KBNT 34

7K 213 32
                                    

HOLY'S POV

Ilang oras na akong nasa park at nagpapahangin lang. Kanina nung mag walk out ako sa harap ng ama ni boss ay dito ako dinala ng mga paa. Nakaupo lang ako sa sa ilalim ng puno at tiningnan ang papalubog na araw.

Masarap ang simoy ng hangin na parang wala ako sa siyudad. Nilipad niyon ang   mahaba kong buhok. Dahil sa kalmado at magandang tanawin na nasa harap ko ay natutulungan nitong marelax ang isip at mawala ang agam agam ko sa buhay.

Napapaisip ako, bakit yung ibang mga tao eh may kakayahang magmahal ng maraming beses kahit na alam nilang masasaktan din naman sa huli. Siguro nga yung pag ibig ay maihahalintulad sa sigarilyo, bakit pa naimbento kung sakit lang naman ang dulot ng mga ito?

Iniiling ko ang  ulo. Hindi naman siguro kayang gawin ng boss ko ang ganun. Alam nitong may nililigawan at naghihintay rito na isang tao at ako yun.

Hindi dapat ako mag isip ng kung ano ano. Hihintayin ko na lang siguro ang paliwanag nito. Tama. Ganun nga dapat ang gawin ko.

Gawa gawa lamang ng Don ang mga litratong yun! O di kaya ay edited para lang  ako na ang kusang lumayo kay boss. Pwede din naman ang ganun.

Natigil ang pag iisip ko ng tumunog ang aparatong dala. Kinuha ko sa bulsa ng jeans ko ang cellphone na tumunog.

May nag text.

From: Bosszz Qouh

I arrived already. U doing okay?

Yun lang ang nakalagay. Napairap ako sa hangin. Ilang oras ba ang binyahe nito at ngayon lang nakapag text. Eh kaninang madaling araw pa yun lumarga ah!

Huwag nitong sabihin na ngayon lang nito naalala na may isang diyosang naghihintay sa text nito. O baka naman masyado itong busy sa pakikipag lampungan sa taong saging na yun!

Ikinuyom ko ang mga palad. Hindi mawaglit sa isipan ko ang mga itsura ng mga ito sa kuhang litrato.

Kadalasan sa mga anggulong kuha ay magkasama ang dalawa habang masayang nag uusap, yung isa ay nakahawak sa beywang ni Selene si boss. Ang pangatlong kuha ay magkaholding hands ang dalawa. At ang panghuling kuha na hindi ko malilimutan ay isang litrato na kung saan nakahalik sa pisngi ni Gun si Selene at aakalain mo talagang couple ang mga ito dahil bagay na bagay ang dalawa.

Pareho ang dalawa na galing sa angkan ng mga maimpluwensya at mayayaman, gwapo at maganda tapos magkababata pa.

Anong laban ko dun?
Bukod sa ganda ay wala na.

Magkakakilala na ang mga ito simula't sapol tapos ako iilang buwan palang na kilala si Gun. Hindi ko rin alam kung may gusto ba ito sakin dahil wala naman itong sinabi, ayaw kong mag assume.

Baka nga nililigawan lang ako nito dahil naawa ito sakin o alam nitong gusto ko ang binata. Alin man sa dalawa ay hindi ko pa masabi. Masyado pang magulo ang lahat.

Ilang minuto pa ang lumipas, wala talaga akong balak na magreply kay Gun. Manigas ito! Kasama naman pala nito si Selene eh bakit pa ako guguluhin.

Punyeta! Ilang baldeng luha na ang inilabas ko kanina. Tama na muna yun at baka mapuno na ang isang drum kakaiyak ko sa taong hindi naman akin.

Tumunog ulit ang cellphone.

From:Bosszz Qouh

It's been 5 minutes and 29 seconds and still you didn't reply. Are you busy?

Nanlaki ang mata ko sa tinext nito. Binilang nito ang oras kung gaano ako katagal  hindi nag reply? Tsk. Maghintay ka lang boss dahil ang limang minutong yan sisiguraduhin niyang magiging oras at araw.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now