KBNT 25

8.2K 237 24
                                    

HOLY'S POV


Apat na araw mula ngayon ay magaganap na ang ika-siyam na anibersaryo ng kompanya ni   boss. Kinakabahan ako dahil malaking pagtitipon ang dadaluhan ko. Ito ang unang beses ko na pupunta sa party ng mga mayayaman.

Curious ako at the same time excited dahil sa PAGKAIN!

Alam kong maraming pagkain ang ilalatag doon kaya plano ko bago ako pumunta ay ihahanda ko ang tiyan sa matinding bakbakan.

Nasa may garden ako ngayon at nakaupo sa isa sa mga upuan na nakalagay roon. Mayroon ding pabilog na mesa at tatlo pang upuan. Nakaharap ako sa  laptop at nags-scroll scroll sa instagram. Wala akong magawa dahil nga lunes ngayon at kanina pa tapos ang pagsisilbi ko sa mahal na prinsipe.

Nakaalis na ito papuntang opisina. Wala din akong makausap dahil sa busy ang lahat ng tao dito sa mansyon. Kahit nga si Manang ay minsan niya lang makita at makausap. Wala din si Aryan, nasa probinsiya daw dahil bakasyon naman ngayon babalik ito sa susunod na linggo.

Yung ibang katulong naman ay hindi ko close at kilala. Nahihiya naman akong istorbuhin ang mga ito dahil abala rin.

Habang nagbrobrowse ng mga litrato ay may narinig akong ugong ng sasakyan. Palatandaan na may dumating. Hindi kita mula sa garden kung sino ang dumating dahil nga nasa parteng likod ang garden samatalang nasa harap ang garahe.

Dumating kaya si boss?

Tiningnan ko ang relong pambisig. Alas diyes pa lang ah? Baka may nakalimutan.

Hmm. Baka ganun na nga.

"Manang. Manang."

"Manang nasaan si kuya? Nandito ba siya?"

Napatingin ako sa loob ng bahay. Hindi ko kita kung sino dahil sa pader. Boses lang ang naririnig ko.

Boses binatilyo.

Sino naman kaya ang hinahanap nito.

"Oh Senyorito, kailan lang kayo dumating? Aba! Ang laki mo na ah,  ke pogi poging bata. Umupo ka muna. Anong gusto mo ha?" boses iyun ni Manang.

Tinawag niya ring Senyorito? May iba pa bang senyorito dito bukod sa amo ko?

Bigla akong naalarma ng marealized na may kapatid pala ang amo ko! Yung minsang kinuwento ni Aryan sakin.

Ano nga ulit ang pangalan nun?

Tiger? Rigger? Ahh basta may ger sa huli nitong pangalan.

" No thanks, Manang, I already ate before going here. Nandito ba si kuya?"

Pinatay ko ang laptop upang mas marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Hijo, wala dito ang kuya mo nandun sa opisina niya kanina pa yun umalis. Hindi mo ba ipinaalam na pupunta ka dito?"

Hindi ko narinig ang bagong dating na sumagot. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang kanyang laptop. Nagpasya akong pumasok sa loob ng bahay upang makita ang bisita.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now