KBNT 14

9.3K 262 24
                                    

HOLY'S POV

"Manang, bakit hindi pa bumababa si boss?"

Nagtataka kong tanong kay manang. Usually ay alas sais y medya bumababa na ang boss niya upang mag-agahan dahil may trabaho ito sa opisina.

Hinarap ako nito at saka umiling.
"Hindi ko alam hija, mukhang hindi pa umuuwi ang batang yun." sagot nito habang nagsasalansan ng mga gamit sa kabinet. Mukhang wala rin itong ideya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si boss.

Hindi na naman ito umuwi?

"Hindi pa rin umuuwi si boss? Kahapon pa yun wala dito. Hindi kaya may nangyari ng masama kay boss manang? " hindi kaya ay naholdap ito? Pero madami naman yung pera, hindi naman siguro. Napatutop ako sa sariling  bibig. Hindi kaya narape ito?

" Wala naman siguro hija baka busy lamang ang isang yun at napakaraming negosyong hinahawakan. Hayaan mo na. "

Napatango ako sa sinabing iyon ni manang.

Oo nga naman baka busy lang ito. Kung ano anong iniisip ko.

Nakasimangot kong tiningnan ang mga pagkaing  aking inihanda. Mukhang masasayang na naman ito tulad ng kahapon.

"Aba'y bakit ang tulis naman ng iyong nguso hija at parang masasabitan na ng kaldero?" natatawang puna sakin ng matanda.

" Eh kasi manang sayang itong mga inihanda ko. Pinaghirapan ko pa naman tong lutuin tapos hindi pala umuwi si boss walang kakain dito." tukoy ko sa  mga inihandang pagkain.

"Sus hija, para namang masasayang ang lahat ng yan eh mukhang kulang pa sa iyo ang mga yan. "

"Luhh si manang. Hindi naman ako matakaw no." tanggi ko sa paratang nito.

Inilingan lang ako nito at parang hindi naniwala. Bumalik ito sa trabaho kanina habang ako ay umupo sa upuan at sinimulan nang lantakan ang mga hinandang pagkain na para sana sa boss ko.

Kesa naman sa masayang edi kainin ko na lang. Masarap naman akong magluto.

Blessing in disguise din pala ang hindi pag-uwi ni boss .

Nasaan kaya ito? Baka nagalit ito sa kanya dahil muntik na akong malunod noong nakaraang gabi?

Para yun lang? Hindi naman siguro.

O baka naman narealized na nito na hindi ako nito kayang mawala at nag isip ito ng mabuti para magtapat na ng pag ibig sakin?

Oh my God. Baka ganun nga!
Etsusera baka nag isip lang yun kung lulunurin ba ako ng tuluyan. Hindi ko matatanggap.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now