KBNT 22

8.5K 231 5
                                    

HOLY'S POV

Pagkatapos ang tagpong yun ay talagang nainis ako.

What the heck diba? Sobrang pagmamadali ko at halos maglupasay na ako para lang maabutang buhay ang boss ko tapos kumain na pala ito.

Kumain na ito!

Kumain!

Ang galinggggggg! Hoooooooh!

Nandito ako sa   kuwarto at katatapos lang na maligo. Pabalik balik sabay ngat ngat ng kuko. Wala akong magawa dahil malamang nag-iisa lang ako.

Alangan namang tumambling tambling ako edi bali sa buto ang resulta.

Habang nakahiga sa aking kama ay napaisip ako sa gagawin ko bukas.

Day off ko bukas at plano kong bisitahin si Candy na bitter sa condo nito. Hindi para kumustahin kundi para bwisitin. Isasagawa ko bukas ang planong pag-ubos sa mga buhok nito sa ibaba at itaas. Humanda ang bruha dahil lintek lang walang ganti. Mwuahahaha.

Hala!

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang mga pinamili ko. Nasa may sahig lang ito ng ibagsak ko kanina. Bakit ko ba nakalimutan yun??

Argggggh! Nawala kasi sa isip ko dahil nangigigil ako kay   boss.

Kasalanan ko rin naman, wala namang nag-utos sakin na magmadali. Ako lang talaga ang assuming na hinahanap hanap nito ang luto kong minsan ay malapit sa dagat.

Agad akong bumangon sa kama. Tumingin ako sa orasan. Midnight na.
Kailangan kong makuha ang mga yun!

Naglakad ako at binuksan ang pinto. Wala naman na sigurong tao sa mga oras na to.

Napalinga linga ako sa paligid. Tahimik na ang bahay. Tulog na siguro silang lahat kabilang na si boss.

Napatango tango ako at pinaniwalaan ang sariling konklusiyon. Sino pa ba ang pagkakatiwalaan ko kundi ako at ako lamang.

Hinay-hinay akong bumaba ng hagdan upang hindi makaisturbo sa mga namayapa ay este natutulog.

Nang ako ay nasa sala na, inilibot ko uli ang paningin. Dim na ulit ang ilaw, kapag dim na ang ilaw ang implikasyon lamang nito ay tulog na sila o di kaya ay nasa kani-kanila ng kuwarto.

Napangiti ako ng malaki at napahinga ng maluwag.

Mabuti naman kung ganun.

Kailangan kong kunin ang mga pinamili. Hindi naman siguro iyon kinuha o pinakialaman. Kung kinuha man, baka itinabi lamang ang mga iyun.

Tama. Tama.

Wala naman sigurong kukuha ng mga yun. Dahil mga pagkain lang yun at mga personal needs ko bilang babae.

Naglakad ako patungong pintuan kung saan ko ibinagsak ang mga pinamili kanina.

Nang marating ang front door, yung eksaktong lugar kung saan ko iniwan ang mga plastics bags ay wala ako makita dun.

"Luhh, nasaan na ang mga yun?"

Nasaan na  kaya ang mga yun?

Tiningnan ko na rin ang mga kalapit na lugar na posibleng paglagyan nun, pero wala.

Hala! Sino namang dumampot nun!

Si manang!

Parang may nagliwanag na ilaw sa itaas ng ulo ko. Tatanungin ko na lang ito.

Maglalakad na sana ako patungo sa maids quarter ngunit napahinto ako ng mapagtantong, midnight na pala. Baka tulog na ito.

Nahihiya akong baka maisturbo niya ang pahinga nito.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now