KBNT 6

12.7K 307 25
                                    

HOLY'S POV

"Hija, pinapatawag ka ni Senyorito sa ibaba. Puntahan mo raw siya sa kanyang opisina sa library" sabi ni manang habang nasa pinto na bahagyang nakaawang at nakapasok ang kalahati ng katawan.

"Talaga po?"  agad akong napabalikwas na tumayo mula sa pagkakaupo. Madaling iniayos ang medyo nalukot na damit.

"Nasaan po ba ang opisina niya manang?" tanong ko.

Sinuklay ko ang aking may kahabaang buhok gamit ang sariling mga daliri.
Para naman kahit papaano ay maging presentable ang itsura at hindi mukhang gusgusin.

"Halika at sasamahan kita patungo doon, baka kako'y maligaw ka pa ke laki laki pa naman ng bahay". Tumango ako bilang pag sang ayun.

"Mabuti pa nga ho at baka abutin ako ng siyam siyam sa paghahanap."  sumunod ako sa ginang na nauna nang maglakad sakin.

Ang laki nga ng bahay na ito. No scratch that. Hindi ito bahay. Masyon ito na parang palasyo. Sobrang daming kwarto ang dinaanan namin bago marating ang patutunguhan.

Baka nga ay pamugaran na ng mga multo at masasamang elemento ang ibang kwarto. Iilan lang ang tao dito.

Sa ilang araw kong pananatili ay mga katulong na tantya ko'y nasa sampu at ang amo lang nila ang nakatira. Maliban doon ay wala na akong napapansing ibang naroroon.

May kapatid kaya ito? Mga magulang?
Kung meron man eh nasaan?

Teka bakit ko ba pinoproblema kung nasaan ang mga kamag-anak nito eh wala naman akong pake sa kanila.

Anlaki ng mansyon pero ang gloomy at ang tahimik ng paligid. Halata ring lalaki ang may ari dahil sa disenyo at mga mwebles.

Plain and dull.

Kapa at pangil na lang ang kulang ng kanilang senyorito at magiging pugad na ito ng mga bampira.

Kung maging bampira man ito ay talaga namang papakagat ako. Hahahaha.

Ayy talaga namang naging mahalay na ako. Kung ano-ano na ang pumapasok sa ulo ko.

Biglang huminto si manang kaya naman ganun din ang  ginawa ko.  Napatingin ako sa hinintuan namin at sa pintuan. Kulay itim iyun.

Natatakot akong pagkabukas ng pinto ay mabungaran ko ang isang kabaong na tinutulugan nito.

Paano kung bampira nga ito? Na kaya ako dinukot ay dahil gusto nitong matikman ang aking mapula at matamis na dugo?

Patay na talaga!

Iniiling iling ko ng mabilis ang  ulo.

"Bakit ka umiiling hija? May problema ba?" alalang tanong ni manang sakin. Hindi ko man lang namalayang nakatingin na pala ito.

"Ho? Ah hihihi wala po."
Maang kong ani.

Kung anong pinaggagawa mo Holy! Yan tuloy nakita ka ni manang.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now