KBNT 36

7.4K 210 14
                                    

HOLY'S POV


"Insan ano bang nangyayare sayo ha? Bakit bigla ka na lang diyan umiiyak. Nababaliw ka na ba?!"
Nag-aalalang sabi ni Candy habang nakaalalay sakin dahil hindi ko na talaga  kayang umupo ng maayos.

"Holy, bebe girl may problema ka ba? Huwag na nating painumin si Holy baka bigla na lang yan humandusay sa sahig." Sabi ni Range.

"Hahahaha. Hindi nga ako lashing ano vah kayoo. Hahahaha....." wala sa sariling tawa ko. "....Pero huhuhuhuhu. *sob* hindi na ako natutuwa sa kanya! Wahhhh. *sob* ano bang kulang shakin ha? Bakit hindi niya makita ang halaga ko ha?! Huhuhu*sob* maganda naman ako diba?" Umiiyak kong tanong  sa mga kasama habang pilit na inaabot ang baso na may lamang alak na agad namang inilayo ni Gwynne.

Lasing kong tininingnan ang mga kasama. "Diba magandsha ako?! Shagot!"

Nataranta bigla si Candy nang subukan ko ulit na tumayo kaya lang agad akong natumba.

Itinayo naman ako kaagad at tinulungan.

"Ha? Ah oo insan, ang ganda mo! Hayaan mo na kung hindi niya makita ang iyong halaga baka nakafree data." Sabi ni Candy.

"Vaklah, iuwi na kaya natin yang si Holy. Lasing na lasing na oh."

"Oo nga. Iuwi na natin yan. Saan ba ang bahay nitong si Holy? Nang maihatid na natin." Tumayo si Gwynne at nilapitan ako, nag aalala ang mukha.

"Hindi pa nga ako lashing! Ang kulit niyo ah! Alashk pa ngah!" Malakas kong sigaw at pasuray suray na tumayo. Sa pagkakataong yun ay hindi na ako nagpaalalay kay Candy.

"Insan, huwag ka ngang malikot. Kung alam ko lang na maglalasing ka ng ganyan edi sana sa condo ko na lang tayo uminom!"

"Sssshhhh... Wag kah ngang maingay *hik* kaya ko. Kaya ko ang sarili ko* hik*."

Tumango tango ako dahil sa lakas ng music.

Umikot ako sa kabila at pinuntahan si Range. Napatayo ito ng makitang pasuray suray na ako.

"Hihihi Range, maganda naman ako diba? Tapos sekshi pah! Ano pang hinahanap mo ha? B-Bakit hindi nalang akoh?!" Wala sa sarili kong sabi nang makalapit na ako at hinaplos ang mukha ni Range.

"Hoy jusko! Bebe gurl!!! Huwag mong haplusin ang mukha ko. Nangingilabot ako sa pinaggagawa mo. Girl din ako anu ba!? Bakit ba araw- araw akong sinusubok ni Lord." Tili ni Range.

"At hindi ako naghahanap ng sexy at maganda! Bet ko yung namumutok ang muscles noh!" Maarte nitong dugtong pero hindi ko ito pinakinggan. Sa halip ay yumakap na lang ako sa leeg ng bakla at doon kumapit dahil umiikot ang paningin ko.

Hindi naglaon ay inalalayan din ako nito. Humilig ako sa dibdib nito at tahimik na umiiyak.

Sana pala umibig na lang ako pangit para wala akong kaagaw kahit isa, napili ko pa talaga   yung taong sinalo lahat ng kagwapuhan kaya ayan tuloy nasaktan ang puso kong tanga.

Matatanggap ko namang magkasama ang dalawa eh pero nang makita ang larawang sobrang sweet ng dalawa yun ang hindi ko kaya.

"Bebe gurl, stop na. Huwag ka ng umiyak. Kami ang pinag alala mo eh. Sino ba kasi yang iniiyakan mo. Sabihin mo samin para maitumba na namin." Pag aalo ng bakla pero hindi man lang gumaan ang pakiramdam ko.

Umiling ako at hindi na ito sinagot. Yakap lang talaga ang kailangan ko sa ngayon.

"Yung boss mo ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ha?"

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now