KBNT 10

10.5K 318 53
                                    

HOLY'S POV

Pagkarating ko sa dulong pinto na sure akong ito na ang opisina ng amo niya. Kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumagot kaya kumatok ulit ako. Wala pa rin.

Hala baka nahimatay na si boss sa gutom!

Dali dali kong pinihit ang pinto.

Hindi naka lock!

Agad kong binuksan ang pinto. Nagulat at nanlaki ang mata ko sa nakita. Para akong naestatwa at hindi malaman ang gagawin.

OH MY GOD!

Ang boss niya ! Hindi ako makapaniwala!

Putol ang katawan. Crosswise ang hati.

Charot lang!

Nagulat lang talaga ako at naiinis. Kaya pala hindi nito napansin ang katok ko dahil may kausap itong babae.

Nakadress ang babae na hapit na hapit at sobrang nipis ng tela at plunging neckline. Mukhang naghihirap ito sa tela. Halos utong na lang ang natatakpan nito.

Lantad ang mala papaya nitong dibdib. Yun bang giant papaya talaga. Nakaharap ito kay boss at nakatukod ang mga braso sa mesa.

Napatingin ang dalawa sa gawi ko. Mukhang naputol ang kanilang pag uusap.

Tumikhim ako pero nakatanga lang silang dalawa sa akin.

Kaya tiningnan  ko rin ang mga ito. Mula sa mukha ng boss ko na walang emosyon, sa babaeng halos nakahubad na halatang nilalandi si boss hanggang sa boobs nito na parang nagsasabi sa akin ng 'Halika aking Holy.'

Yayksss.

Ang sagwa na ng iniisip mo Holy! Kailangan ko na talaga ng Holy water.

"Ah eh ano." hindi ko malaman kung lalabas ba ako o mananatili sa loob at pagmasdan ang boobs nitong mukhang puno ng gatas o lumbas.

"Sorry boss, naisturbo ko yata kayo ni Miss Papaya este Miss Ganda. Lalabas nalang muna ako. Sige ho." hinging paumanhin ko at yumuko pa ng kaunti bago pinihit ang seradura ng pinto.

"No, Just stay." nilingon ko uli ito. Ako ang kinakausap. " Ah eh Boss okay lang talaga. Tapusin niyo muna yan, sa labas lang ako." Tanggi ko nakakahiya naman kung ako pa ying dahilan ng hindi matuloy ang gingawa niyo no.

"Ang sabi ko dito ka lang."mariin nitong saad. Binalingan nito ang babae. " Let's talk about it some other time. You can go." taboy nito.

Hindi naman maipinta ang mukha ng babae. Nababasa ko ang pagtutol sa mga mata nito ngunit kalaunan ay ngumiti ng pilit.

"Okay, I'll see you around then." kinuha nito ang mga papeles na nagkalat sa mesa kasama na ang bag nito. 

Ngumiti pa itong muli sa lalaki saka ako binalingan at sinamaan ng tingin.

Pasiring itong nakatingn sakin na para bang handang handa ng manakmal.

Oh scary.

Nagderederetso ito palabas sinundan ko ito ng titig. Nagbobounce ang pwet nito sa paglalakad.

Muntik pa akong mapasipol. Huwaw!

Okay, Holy! Ang manyak mo!

Sanaol nagbobounce eh ang sa akin daig pa ang flywood sa sobrang flat. Parang mighty band kung makakapit sa buto ko.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now