KBNT 21

8K 217 15
                                    

HOLY'S POV

Lutang pa rin Ako kahit na kanina pa nakaalis yung matandang babae akalain mo yun may kotse pero walang 10k? Anyare mga te.

Kahit anong isip ko sa walang laman kong ulo ay di talaga ko magets. Alam kong mahal ang kotseng yun. Nakita ko na yun sa isa sa mga kotse  ng boss ko, nakalimutan ko lang ang pangalan. Ang boss ko pa  , hindi bumibili ng cheap na gamit yun.

Ang arte arte.

Umiling ako. Baka naman nadukutan lang ang matanda at natangay ang lahat ng milyones nito kaya naging one day poorita. Baka yun nga.

Hindi ako magkandaugaga sa pagbitbit ng mga pinamili ko kanina. Bakit ba kasi ang dami kong binili eh hindi naman ako mauubusan.

Punyeta talaga. Tanga tanga din niya minsan eh.

Utak: Minsan lang Holy? Baka ang ibig mong sabihin ay palagi?

Pati utak ko kinakausap na ako. Punyawa talaga. Tumahimik ka utak! Ako ang may-ari sayo baka kutsarahin kita at ipamigay sa iba!

Palabas na ako ng mall. Sobrang bibigat ng mga dala ko. 7 na malalaking cellophane lang naman ang bitbit ko at lahat yun puno ng paninda este pinamili ko!

Arghhhh!

Pawis na ako ng makarating sa parahan ng taxi. Ikaw ba naman magbuhat ng 100 kilo na gamit hindi ka pagpapawisan.

Utak: Ay ang exagge mo naman? Ano ka si Hulk?

Nabibwisit talaga ako sa mga nakikisabat hindi naman kausap.

Nang may dumaang taxi ay agad ko iyong pinara. Agad naman itong huminto, nahihirapan pa akong buhatin ang mga pinamili kaya tinulungan ako ni Manong.

Pagkasakay ng taxi ay sinabi ko ang adress ng bahay ni boss  . Tumango ito at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.

Hindi ko irereveal kung saan ang bahay ng boss ko at baka puntahan niyo pa at haranahin. Kaya ngayon pa lang, babakuran ko na  ito.

Nagpupunas ako ng pawis at tumingin sa itim kong relo.

Halos lumuwa ang mata ko ng makitang alas nuwebe na ng gabi!

Ganun ako katagal dun?! Ichineck ko ulit ang relo at baka namamalikmata lang ako. Alas 9 nga.

Alas nuwebe ang basa dun ha! Hindi alas nine. Punyeta! Huwag ka ng dumagdag sa grupo.

"Manong wala na bang ibibilis ang taxing to? Pakibilisan naman manong oh."request ko sa driver. Tiningnan ako nito sa salamin.

"Oho Maam." sagot nito at binilisan ng kaunti ang takbo.

Nag-aalala akong baka namutla na ang boss ko sa gutom at magkaulcer ito!

Alam ko kung paano ito magalit at baka pasabugin na talaga ang matris este ang bungo ko!

Alam ko pa namang   sarap na sarap ito sa luto ko. Kaya nag-aalala akong ibang luto ang kinakain nito.

Hindi ko tuloy malagyan ng betsin!

DiyoskoLord! Kayo na pong bahala sa kaluluwa ko! Sana'y hindi ako ibalibag ng boss ko pagdating.

Malayo pa kami. Anong klaseng taxi ba itong nasakyan ko at mukhang kapatid ng pagong sa sobrang bagal ng usad.

"Manong wala pa bang ibibilis ng mabilis na mabilis ang takbo niyo?" pagnamadali kong untag kay Manong driver.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon