KBNT 24

8.2K 211 11
                                    

HOLY'S POV

"Ah eh boss, parang taon yata ang sinsabi mong sandali eh. Namamanhid na ang binti ko kakatayo atsaka may mga audience at fans na tayo oh." untag ko kay boss   at ininguso ang mga tao ng     mga nanonood   sa amin at yung iba ay kinikilig at kinukuhanan pa kami ng litrato.

Kung may kinikilig mayroon ding mga taong umismid.

Mga bitter! Kapag inggit pikit!

Mahinang tumawa ang boss ko at lumayo sakin. Hindi man lang ito lumingon sa paligid. Mukhang wala itong pakialam sa paligid at ako lang ang babaeng nakikita nito.

Dug! Dug! Dug! Dug!

"Tayo na."

Napaawang ang labi ko ng marinig ang sinabi nito.

Tayo na. Kami na?

As in mag on?

"Anong tayo na boss? As in tayo na? Ayusin niyo boss, maraming ibig sabihin ang salitang tayo na."

Kinurot nito ang pisngi ko. Namumuro na ito kakakurot ah!

"What I mean is, let's go. Marami pa tayong gagawin."

Napasimangot ako sa sinabi nito.

Marami pa kaming gagawin? Tulad ano? Gumswa ng baby??

Aruyyy naku. Jusku.

Akala ko pa naman   yun na yun.

"Haha oo nga boss nagmadali na tayo para  madami tayong magawa." magawang bata. Ahihihihi.

"You look disappointed."

"Ha? Ah hindi boss ah. Ang saya saya ko nga eh. Bakit naman ako madidisappoint?"

Nagkibit balikat ito. "You tell me. Are you sure you're okay?"

"Oo nga boss. Okay na okay lang ako." nayakap ko na kayo eh. "Pansin ko sa inyo boss ah bakit ang bait bait niyo sakin ngayon. Ano nakain niyo ha? Nakatapak ba kayo ng tae?" pinagduduhan ko ito. Para kasing may nagbago sa boss ko sa paraan ng pagtrato nito sakin.

"What? No. Pwede ba dalian mo diyan. Ang bagal bagal mong maglakad. Baka mahinto ka lang ng kaunti ay may humingi na naman ng number mo." reklamo nito.

"Boss hindi makamove-on? At saka kasalanan ko ba na ipinanganak akong diyosa kaya agaw pansin ang ganitong itsura."

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now