KBNT 48

5.9K 139 2
                                    

I'm really sorry sa mga errors and typos may mga parts parin talaga na nakaligtaan ng mga mata ko. I eedit ko po ito ulit.

Thank you for reading. Lalo na at nakarating ka sa kabanatang ito. Maraming salamat. Never have I ever think na aabot tayo ng 84,000+ reads. Woahh you guys are amazing!!!!!

Comment sa gustong magpadedicate next chapter.




*****

HOLY'S POV

It's been three weeks. Ang dali lang talagang lumipas ng panahon, hindi ko aakalaing ang tatlong linggo ay tila ba para lang isang kisap mata lang kung dumaan.

Ganun pa rin naman ang buhay ko. Simple pero masaya. Kami parin ni Gun, my hubby, my gunny, my boyfie, and my boss. Oh diba. Bongga pa rin ang lovelife ko kaya wala na akong interes kay Muhammad at Kumar ibibigay ko na sa inyo ang korona malay mo sa Arabo mo pala mahahanap ang tunay na kaligayahan at karangyaan. Pero kung ayaw mo ng pera edi wag. Napakaplastik mo!

Char lang.

Balik tayo sa buhay ko dahil kwento ko naman to walang pakialaman.

Speaking of my boyfie, isang linggo na siyang walang paramdam sakin, mabuti pa yung kaluluwa ng lola ko eh naisipan akong takutin pero si boyfie ewan ko kung nasaan na.

Ang huling pagkikita namin ay noong nakaraang dekada pa este nakaraang dalawang linggo dahil nga may business trip siya. Buti pa ang business, trip niya. Hmmmp.

Pagkarating niya sa Paris ay kinokontak pa niya ako at sinabing nakarating na siya ngunit pagkalipas ng ilang araw niyang pananatili doon ay nagiging dalawa sa isang araw na lang niya ako kausapin hanggang sa naging isang beses at kalaunan ay hindi na talaga.

Nag-aalala ako at nababahala pero wala naman akong mapagtanungan kung anong nangyarina sa kanya. Si Walter naman ay walang alam kaya walang ambag. Inutil. Walang silbi.

Dapat sa kanya kinukuha na ni Lord. Tsk.

Minuminuto, okay that's exaggerated- oras oras akong tumitingin sa cellphone ko na wala ring silbi baka tumawag si boyfie at baka iupdate ako sa buhay niya. Baka nalunok na siya ng shark o di kaya ang ng Anaconda at kailangan ng agarang tulong.

"Hija, umupo ka nga. Nahihilo na ako kakatingin sayo. Kanina ka pa pabalik balik ng lakad." Puna ni Manang na nakaupo sa sofa sa sala at nagtataka siyang tinignan habanh sumisimsik ng kape.

Itinigil ko ang paglalakad at saka ito binalingan,"Eh kasi Manang, isang linggo ng walang paramdam si Gun, ni ha ni ho ay wala o kahit tuldok lang yung text niya okay lang sakin para naman malaman kong hindi pa siya nalunok ng shark o Anaconda pero wala Manang."Mahaba kong litanya at saka nginatngat ang kuko ko.

Napabuntong hininga si Manang at saka ibinaba ang tasa ng kape.

"Baka busy lamang ang isang yun, hija."

"Busy? Gaano ba siya kabusy at kahit isang segundo lang sa isang buong linggo niya ay hindi niya magawang magtext o tumawag sakin."

Naawa ang mga matang nakatingin si Manang. Halatang nakikisimpatya sa nararamdaman ko.

"Hija."

Pero kasi hindi ko lubos maisip na hindi man lang niya ako magawang paglaanan ng ilang minuto. Hindi ko alam kung nakakain ba siya ng maayos, nakakatulog ba siya ewan ko gulong gulo na ang isip ko. Mahal pa kaya niya ako?

Stupid.

Malamang mahal ka nun! Bakit mo kinikwestyon ang pagmamahal niya dahil lang sa isang linggong pagkawala?

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now