KBNT 17 PART 1

8.1K 219 15
                                    

HOLY'S POV


"Oh bakit ngingiti ngiti ka diyan?" masungit kong tanong  sa kanya.

Kahit na lalaki ito ay hindi naman ako takot na baka saktan nito dahil una, madaming tao, pangalawa, may guard lang na malapit dun sa may restaurant at pangatlo, hindi naman siguro ako gagahasain nito.

Mukha naman itong disente at hindi ako pagkakainteresan dahil kung ako man rin lang naman ang mangrerape, pipiliin ko rin yung maganda at may class di tulad ng sarili ko na sabaw ang utak.

Kung ako ang bibiktimahin nito. Pwes wala itong taste.

"By the way, My name is Range."

Pakilala nito sa sarili at inilahad ang kamay.

Tiningnan ko ang kamay nito at nagdadalawang isip kung aabutin ba o hindi. Ngunit sa huli ay napabuntong hininga ako.

"Call me Holy." saka inapir ang kamay nito. Nagulat ito sa ginawa ko. "Di ba dapat shake hands?"

"Eh sa gusto ko mag-apir eh. May problema ka?"

Ngumiti ito sa sinabi ko. "Hindi ka ba natatakot na baka pagsamantalahan kita?" seryoso nitong ani. Bumunghalit ako ng tawa.

"Ay talaga? pagsasamantalahan mo ako? Wala ka palang taste." dismayado kong sabi saka ito tiningnan ng mabuti. Gwapo ito. Yung tipong boy next door at heartthrob ang datingan.

"Haha. Tama ka rin dun. Ang pangit mo nga para pagkainteresan." sabay tango na para bang umaagree ito sa sinabi ko mismo. Lumambot rin ang tinig nito at parang medyo nandiri sa akin.

Gulat  ko itong tiningnan. Aba't nang insulto pa.

"Hindi rin naman ako magkakainteres sayo no! Kuko ka lang ng boss ko. No, mali ingrown ka lang niya chee.!" pang iinsulto  ko dito.

Akala ko ay masasaktan ito sa sinabi ko ngunit ng tingnan ko uli ito ay wala na sakin ang atensyon kung hindi nasa may likuran ko.

Mukha itong natigilan sa nakita dahil nanlaki ang mata nito at hindi makagalaw.

Kinabahan rin ako bigla. May nakikita ba itong hindi niya nakikita?

Nanindig ang balahibo ko sa naiisip. Baka may nilalang na walang ulo ang nakatitig sa amin ngayon!

Mas lalong nawalan ako ng lakas ng loob ng bumukas ang bibig ni Range tapos ititikom ulit.

"A-Anong meron?" natatakot kong sambit sa kaharap ngunit hindi ako sinagot nito.

May itinuro lang ito sa likod ko.

Hindi na ako nag-abalang tingnan ko ano at sino ito.

Yun ang naging hudyat ko para makapaghanda at kumaripas ng takbo.

"Maaaamaaaaaahhhhhh! Multooooo!"malakas kong sigaw habang nagkadapa dapa dahil sa buhangin.

" Aray. Jusme. Peste."

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now