KBNT 40

8.6K 197 16
                                    

HOLY'S POV


Ang   hilaw kong  ngiti ay napalitan ng pagtataka dahil ang nabungaran ko imbes  na amo ko ay isang tao na may hawak na pagkalaki laki na stuff toy na si Doraemon.

Human size iyun kaya hindi ko kita kung sino ang nagbitbit. Para rin itong hirap na hirap dahil may kinukuha pa ito sa loob ng sasakyan.

"Manang, where's Miss Castillo?" Simpleng tanong nito. Agad akong ngumiti ng malaki. Si boss ko pala ito. Hindi ako nakilala dahil sa dala nitong malaking stuff toy.

Napagkamalan pa akong si Manang pero kinilig pa rin ang ngala ngala ko, ako ang
unang hinanap pagkarating na pagkarating nito. Ahihihihi.

Isinarado ni Gun ang pinto ng kotse nang matapos makuha ang isang bungkos ng bulaklak.

Napahinto ito ng makita akong nagmamasid rito.

Nginitian ko ito ng malaki.

"Hi..." kinawayan ko ito.
"N-Nakarating ka na pala." Nahihiya kong sambit at namumulang napayuko nang pagmasdan ako nito ng matiim.

Inangat ko ang tingin nang hindi pa rin ito kumibo. Napakagat labi ako ng nanatili pa rin itong nakatitig.

"B-Bakit? May problema ba?" Alanganin kong tanong dito.

"Why?" Sabi nito na medyo natawa sakin.
Pinaglalaruan ba ako nito?!

"K-kasi ahm.. ano.. n-naka ahm. Nakatitig ka sakin so tinatanong ko kung may problema ba? May dumi ba ako sa mukha? Dugyot ba yung itsura ko?" Tiningnan ko ang  kabuuan. Maganda naman ako.

Anong tinitingin tingin nito?! Baka naman nagseselos ito dahil ang ganda ko? Baka gusto mo ring gumanda boss?

"You look fine. It's just that I missed you." Masuyo nitong ani na nagpakilig sakin.

Ayy anube!

Miss na Miss rin kita Boss!!!!

"This is for you." Iniabot nito sakin ang stuff toy at ang isang bungkos ng bulaklak. Namumulang kinuha ko iyun.

Ang sweet naman. Awiiiiie..

"Talaga? Para sakin to?.." tumango ito sa tanong ko. "Papaano mo nalamang favorite ko si Doraemon at gusto ko ang mga roses?"

" I have my ways baby." At saka ako nito kinindatan. Peste! Hindi ako handa para dun! "Ako na ang mag aakyat nitong stuff toy baka mabigatan ka." Alok nito ng tulong dahil mabigat naman talaga.

Binigay ko iyun sa lalaki. Pinauna ko ito bago ako pero dahil may pagkapilya itong isip ko ay tinawag ko ito.

"Bossing!"

"Hmmm?"

"May ibibigay din ako sa inyo!" Masigla kong saad at pumunta sa harap nito. Naguguluhan ako nitong tiningnan.

May dinukot ako sa bulsa pagkatapos ay.......


NAG FINGER HEART sa kanya.

"Bossing, tanggapin niyo ang pag-ibig na inialay ko. Ito ang simbolo ng aking walang hanggang pagmamahal." Madamdamin kong sambit at nagpretty eyes pa.

Napasimangot ako ng tumawa ito.

"Boss naman eh! Bakit kayo tumawa?! Seryoso yun eh! Dapat magtitili kayo sa kilig!" Pamimilit ko at magpapadyak na nagreklamo dito.

"Pfffft. Come here baby. " Sabi nito na pinapalapit ako. Nag cross arms ako at padabog na lumapit.

"Oh, bakit boss?! Gusto mo pang tumawa? Sige lang! Kabagin ka sana boss. Hmp!"

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora