KBNT 33

7.6K 228 14
                                    

HOLY'S POV

Lunes na ng umaga, pero hindi pa rin Ako bumababa, nandito pa rin ako sa kuwarto at hindi man lang nag abala na tumayo  at magbihis.

Bukod sa wala akong gana dahil sa mga narinig ko  sa pinag uusapan ni boss boss at ni Walter ay wala din si boss. May aasikasuhin daw itong importante.

Hindi ko alam kung anong klaseng importante ang inaaaikaso nito. Tungkol ba sa negosyo o tungkol kay
Aria.......

Hindi ako nakatulog ng higit apat na man lang ng dahil sa narinig.

Puyat ako at wala sa hulog.

Napakaimposibleng mangyari ang ibinibintang ng mga ito. Hindi ako makapaniwala sa nalaman. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang sitwasyon.

Kaya naman sobrang laki ng eye bags ko at nakakahiya na nakita pa ni Gun ang kahabag habag na itsura ko.

Pumunta kasi ang damuho sa kwarto kaninang madaling araw, hindi para gapangin o pagsamantalahan ako kundi para magpaalam na aalis ito at baka bukas  o sa makalawa pa ito makakauwi.

Dahil tsismosa kayo. Ipapasilip ko ang mga kaganapan kaninang madaling araw.


*Flashback*

Naalimpungatan ako ng marinig na may kumakatok sa pintuan.

Sinuyapan ko ang orasan na nakapatong sa bed side table.

3:37 AM

Alas tres pa lang ng madaling araw??!!!

Mahabaging Diyos! Kakatulog ko pa lang binulabog ako kaagad?

Sino naman ang bibisita sakin ng ganito kaaga?

Papungas pungasakongn naglakad upang buksan iyon. Hindi naman siguro multo ang nasa labas sapagkat ang mga multo ay hindi na kailangan pang kumatok, lumulusot lang ang mga yun sa pintuan.

Napahikab ako at kinamot ang ulo.

Istorbo!

Kakarampot na nga lang ang tulog ko!

Marahas kong binuksan ang pinto habang papikit pikit ang mata sa antok.

"Ano?! Bakit?!" sabi ko sa taong istorbo ng mabuksan ang pintuan.

"Did I disturbed your sleep?"

"O......" hindi ko natuloy ang sasabihin ng marinig ang pamilyar na baritonong boses. Agad kong idinilat ang mga mata at napasinghap.

"B-boss, b-bakit kayo nandito?"

"How many times do I have to tell you, stop calling me boss! I have a name okay?" masungit nitong tugon sakin.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngumisi. Yung ngising nakakaasar.

Tinaasan ko ito ng kilay at nag cross arms." Bakit ulit kayo nadito bo-- I mean GUN? Madaling araw pa huwag niyong sabihing ganitong oras ang duty niyo para maghanap ng mabibiktima?"

Pinitik nito ang   noo ko na nagpaaray sakin. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Hindi  mo man lang ba ako papapasukin?" sabi nito sa naiinip na boses.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum