KBNT 3

14.6K 346 14
                                    

HOLY'S POV

Sa isang medyo kalakihang silid ako dinala, kahit maliit na bintana ay wala. Merong kama ngunit walang kumot at unan.

Maalikabok ang paligid na halatang wala masyadong gumagamit. Dagdag pa ang madilim na paligid. Matatakutin pa naman ako. Ngunit sa oras na yun ay hindi multo ang pinangangambahan ko kundi ang kanyang buhay lalo pa't wala sa tamang kundisyon ang aking pangangatawan.

Mainit ang aking temperatura ngunit pinagpapawisan ako ng malamig at malapot.

Nanginginig ang mga kalamnan ko sa ginaw dala na rin ng pagbuhos sakin kanina ng tubig  ng mga nangidnap sa kanya.
Mabigat ang ulo at uumiikot ang mundo ko. Masakit at parang akong ginulpi ng ilang tao.

Kung hindi ako mamatay sa baril ay baka ito ang magiging sanhi.
Niyakap ko na lamang ang  dalawa kong tuhod at yumuko upang kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman.

Anumang oras ay baka balikan ako ng lalaking nagngangalang Gun, ang nagpakidnap at dahilan ng pagdurusa niya.

Bagay na bagay rito ang pangalan. Gwapo rin ito at maangas pero hindi ito ang tamang panahon upang kanyang purihin  ang lalaking naging dahilang ng kanyang pagdurusa.

Mukha itong mayaman sa kanyang estilo ng pananamit at parang Diyos na bumaba sa lupa. Ngunit hindi para magligtas sa sanlibutan kundi para maghasik ng lagim at kasamaan.

GUN

Samantala, sa isang magarbong opisina, mga mamahaling mwebles ay nakapalibot.

Nakaupo si Gun sa kanyang mamahaling swivel chair, kasama ang madaming nakatambak na ibat ibang papeles sa kaniyang mesa. Busy siya ngunit napakalakas pa rin ng karisma at talagang nangingibabaw ang awtoridad nito.

Nagulat ito na napatingin sa humahangos na bagong dating.

" Gun, I think you made a mistake!" pumasok dito ang kanyang matalik na kaibigan.

" Don't you know how to knock?" mahinahon niyang sambit. Kumunot ang noo niya ng bumalik sa pintuan ang matalik na kaibigan at kumatok.

Tok! tok! Tok!

" Can I come in?"

Hindi siya umimik at pinasmasdan lamang ito.

"What do you want Walter? I don't have time right now. I'm busy."
Masungit niyang bati. Ngunit umupo parin si Walter kahit pa hindi niya inaalok.

" Ganito kasi yun, yung babaeng pinakidnap mo! Hindi siya yun! Nagkamali ka ng ipinadukot!"
Sigaw ni Walter sa kanya sa nag aalalang mukha.

" And what do you mean by that? You know that I don't do mistakes."

Alam ng matalik niyang kaibigan ang tungkol sa babaeng ipinadukot niya kahapon.

Ito ang na rekomenda sa kanya sa isang private investigator upang malaman nila ang pangalan at matunton kung saan ito nakatira sa kadahilang malaki ang atraso nito sa kanya at nadamay pa ang isa niyang pinagkakatiwalaang tao na nakataratay sa hospital na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising.

"Maling babae ang nadukot ng mga tauhan mo, hindi siya sa Aria dela Cuesta. Hindi siya ang nagnakaw sa kompanya at bumangga kay Julian! Sinasabi ko na nga ba at ibang babae yun talagang may pagkakahawig lang ang kanilang mukha."

" And when did you see her? I don't think you met her already. Don't bullshit me Walter!" pikon niyang tanong sa kausap. Hindi pa nito nakikita ang babae sapagkat nasa tagong bahay niya ito dinala.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon