KBNT 38

7.3K 181 2
                                    


HOLY'S  POV

Lutang pa rin ako habang naglalakad pauwi. Hindi mawaglit sa isipan ang nakita at narinig kanina lang. Hindi ko aakalain na sa dinami daming lugar ay dito ko pa talaga    makikita si Aria.

Si Aria na ilang taon kong nakasama at sa kasamaang palad ay hindi  kami nakapag usap man lang kahit na sandali. Para itong bula na bigla na lang nawala.

Ano na kaya ang balita sa babaeng yun?

Sana naman ay okay lang ito. Malalim ang pinagsamahan naming dalawa kaya ang hangad ko ay sana nasa maayos itong kalagayan, lalo pa't galit rito ang boss ko.

Ang boss ko pa naman yung taong walang sinisino at walang sinasanto.

Ipinadukot nga ako ng ganun kadali kahit na wala akong kasalanan at walang kamuwang muwang sa mga nangyayari.

Pero ang nasa isip ko tungkol sa misteryosong pagkakadukot sakin na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang tunay na dahilan ay nagkamali ang mga ito ng pagkakadukot o mas tamang sabihin na napagkamalan ako.

At kung tama ang hinala niyang napagkamalan ako bilang si Aria dela Cuesta ay hindi ko masisi ang mga ito dahil may pagkakahawig talaga kami ni Aria lalo na kung nakatagilid at nakatalikod.

Anuman ang nagawang kasalanan ni Aria alam konh malaki ito para umabot sa sukdulan ang galit ng  amo ko.

Ayon pa nga kay Walter ay malaki ang napinsala ni Aria sa boss ko pero kung ano man yun hindi ako kumbinsidong si Aria nga ang gumawa dahil kung may nakakakilala man ng lubusan kay Aria ay ako yun.

"Maam okay na po. Pwede na po kayong pumasok." Untag sakin ni Manong guard sabay abot sakin nung Card.

"Ha? Ah. Oo. Salamat Manong." Wala sa sariling sagot ko at kinuha ang card. Nasa may entrance na ako ng subdivision na kung saan kailangan na ipakita kay Manong guard yung Card na nagpapatunay na dito ka nga nakatira sa subdivision.

Nagderederetso na ako ng lakad papasok. Napapatingin ako sa mga kabahayan. No scratch that. Kamansyunan ang nararapat na salita dahil ang lalaki ng mga bahay ng angkan ng amo ko na animo'y nagpapaligsahan sa laki at rangya.

Napapanganga ka na lang at nalulula. Malaki rin naman ang bahay namin noon pero mukhang nangngalahati lang iyun kumpara sa mga mansyun ng mga ito. Nagkikita kita pa kaya ang nakatira sa laki ng mga ito?

Umiling ako. Mukhang hindi na. Baka pati sa mga kwarto nito ay may sariling kusina na. Ganun kayaman ang pamilyang Madrigal.

Nang iresearch  niya ang pamilya  Madrigal ay talagang matatakot kang bumangga. Dahil lahat ng kalabang nagtangka, giba.

Mula sa negosyo hanggang sa mga babaeng iniibig ng pamilyang ito ay walang sinuman ang nangahas na umagaw.

Binansagan pa nga ang pamilyang Madrigal- De Ville as one of the most dangerous, powerful, and influential family ever existed, kung ano man ang basehan at dahilan para matawag na ganun ay wala akong ideya bukod lamang sa hawak nitong pera. Dahil kung pera lang ang basehan panigurado ito ang nasa top list. Kaya kang bilhin at sunugin.

Ang ganitong klaseng kayaman at kasikat na pamilya ay hindi ako naniniwalang walang mga ilegal na gawain. Mangmang lang ang mag iisip ng ganun at saka hindi ako ipinanganak kahapon. Dahil ako mismo ay nakikita at ginagawa yun ng ama ko.



Peeeeep! Peeep! Peeep! Peeep!


"Ay! Putang ina! Ano ba yan!" Napamura ako at bahagya pang napatalon sa gulat ng bigla na lamang akong binusinahan ng pagkalakas lakas.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now