KBNT 29

7.7K 257 17
                                    

Dedicated toblacksmiths22

SELENE' S POV

Tinulak ni Gun si Selene at tumiim bagang.

"What the f*ck Selene?!"
galit na tugon ng binata sa babaeng humalik sa kanya.

Nag aalalang tumingin ang binata sa direksyon ni Holy kaya sinapo niya ang mukha ng lalaki upang makuha ang buong atensyon ng binata.

"But Luci, I like you!" desperadang ani ni Selene, ngumiti siya at humawak pa sa pisngi ni Gun.

Madaling piniksi iyon ng binata at sinamaan siya nito ng tingin.

"Why did you do that huh?!" malakas na sigaw ng binata. Napaatras si Selene dahil sa sigaw ng lalaki. Sa tinagal tagal na pagkakaibigan nila ay ni minsan hindi pa nagawang sigawan ng binata ang kaibigan ngunit ang nakikita niyang reaksyon nito ngayon ay nakakapanibago.

"I'm asking you! Why the hell did you that?! Answer me Selene!"

"Sinabi ko ng gusto kita! Hinding hindi ako papayag na mapunta ka sa babaemg yun! You are mine from the start Luci! Dumating lang ang babaeng yun ay nag-iba na ang pakikitungo mo sakin! Dati ako lang ang babaeng nakapasok diyan sa buhay mo. Ako lang yung inaalagaan mo! Anong nangyare ha?! Anong nangyare?!! Iiwan mo rin ako ha? Hindi ako papayag!" malakas niyang sigaw sa binata.

Hindi niya alam kung saan naggagaling ang lakas ng loob niya upang maamin sa kababata ang matagal na niyang nararamdaman. Siguro dahil sa impluwensya ng maraming wine na nainom niya kanina dahil sa nakita niya kung paano tumingin ang matalik na kaibigan sa Holy na yun nung kumanta ito sa entablado kanina.

Plano niyang hiyain ito upang layuan ito ni Gun pero kabaliktaran sa inaasahan niya ang nangyari.

O dahil punong puno na siya. Hindi na niya kayang makita kung paano itrato ng lalaki ang Holy na yun!

Hindi makapaniwalang nakatingin si Gun sa matalik na kaibigan. Namumula ang mukha nito.

"I was never yours Selene, and I will never be! You're my friend for fuck's sake."

Masakit marinig mula dito katagang yun.

"Yun nga eh! Kaibigan mo lang ako! Kaibigan! Sa tingin mo makukuntento lang ako dun? Never! Gagawin ko ang lahat mawala lang sa buhay natin ang babaeng yun!"
Tumataas baba ang didbdib niya at dinuro ang lalaki. "Kahit kailan, hindi ko matatanggap na kaibigan lang ang turing mo sakin."

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now