KBNT 5

14.3K 389 38
                                    

HOLY'S POV

Hindi ako mapakali sa kwarto. Ang napag usapan naming pag-uusap nung nagpadukot sakin ay hindi natuloy sapagkat may tumawag sa telepono nito at agad namang umalis ang lalaki pagkapatay ng tawag.

Ni hindi ito nagpaalam sa akin at basta nalang ako iniwan.

Well sino ba naman ako para magpaalam pa siya? Isa lang naman akong kawawa at mahinang hostage na sa lahat ng oras ay pwedeng patayin.

Nanganganib ang buhay ko sa lugar na to. Kailangan kong makatakas mula rito. Kagabi ay wala namang ibang tao maliban sa aming dalawa kaya baka walang mga bantay at kamapante ang gungong na yun na hindi ako tatakas.

Hah!

Pwes. Tama nga ito.

Alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan. Malinis ang konsensya ko. Baka ay maawa ito at papakawalan ako kapag nalaman talaga nitong wala akong alam sa nangyayari ni hindi ko nga sila kilala.

At isa pa nanghihinayang ang aking puso. Kailan ko kaya ito makakasamang muli?

Kinutusan ko ang sarili. Hindi ito ang tamang lugar at panahon para  lumandi. 

Ano ba Holy! Kidnapper mo yun! Dapat mo yung kamuhian at hindi pagpantasyahan.
Saway ko sa sarili.

Ngunit hindi ko maitatanggi ang nararamdaman sa binata.
Ito kaya ang tinatawag nilang Crush at first sight?

O baka naman pagkamuhi. Hindi pa ako sigurado. At hindi din yun ang importante sa ngayon. I want my lonely life back. Whatever it takes.

Pero sa kabilang banda sino ba naman ang hindi hahanga sa lalaki, imbes na bugbugin ako at dapat nagpalutang lutang na ang katawan ko sa ilog pasig ay nandito ako sa bahay niya o kung kaninong bahay man ito.

Pinakain at tsaka ginamot ang sugat ko. Hindi  ko paman alam ang nangyari kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin ay pinagpasalamat niya na naging ganun.

Oo at pinakidnap ako, tinutukan ng baril at tinakot pero hindi ako nito sinaktan ng pisikal tinakot nga lang na nakakapanginig kalamnan.

Ang mga sugat na tinamo ko ay dahil sa babaeng sumugod sakin.

Umaga na ngunit nandito hindi parin ako lumalabas ng silid. Natatakot ako at baka kung anong mabungaran ko paglabas.

Kagabi, pagkaalis na pagkaalis niya ay tinapos ko agad ang pagkain at agad na umakyat ng kwarto. Nagkaligaw ligaw pa ako sa sobrang laki ng bahay.

TOK! TOK!TOK!

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. 

"Sino yan?" tanong ko at dahan dahang naglakad patungo sa pinto. Walang sumagot.

Si Gun kaya to? O baka naman isa sa mga kidnapper?

Pipihitin ko sana ang lock upang hindi makapasok ang sinumang kumakatok nang saktong bumukas ang pinto.

"Hija, gising ka na pala. Mabuti naman kung ganun." Nagulat ako sa kung sino ang dumating.

Awkward akong ngumiti. Alangan namang yumakap ako eh hindi ko naman ito kilala.

"Pinapabigay ni Senorito ang mga ito."  Sabi nung ginang.

Iniluwa  kasi ng pinto ang isang ginang na siguro'y nasa edad singkwenta na dala ang dalawang malaking paper bag.

Napahinga ako ng maluwag at tahimik na nagpasalamat. Akala ko ay isa ito sa mga kumidnap sakin.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now