KBNT 11

10.1K 264 35
                                    

HOLY'S POV

" Boss dito muna ako ah. Ayoko pang umuwi, wala rin naman akong gagawin dun sa mansyon niyo."Paalam ko kay boss  na busy kakabasa. Sinulyapan ako nito mula sa mesa nito.

Nakaupo kasi ako sa sofa. Itinigil nito ang ginagawa at napasandal sa swivel chair nito. Nasa akin na ang buong atensyon.

"You might get bored here."

"Hindi yan boss."Paano ako mabobored eh nandito ka? Ahihihi  "  Isabay mo na lang ako mamaya pauwi."

Bumuntong hininga ito at marahang tumango.

Yes!

Napasuntok ako sa hangin. "Sabi mo yan boss ah?" paninigurado ko.

"Oo nga, ilang beses ka ba ipinanganak?"

tsk. Ang sungit talaga.

Bumalik na itong muli sa ginagawa. Ipinagkasya ko naman ang sarili sa sofa na nandito sa opisina ni boss at naglaro ng temple run.

Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay hindi pa rin tapos? Tiningnan ko ang relong pambisig. 4:29 na pero hindi man lang natinag ang amo ang amo kong ito.

Diba uwian na pag ganitong oras? Nasobrahan naman yata sa sipag ang kanyang boss. Hindi na ako nakatiis, bumangon ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ito.
"Boss anong oras tayo uuwi." nag 'Hmmmm?' lang ito at itinuloy ang ginagawa.

Napakamot ako sa pisngi. Hinahayaan ko na muna ito. Baka sobrang dami ng ginagawa nito. Sinabihan na akong baka mabored ako ay hindi ako nakinig kaya halos mamanhid ang likod ko kakahiga.

Ginusto mo yan Holy!

Nahiga akong muli at hindi namalayang nakatulog sa paghihintay.

********

Sa tabi ng dalampasigan ay naroroon ako. Kasama ko ang aking lalaking pinakamamahal. Nakasunod siya sakin habang magkahawak ang aming mga kamay habang naglalakad.
Hay ang sarap sa feeling!

"Love, halika rito." napatigil ako sa aking paglalakad at humarap sa lalaking mahal na mahal ko. Ngumiti ako dito. "Bakit mahal ko?"
Ipinalibot nito ang mga braso sa beywang ko at hinapit ako papalapit.

Inilagay ko naman ang mga braso sa leeg nito. "I want to kiss you."saad ng lalaki. Ngumiti ako ng malaki. Inilagay muna nito ang takas kong buhok sa likod ng aking  namumulang tenga. Saka hinawakan ang pisngi ko. Dahan dahan nitong inilapit ang mga labi sakin.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now