KBNT 4

14.2K 365 21
                                    


HOLY'S POV

Nagising ako  dahil sa kumukulo kong tiyan. Tiningnan ko ang paligid at agad napabalikwas ng bangon.

"Aray."daing ko ng sumakit ang aking katawan daig ko pa  ang binugbog.

Nasaan ako?

Hindi ba at nasa maalikabok akong  silid bago ako mahimatay. Inilibot ko ang paningin at napagtantong hindi ito ang silid na pinagdalhan sa akin ng mga kidnappers. Malambot ang kama ko. May unan at nakakumot rin ako. Maaliwalas ang paligid kahit na nakapatay ang ilaw at medyo dim ang palibot.

Napatingin ako sa aking suot.
Nanlaki ang mata ko nang malamang hindi na ito ang damit na suot ko bago makidnap.

Napansin ko ring may mga ointment na natuyo sa mga kalmot ko sa braso.

Saan galing ito?

Sinong nagbihis sa akin?

Ang mga kidnappers? Oh my God.

Agad kong niyakap ang katawan at pinakiramdaman.

Wala namang masakit.

Napahawak ako sa  tiyan  ko nang kumulo ito sa gutom. Daig ko pa ang nagfasting. Ang mga bulate ko sa tiyan ay nagwawala na.

Kailangan kong makakain.

Inalis ko ang kumot at dahan dahang bumaba ng kama. Dahan dahan rin akong naglakad patungo sa pinto na para akong magnanakaw at takot mahuli ng may ari ng bahay.

Ngunit napahinto ako nang may napagtanto.

Teka.

Mas importante pa ba ang pagkain kesa sa pagtakas?

Nag-isip muna ako ng mabuti.

Oo nga naman.

Kelangan kong makatakas dito. Tama yun nga.

Pero paano ako makakatakas kung wala akong lakas? .

Kaya kailangan ko muna talagang kumain tapos tatakas na ako kapag busog na.

Hindi naman siguro bala at bomba ang kinakain rito.

Pinihit ko ang pinto at lumabas. Madilim ang pasilyo. Napakatahimik at walang tao. Nang tuluyan na akong makalabas ay nagtitip toe pa ako habang hawak ang aking patay gutom na tiyan.

Lingon sa kanan.

Lingon sa kaliwa.

Clear.

Walang tao.

Dirediretso lang ako sa paglalakad. Ilang pasilyo muna ang aking dinaanan  bago  nakarating sa may hagdanan pababa.

Marahan kong tinahak ito at nakarating ako sa sala. Hindi ko mapigilan ang mamangha.

Sobrang laki ng sala nagsusumigaw ito ng karangyaan. Kahit hindi masyadong naaninag ang mga gamit na naroroon dahil sa medyo dim din at ang malilit na ilaw na nasa pader lamang ang nagsisilbi kong tanglaw.

Kumulo na naman ang tiyan ko. Nasaan na ba ang kusina? Halos manakit na ang aking mga binti kakalakad ay di ko parin makita.

Anong klaseng bahay ba ito. Tirahan ba ito ni Hades at pagkalaki-laki.

Napalingon ako sa may gawing kanan.

Ayun ang kusina.

Dali dali ko itong tinungo. Kung sino man ang may ari ng bahay na to sana naman may pagkain. Hindi naman ako magnanakaw ng gamit.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now