KBNT 9

10.1K 231 11
                                    

HOLY'S POV

Maaga akong nagising, ngayon ang unang araw ko sa trabaho.

Alas singko y medya pa lamang ay bumangon na ako at naghanda. Pumasok ako sa banyo at naligo kahit na pagod na pagod ako.

Ikaw ba naman ang kumuha ng pagkarami raming requirementssssss kahapon. Late na rin akong nakauwi at pagkauwing pagkauwi ko ay kinabisa ko pa  kung ano ang mga paboritong pagkain ni boss, ang schedule niya kung kailan ko lulutuan ng agahan, tanghalian, at hapunan. Kaya wala talaga akong masyadong tulog.

Pagkatapos gawin ang aking morning routine ay nanalamin muna ako bago bumaba.

Napasinghap ako sa aking itsura. Ang mukha ko ay parang pinaghalong panda at gorilla! Mukha akong adik na sabog.

Ngunit pagtingin ko sa relong pambisig ay nataranta akong bumaba.

Shit.

Shit.

Hindi ko mapigilang mapamura. Ilang oras ba ako sa banyo at ganito na ang oras bago ako nakababa.

Mabilis akong tumakbo sa kusina para magluto. Anumang oras ay gigising na ang magaling kong amo at kapag wala pa akong naihanda ay baka ako ang kainin ng buo.

Ang gusto ng amo ko kapag agahan ay heavy meal. Kaya nagprito ako ng itlog, hotdog, ham, at nagluto ng adobo. Binilisan ko ring mag saing ng kanin.

Pagkatapos ng ilang taon ay natapos rin ako.

Sinulyapan kong muli ang relo. 6:30 na. Malapit nang bumaba si boss kaya hinanda ko na  ang mesa at ang mga niluto kong pagkain.

Maya maya pa ay may narinig akong mga yabag. Kaya naman nilingon ko ito. At nakita ang kanyang boss na nakasuot ng black business suit.

"Good morning boss." masigasig kong bati at ngumiti ng pagkalaki laki. Tinanguan lamang ako nito. Sinipat ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Aba!Ang gwapo at ang sarap ni boss  mas masarap pa kesa pagkaing aking inihanda.

"Upo kayo boss."iminuwestra ko ang kamay at pinaghila ito ng upuan. Sumunod naman ito. Nakakunot ang noo.

Umagang umaga ay wala naman sa hulog?

Nag umpisa na itong kumain. Mukhang nasarapan si boss dahil panay subo ito.

Ang galing mo talaga Holy!Napakatalented mo pa!

"Ano boss masarap ba?"Excited kong tanong dito.

"Kaya ng pagtiisan."walang gana nitong sagot sakin.

Ano? Kaya ng pagtiisan? Eh ang sarap sarap ng mga yun eh!

Ang boss niya talaga napakashowy sarap kurutin sa singit.

Hindi ko na lang ito pinatulan alam ko namang nasarapan ito sakin.

Este sa luto ko pala.

Ako pa ba? Hindi na makakakita si boss ko na sing galing kong magluto at sobrang ganda pa.

Sa kalagitnaan ng pagsubo nito ay napatingin ito sakin at ang nakakunot na nitong noo ay mas lalo pang kumunot.

May problema ba sa mukha ko?

"What happened to your face?"

Hinawakan ko naman iyun.

"Hahha bakit boss? Maganda ba? Ganyan talaga yan, mas lalong gumaganda kada araw. Masanay na kayo sa mukhang to." taas noo kong sambit. Sabi kasi ng nanay ko ay sobrang ganda ko at papasa na  bilang isang prinsesa.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now