Chapter 68: Prince's Palace

5.5K 290 9
                                    

Sophia's POV

I felt something warm that rubbing onto my skin. Sa tuwing nailalayo ito sa balat ko, I heeded sounds of water drops. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko upang alamin kung ano ang mayroon sa aking tabi.

Bumungad sa paningin ko ang isang babae. Nakasuot siya ng armor suit, at ang buhok niya ay kulay pula at gupit panlalaki. She is currently squeezing a white cloth after soaking it from the water.

I guess she felt my stares kaya madali itong lumingon sa direksyon ko. "Milady—"

Tatayo sana siya para magbigay galang pero kaagad ko itong pinigilan. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakakapit sa kaniyang braso. Tila ba'y may katanungan sa mga mata niya. Marahil hindi nito maintindihan ang ibig kong iparating.

"You don't have to pay respect to me," I said. Sinuri ko ang paligid, hindi pamilyar sa 'kin ang silid na ito. "Just tell, where is this place? Who are you?"

Naupo itong muli sa kaniyang kinauupuan. Malapit lamang siya sa higaan ko. "This is Prince Lawrence's palace," she replied. "I am Bea, one of his appointed knights, milady."

"Hm, where is he?"

"He is currently preparing your meal by himself."

"You mean, he knows how to cook?"

"Yes, he is."

That's news to me.

Pinilit kong makabangon para maupo, inalalayan naman ni Bea ang aking likuran.

"Thank you, Bea."
"No problem."

"Click!" Pareho kaming napalingon sa direksyon ng pintuan nang magbukas ito.

Pinagmasdan namin si Lawrence, tulak-tulak niya ang tray with wheels na may nakapatong sa ibabaw na bowl of porridge, pitsel na may lamang mineral water, basong malinis, at platito na may dalawang klase ng gamot, pula at puti. Suot ang simpleng black long sleeves na naka-tuck in sa puti niyang slacks.

"How's your feeling?" he asked me as soon as he got near us.

"I'm fine."

"I prepared a light meal for you. Kinakailangang magkalaman na muna ang tiyan mo, bago ka uminom ng gamot."

He sat down beside me, saka nag-scoop ng lugaw gamit ang kutsara. Plano niya bang pakainin ako?

Inangat ko ang kaliwang palad ko bilang senyales na ihinto niya ang binabalak. Nakuha ko naman ang atensyon nito, at mukhang naintindihan niya rin ang ibig ko.

"Why?" he asked. "Huwag ka na muna gumalaw-galaw, magpahinga ka."

"No, I can—ack!" Mahigpit akong napakapit sa dibdib ko nang kumirot ng matindi ang puso ko. Why does this keep on happening to me lately?

"Sophia!" Binalik niyang muli sa mangkok ang kutsara saka taas-babang hinagod ang likod ko gamit ang palad niya. "Bea, call a doctor immediately!"

"But, Your Highness, kailangang walang makaalam na iba tungkol dito. Hindi ikatutuwa ng Emperor kapag nalaman niyang pinoprotektahan mo ang Dark Priestess."

Sinamaan siya ng tingin ni Lawrence. "Wala akong pakialam, dalhin mo ang doctor dito! If he ever tempted to reveal this to anyone, kill him immediately!"

Nagpakawala si Bea ng mabigat na buntong-hininga, at napailing na lamang sa kinikilos ng prinsipe. "Hindi ka pa nga nakakaupo sa trono … binibigyan mo na kaagad ang sarili mo ng problemang makasisira sa reputasyon mo bilang sunod na Emperor."

"Ako pa rin ang iyong pinagsisilbihan, Bea."

Sa paraan ng pananalita niya … sa tingin ko ay ipinahihiwatig niya ritong sumunod na lamang sa utos.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon