Chapter 13: Triggered

11.8K 747 9
                                    

Sophia's POV

Hindi ko expect na mahirap palang mag-mountain climbing. Dagdag pa ang sobrang lamig ng paligid. Bumabaon ang bawat yapak ko sa yelo. Tapos ang lakas pa ng loob kong mag-offer na pumunta kaagad dito.

Tinanaw ko ang likuran ni Francisco. Ang layo ng agwat niya sa 'kin, hindi man lang ako hinintay.

I was surprised nang sabihin niyang hindi niya raw kailangan ng ilang araw na pahinga bago ako samahan. Hindi siya nagreklamo sa Duke, he just immediately followed the given order. He likes overworking himself, hindi yata uso ang pagod sa kaniya.

"Wala ka na bang mas ibabagal pa?" he coldly asked while looking in my direction. Masama ang tingin nito sa 'kin habang kunot ang noo.

"Don't compare my legs to yours," I sarcastically replied.

Tinalikuran niya lang ako saka sinimulan ulit ang paglalakad.

Napansin ko ang pagbagal ng mga hakbang niya—sakto para makahabol ako. Lihim akong napangiti saka madali siyang hinabol sa kaniyang likuran. Kahit na hindi niya ako gustong kasama, ginagawa niya pa rin ang tungkulin niya bilang future knight.

Hindi ko na napansin ang oras nang marating namin ang eksaktong destinasyon ng kweba. Agad kong kinapa ang kurba na kakasya sa batong hawak ko. Hindi rin naman ako nahirapan sa paghahanap.

Pinagkasya ko ang susi para mabuksan ang lagusan. Mahinang yumanig ang buong paligid habang mabagal na bumubukas ang entrance.

"Saan mo nakuha ang impormasyon tungkol dito?" he asked. Nakatingin ito sa 'kin ng may halong paghihinala.

Inismiran ko siya. "Secret."

PINASOK naming pareho ang kweba ng tuluyan itong magbukas. Habang papalapit kami sa destinasyon, palakas ng palakas ang hangin na sumalubong sa 'min.

Sa entrance pa lang makikita na ang mga namuong mana crystal sa paligid. Natigilan si Francisco para suriin ang mga ito. Sa kinang at kulay madali niyang nalalaman ang pagkapuro ng kalidad nito.

"Could you please not follow me from here on?" I asked without looking at him.

In my peripheral vision, I saw his stares at me. "Okay."

It's a relief, hindi na niya ako inulan pa ng tanong. Sinimulan ko ng maglakad sa direksyon ng pupuntahan ko. Ang bagay na kailangan ko ay nasa dulo pa ng kwebang 'to. Even though the air pressure is pushing me back, I feel something wrapped around my body that helps me pulling towards the dead end. Wala ako naramdaman na hassle hanggang sa matunton ko ang pinakadulo ng kweba.

Kinapa ko ang harapan, may illusion kasing nakaharang. Kung hindi ichi-check ng mabuti, hindi mo malalaman na meron pa palang nakatago sa likod nito.

I smirked. "There you are."

Nang mahanap ko ang entrance, walang pag-aatubili na humakbang ako papasok. Noong tuluyan kong nalampasan ang huling barrier saka lang nawala ang malakas na hangin. Nawala rin ang illusion na nakapaligid dito.

Kung babalakin ni Francisco na tunguhin ang kinaroroonan ko, hindi na siya mahihirapan sa paghahanap.

I whistled while observing the treasures. Bumungad sa 'kin ang nagkukumpulang mga ginto at alahas. Ang sarap sa mata kaso hindi ko naman madadala 'yan lahat.

Lumapit ako sa mga singsing na nakakalat sa sahig. Malawak akong napangisi bago kunin ang mga ito. Bawat daliri ko ay sinuotan ko ng ginto. Kumuha ako ng mga kwintas para ilagay sa loob ng bag na dala-dala ko. Sinigurado kong mapupuno ang aking lalagyan. Kahit sa suot kong boots ay hindi ko rin pinalampas. Tinago ko ang mga kayang maitago.

"Dahil sa 'kin mas lalo ko lang pinayaman ang pamilya mo, Elizabeth," bulong ko sa sarili.

Inangat ko ang aking paningin para hanapin ang pakay ko rito. Sa hindi kalayuan, may nakalutang na makinang na bagay—bilugan at parang may kulay dugo sa loob. Ito ang bagay na sana'y makukuha ni Lawrence ayon sa kwento. Naging matibay niya itong depensa sa bawat digmaan na kinaharap niya. Hindi siya nakakaranas masugatan sa mga normal na laban. Awtomatikong gumagana ang skill para protektahan sa panganib ang nagmamay-ari.

According to the novel, ang artifact na 'to ay pagmamay-ari ng sole greatest mage. Ito ay parte lang ng kapangyarihan niya. Siya ay bigla na lang naglaho sa hindi malamang dahilan. Doon nagsimulang magkaroon ng iba't-ibang klase ng mage sa mundo.

Walang additional details regarding sa sole greatest mage, kasi nakafocus sa romance ang [Beatrice's Love]. The main story is about how the three male leads will fight to win her heart. But I, as one of the supporting characters, refused to die for the progress of the story.

Nanatili ako sa aking kinatatayuan saka pinagmasdan ang artifact. Now, how could I get that? There was no ladder here, I can't fly, and I cannot jump that high to reach it. I am wondering how Lawrence get that thing. Matagal akong natahimik kaso walang pumapasok na paraan sa isip ko.

Napahawak ako sa bewang ko. "Can't you just come near me?"

In a blink of an eye, it is now in front of me. I was shocked, I expected there would be some badass scene like it shall be given to me because I am a special being, something like that?

So lame. Is this really how he got this thing? Oh well, at least it is less to worry about.

I immediately grab the artifact to swallow it. I've waited for a couple of minutes to observe myself.

Nangunot ang noo ko. "I don't feel anything unnecessary in my body. Is it already working? Should I cut myself to test it?"

I look around to find some knife pero bago pa ako makahakbang ay nakaramdam ako ng matinding pagsikip sa puso ko. It hurts so much, I feel burning inside.

What is happening? Wala akong matandaan na may ganitong scene sa kwento. Is it not choosing me as its owner?

Baluktot akong bumagsak sa sahig. Umalingawngaw sa paligid ang malakas kong sigaw. Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha.

"At last, you're here." I heard someone talking inside my head.

"Who are you—ah!" Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa nararamdaman kong sakit.

"I've been waiting for so long."

"W-what do you mean?"

I can't understand its words any longer. I feel myself slowly passing out. Is this my ending?

Bago tuluyang mawalan ng malay, naaninag ko pa ang lalaking patakbo na lumapit sa kinaroroonan ko. Kahit na malabo para makita ng mabuti ang expression niya, batid ko kung sino siya.

"Elizabeth! What the heck is going on with you this time?" Francisco asked me with his voice shaking.

I guess your second brother still cares for you Elizabeth...

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon