KBNT 27

7.9K 245 24
                                    

HOLY'S POV



"Yes. By the way, ikalawang pagkakataon na nating pagkikita hindi man lamang ako nagpapakilala. Tawagin mo na lang akong Donya Esmeralda. " pakilala nito sa sarili.

Donya Esmeralda?

Mas lalong hindi ako makapagsalita ng bigla itong lumapit sakin at saka ako mahigpit na niyakap.

Naguguluhan ako at walang kaideideya sa ikinikilos nito. Masyado naman yata itong mabait.

"Ah eh Maam, h-hindi ho ako makahinga."

May balak yata ako nitong patayin eh!

Agad itong kumalas." Pasensya na hija sapagkat natutuwa lamang ako na nagkita tayong muli sa ganito pa talagang pagtitipon." masaya nitong aniya na abot hanggang mata ang pagkakangiti.

Mayroon na itong apo pero ang katawan ng matanda ay mukhang healthy pa rin at hindi uugod ugod.

Maganda rin ang matanda kahit na may mga kulubot na ang mukha. Nanalaytay talaga sa pagmumukha ng pamilya Madrigal ang magandang lahi.

"Ah.. eh...Oo nga po." napakamot ako sa ulo. Ano ba naman itong napasukan ko.

"Grandma!" pareho kami ng matanda na mapalingon sa taong tumawag sa matanda na grandma.

Sumalubong sa paningin ko ang hinayupak at animal na si Trigger!

Nakasuit din ito at gwapo pa rin kahit na antipatiko.

Mukha itong disente at mukhang hindi gagawa ng masama pero ang hilatsa ng awra nito ay kabalikataran. Ito ang isa sa pasakit ng buhay ko.

"Oh apo. Nandiyan ka na pala. Mauna ka na sa loob at susunod ako." sabi ng matanda.

Pinasadahan ako nito ng tingin at ngumisi ng nakakaloko ng mapatingin ito sa high heels na suot ko.

Kagagawan ng punyeta kung bakit nagkapaltos ang paa ko!

Tinaasan ko ito ng kilay at pinandilatan ito ng mata.

Mukhang hindi alam ni Trigger na lumilipad ang heels na suot ko at talagang lalanding ito sa noo.

"Siya nga pala apo, siya ang babaeng gusto ko para sa kuya mo na kinukwento ko sayo. Hija, si Trigger ang ikalawa kung apo. Apo, si Holy." pakilala ng matanda sa apo niyang may sungay na rin.

Plastik itong ngumiti na parang ngisi na hindi ko maintindihan at inilahad ang kamay." Nice to meet you, Holy." napasulyap ako sa matanda, parang nagsasabi itong abutin ko ang nakalahad na kamay ng kanyang apo.

Masaya ang mukha nito at ayaw kong mawala ang ngiti ng matanda at bilang respeto na rin ayaw kong magmukhang bastos.

Inabot ko ang kamay nito at ngumiti.."Nice to meet you too, Trigger." 

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now