KBNT 23

7.8K 237 22
                                    

HOLY'S POV



"Boss, dahan dahan naman sa pagmamaneho. Ayyy! Ano ba boss? Hinahabol ba tayo ni Satanas ha?" malakas Kong sigaw rito habang mahigpit ang  kapit sa seatbelt.

"Bosssss! Bagalan niyo naman! Ayyy ano ba Bosss!" nagovertake ito.

Pero ang mga demonyo ay hindi nakikinig sa mga diyosa kaya imbes na hinaan ay mas lalo pa nitong binilisan.

Kalmadong kalmado lamang ito at parang may speed lamang na 40kph. Hindi nito alintana ang mga sigaw ko.

"B-Boss... Bosss, may sasakyan. Mababangga tayo bosss!!!!" malakas kong sigaw at itinuro ang kotseng malapit ng bumangga sa kanila.

Mahabaging Diyos, bigyan niyo sana ng tamang pag-iisip ang amo niya.

"Pwede ba hinaan mo yang bibig mo. Kababaeng tao lakas ng boses."

In one swift move, naiwasan Nito ang kotseng makakabanggaan sana namin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kumapit na sa kung saan pwede akong kumapit.

Ngunit hindi ang tagpong yun ang nagpahina ng takbo ng amo ko. Para itong nakikipagkarera sa hangin.

"Boss naman! Sabi mo sa mall tayo pero bakit parang biyaheng impyerno naman yata to!"

Kanina pa ako nagrereklamo at sinasaway ang mabilis nitong takbo pero dedma si kuya. Wa epek ganurn.

"It's your fault." agad akong napalingon sa sinabi nito at hindi makapaniwalang itinuro ang sarili.

Ako pa ang may kasalanan?

"Anong ako boss? Anong kasalanan ko?"

"You just wasted a f*cking one hour Miss Castillo. We should've been finished by now." masungit nitong sagot at saka ako sinamaan ng tingin.

Natataranta akong napapatingin sa unahan dahil nasa akin parin ang paningin nito. He's driving for pete's sake!

"Boss sa unahan kayo tumingin at baka paglingon mo si Lord na ang kaharap mo."

Nagtsk lang ito sakin at ibinalik na ang tingin sa kalsada. Paniguradong mukha na akong patay dahil sa putla.

Ikaw ba naman ang makaranas ng isang near death experience tingnan natin kung sing pula parin ni snow white ang labi mo, punyeta ka!

Nakahinga ako ng maluwag ng bumagal ang takbo ng boss ko dahil malapit na kami sa mall. Hindi ito ang mall na pinuntahan ko kahapon.

Mas malaki ito at mukhang mas magara.

Nilingon ko   si boss."Boss ang ganda naman ng mall nato. Sosyalin! Kanino to boss?" namamangha ako hindi kasi ito ang typical na mall na nakikita ko.

Nagpark muna ito bago ako binalingan." Mine."

Nanlaki ang mata ko. "Sa inyo to boss?Huwehh?? Ang dami niyo namang pagmamay-ari."Pwede bang isali niyo na rin ako sa property niyo? Ahihihihi.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now