KBNT 44

5.9K 144 11
                                    

STORY UPDATE: AS OF JAN.10, 2022 we've reach 70k readss.. Thank youuuuuu veryyyy muchhh.. If you are reading this chapter, I just want you to know that this story has been edited. So kung medyo naguguluhan kayo sa mga chapter and pov's you can reread it. This story is suppose to be a third person's pov so if you read it again, first person na siya. May dinagdag at kinuha po ako. Thank you very much. I never really expected na aabot sa ganito yung reads ng story. 1k reads is enough pero grabe kayo huhuhuhuhu.. Love you all.





HOLY'S POV

Ayy! Mamaya na nga muna ang isip isip na yan. Nakakaubos ng brain cells.

Kukuha muna ako ng pagkain at kumukulo na ang tiyan ko sa gutom.

Kumuha ako ng maraming maraming pagkain upang gumana ang utak ko.

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Aryan habang bitbit ang dalawang plato na punong puno ng pagkain.

"Hala ate! Ang dami naman niyan. Tulungan na kita." Tumayo si Aryan at kinuha nito ang isang plato sa kamay ko at inilapag sa mesa namin.

"Kulang pa nga yan Aryan kaya lang hindi na kasya sa dalawang plato. Babalik na lang ako mamaya kapag naubos ko na to."

"K-Kulang pa sa inyo yan? Grabe ate. Hindi naman kayo matakaw no?"
Haos lumuwa ang mata nito.
Ang exagge naman nito.

"Sige isigaw mo pa. Mukhang hindi narinig nung iba."

Nagpout lang ito.

Sinimulan ko ng kumain. May napapatingin sa gawi namin ngunit kadalasan ay walang pakialam yung iba. May sari-sariling mundo.

"Aryan."
Tawag ko rito."Bakit ate?"

"May kilala ka bang Julian ag pangalan?"

"Julian?"

"Oo Julian nga."

Nag isip ito. " Isang Julian lng naman ang kilala ko. Yun yung kaibigan ni Senyorito. Julian ang pangalan nun."

"Talaga? Andraque ba yung apelyido?" Mas lalong lumubo ang kuryosidad ko.

"Hmmm. Oo ate. Andraque yun sa pagkakatanda ko.. Pinsan yun ni Maam Natalie..."

Napatango ako sa sinabi nito.

"Kaya lang ate, nung mga nakaraang buwan ata yun. Mabalitaan namin na naaksidente ito. Binangga raw ito ng sasakyan at medyo malala ang sinapit. Nakakalungkot nga eh. Ang bait pa naman nun di tulad ni Mam Natalie na medyo mataray."

Binangga ito?

"Anong nangyare? Nasaan daw yung nakabangga?"

"Hindi ko alam ang ibang detalye. Yan lang ang alam ko. Teka, bakit niyo nga pala natanong?"

"Ha? Ah wala. Wala naman. Curious lang ako." Nginitian ko ito  sabay iwas ng tingin at tinuloy ang pagkain.

"Ehh? Nagtataka lang ako ate at bigla niyo na lang naitanong. Hindi naman na nagagawi si Sir sa mansyon simula nung dumating kayo dahil nga naospital ito."

"Ganun ba? Nabanggit kasi ni Gun sakin."pagsisinungaling ko. Mukha naman itong naniwala sa palusot.

Inalala ko ang unang tagpo namin ni Natalie.

~ Sinabihan siya ni Natalie na Walang hiya raw ako! Kasalanan ko daw ang lahat! Galit na galit pa itong sumugod

"Hindi ko aakalaing sa isang pipitsuging babae lang na tulad mo ay nahospital ang pinsan ko! Walang hiya ka!."

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now