyon ay balik na ulit sa dati. Ito ang boss ko at ako ang PC(Personal Chef) nito.

Papalabas na kami ng restaurant ng makita ko sa di kalayuan si Range yung iniwan ko kagabi dahil sa kagagahan ko.

"Rangeee!!!!!!" malakas kong sigaw dito, lumingon naman ito sa pwesto ko.

Agad ko iyung kinawayan na tinugon naman nito ng ngiti.
Nilingon ko ang boss ko na ngayon ay nakakunot na naman ang noo.

"Boss dito ka muna ah. May kakausapin lang ako saglit." paalam ko.

"Saan ka naman pupunta?" Medyo inis ang tono nito.

"Dun boss, may kakausapin nga lang ako. Sandali lang to okay?" pamimilit ko. Mas lalong hindi maipinta ang mukha nito ng suyurin ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Tiningnan ko rin ang sariling katawan. Wala namang mali sa katawan ko. Anong problema ng isang to?

"You're seeing someone wearing that kind of clothes?"puna nito sabay turo sa damit ko.

Anong meron sa crop top at shorts. Yung iba nga bra at panty na ang isinuot.

"And that skimpy shorts. Change it." maawtoridad nitong sabi sabay tingin sa short kong hindi naman ganun ka sexy talaga.

"Hala okay naman to boss, cute nga eh. Atsaka anong gusto niyong isuot ko? Brief? Nasa beach tayo boss normal lang ang ganito. Bikini nga sana ang susuutin ko eh pero nahihiya ako. Haha." Kaya yung isinuot ko ay ang damit na kung saan tiyan at mga binti lang ang nakikita. Nasasagwaan ako pag bra at panty lang eh.

Pero nanatili lamang itong seryoso at walang imik. Tinaasan ko ito ng kilay. "Ano boss, magtitigan nalang ba tayo dito, aalis na ako at may kakausapin lang. Una na ako." paalam ko rito at saka tinalikuran pero agad ako nitong hinila pabalik.

"Damn!" mura nito sa akin at saka naghubad ng damit. Nagulat ako sa ginawa nito.

"A-Anong g-ginawa niyo boss? B-bakit kayo naghuhubad?" kinakabahan  at utal utal kong tanong. Patuloy lang ito sa paghubad ng damit .Napanganga ako ng isinuot niya iyun sa akin.

Abot ang damit nito hanggang tuhod ko.

Laglag ang panga ko!

Lantad ang 8 pack abs nito sa harapan ko.

Muntik pang tumulo ang aking laway . Ay putragis! Nag live show ba naman sa harapan ng inosente kong mata.

Ulalam!

Napatitig ako sa mga pandesal. Kape nalang talaga ang kulang.

"Don't just stare at it. You can touch it Honey." pang-aakit nito sakin sabay titig sa mga mata ko.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now