KBNT 30

8.4K 246 13
                                    

Dedicated to maricelsumiyaya



HOLY'S POV

Habang sakay ng sasakyan ay nilalamig ako at nanginginig ang kalamnan.

Tinitingnan at nililingon ako ni boss na mukhang nilalamamig rin. Pinatay nito ang aircon ng sasakyan upang maibsan ang lamig na nararamdaman naming dalawa ngunit hindi man lang ito nakatulong.

Napasulyap ako sa bintana, malakas pa rin ang ulan at hangin, medyo tumataas na rin ang lebel ng tubig sa mga kalsada.

At medyo malayo pa naman kami sa subdivision. Kung hindi ba naman isa't kalahating tanga itong boss, binababa ba naman ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng napakalakas na ulan!

Pero mukhang ako ang purong tanga talaga, bumaba ba naman kahit alam na umuulan. Ang galing Holy!

"Are you okay? " biglang tanong ni boss sa nag aalalang tinig.

"P-papaano ako magiging okay boss eh para akong ipinasok sa freezer. Bati buto ko nanginginig. Sabihin niyo nga?! Paano ako magiging okay?!"lokong to! Alam na ngang nilalamig ako at hindi okay nagtatanong pa. Sarap bayagan!

Malakas itong bumuntong hininga. Nagulat ako ng bigla itong kumanan.

"Bakit ka kumanan boss, hindi ito ang daan papuntang mansyon."

"You're freezing, baka magkasakit ka."

"Mas lalo akong magkakasakit kapag di pa tayo uuwi boss at saka basang basa ka na rin."

"Sa hotel muna tayo magpalipas ng gabi. Imposible rin tayong makauwi dahil bumabaha na."

Napaisip ako sa sinabi nito. Tama nga ito. Basang basa kami at sobrang lakas dun ng ulan, samahan pa ng kulog at kidlat na lalong nagpakaba sa kanya.

Huminto ito sa isang hotel. Inalalayan ako nitong lumabas dahil mukhang namamanhid ang katawan ko sa lamig.

Agad kaming nag check in. Napapatingin pa ang ibang tao sa pagpasok namin dahil nga para kaming mga basang sisiw.

Kumuha ng dalawang kwarto si boss. Napakaarte talaga nito. Hindi talaga kumuha ng isa lang.

Pwede namang share lang kami lalo na't malamig ang gabi maganda ang may katabi. Ahihihihi!

Wala talagang pinipiling lugar at sitwasyon ang kaharutan at kahalayan ko.

Ibinigay ni boss ang susi ko sa kwarto. Magkatabi lang kaming dalawa. Room 175 ito at nasa 176 naman ako.

Nakasimangot kong kinuha ang iniabot nitong susi.

Nang makasakay na kami sa elevator ay todo simangot pa rin ako.

"Why are you frowning? Something wrong?" tanong nito na agad kong inilingan. Alangan namang magreklamo akong dalawa ang kwartong kinuha nito. Hindi dapat ganoon ang   iniisip ko.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now