Chapter 50: Black in Action

7.4K 452 52
                                    

Third Person's POV

Mariing napapikit si Sophia. Isa lang ang pumapasok sa isip nito sa mga oras na 'yon. Wala man kasiguraduhan, sinigaw niya ang pangalan ng taong 'yon sa abot ng makakaya.

"Killian!"

Umalingawngaw sa paligid ang ingay ng pagtalsik ng gate palayo. Bumaon ito sa pader dahil sa lakas ng pagkakasipa.

Maririnig ang parang huni ng libu-libong ibon sa sobrang lakas ng kuryente na pinakawalan ng bagong dating.

Tinanaw ni Sophia ang direksyon nito. Hindi niya ito makita ng malinaw dahil sa panlalabo ng paningin. Nakaramdam siya ng luwag sa loob ... batid niyang dumating ito para sa kaniya. Nakasisiguro siyang si Killian 'yon dahil pamilyar ang dalaga sa aura ng kapangyarihan ng lalaki.

"He came for me ..." she whispered then closed her eyes. Naramdaman na lang niya ang pagbitaw ni Elizabeth sa pagkakakapit nito sa kaniyang buhok.

Sa paningin ni Killian, wala siyang ibang gustong gawin kundi patayin ang taong nagpahirap kay Sophia. Nawalan siya lalo ng kontrol sa sarili nang makita ang dalaga sa lapag na naliligo sa sarili nitong dugo. Marumi ang kabuuan nito habang nakatali sa upuan ang katawan gamit ang makapal na kadena.

Walang pag-aatubili na tumalon si Killian sa direksyon nila. Umikot siya at saka hinampas si Elizabeth gamit ang buntot niya.

Hindi handa si Elizabeth sa kaniyang atake dahilan para tumalsik siya sa direksyon ng gate na bumaon sa pader. Nagsuka ito ng dugo dahil sa internal injuries na natamo niya. May mga nabali rin na buto sa loob ng katawan niya.

Bumagsak siya sa lupa at napahawak sa sahig upang suportahan ang sarili. "W-who are you?" Nanghihina nitong tanong sa nilalang na umatake sa kaniya.

Dahan-dahang naglalakad si Killian palapit dito. Kinilabutan si Elizabeth nang maramdaman ang killing intent na nagmumula sa nilalang.

Natigilan ang dalaga saka nanginig ang buo niyang katawan. Inangat niya ang paningin para silipin ang nakapatong sa ibabaw ng ulo niya. Hindi niya magawa na magtaka kung bakit pusa ang nakikita niya. Isa lang ang tanging pumapasok sa isip niya ... siya ay kasalukuyang nasa delikadong sitwasyon.

"I was about to ignore you. You want me that badly to destroy you, Elizabeth?"

The lady felt chills down to her spine. Kahit hindi na siya magtanong, batid niya kung sino ito.

"K-killian? How d-did you-ah!" Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil muli siya nitong pinatalsik patungo sa kabilang direksyon. Hindi pa siya nakabawi sa natamo ... wala pang segundo ay nasa harap na niya muli ang pusa.

"What? You believe you could deceive me by that appearance of yours?" Nakangisi nitong sabi sa dalaga habang nakaupo.

"You should've behaved yourself, milady. You knew what happened to those who gained my attention," he continued.

Namuo ang madilim na ulap sa labas, dumagundong din ang malakas na kulog. Hinanda ni Killian ang sarili upang magpatama ng kidlat sa kinaroroonan ng babae.

"W-wait. Please, let me go. I won't d-do it again," naghi-hysterical na pakiusap ng dalaga sa kaniya.

Hindi niya ito pinakinggan, pinakawalan pa rin ni Killian ang kidlat patungo rito. Nakakabinging tunog ang nangibabaw sa paligid. Nahati rin ang lugar na kanilang kinaroroonan.

Nang mawala ang liwanag, sandali siyang natigilan dahil wala ro'n ang katawan ng babae. Nilingon ng pusa ang likuran upang tingnan ang taong nangingialam sa kaniyang binabalak. Buhat-buhat nito ang walang malay na si Elizabeth. Hindi mabatid ni Killian ang itsura nito dahil sa puting maskara na suot ng lalaki.

Mayroong ancient magic circle ang lumitaw sa kinatatayuan nito. Madali niyang naintindihan ang balak nila pagtakas. Killian focused the electricity on his legs to increase his acceleration. He runs in their direction but unfortunately, they already disappeared from his sight. Mahina siyang napamura sa sarili.

"Killian ..." tawag ni Sophia. Nagdedeliryo ang paningin nito, ang nakikita niya ay ang human form ni Killian.

Madaling lumapit ang pusa sa kinaroroonan nito saka sinuri ang mga mata ng dalaga. Katulad nga ng inaasahan, wala ito sa tamang katinuan. Tanging ang diwa na lamang nito ang gising. He put his paw on Sophia's cheek to feel her body temperature. Bukod sa malamig ito, nararamdaman niya rin ang panginginig nito.

Kinagat ng pusa ang kadena para pakawalan ito mula sa pagkakatali. Madaling nagsidurog ang mga bakal dahil sa lakas ng panga niya. Nang matapos siya sa ginagawa ay niyakap niya ito sa tagiliran.

"Don't you dare die here," banta ni Killian kay Sophia.

He closed his eyes to focus on the image of a specific location. Killian is already on his limit but he chose to overexert himself again for his beloved safety.

In just a flash, they transported into the territory of Elf Tribe. Nagsipag tayuan ang mga nasa paligid at saka hinanda ang sarili sa pag-atake. Hindi nila agad nakilala ang dalaga dahil sa natatakpan ng putik ang mukha nito.

"Black?" Lumapit si Mileya sa kanilang kinaroroonan. Paika-ika na sinalubong siya ni Killian hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa sahig.

"Heal her ..." bulong nito, sapat para marinig siya ng kausap.

Namilog ang mata ni Mileya nang mapagtanto niyang si Sophia ang maduming babae, wala itong malay na nakaratay sa lupa.

"Take her in!" Madaling sumunod ang mga lalaking elf sa utos. Kumuha sila ng stretcher para ilipat do'n ang dalaga.

Binuhat ni Mileya si Killian sa bisig niya at saka unang pumasok sa lugar ng pagamutan. Naabutan niya si Klein na may inaasikaso eksperimental na pananaliksik.

"Lord Klein," tawag niya rito.

"Yes, my wife?" Nang lingunin niya si Mileya, bumungad sa paningin niya ang buhat-buhat nito. Sumama kaagad ang kaniyang timpla saka madaling inagaw ang pusa.

"Why you're with this brat?" Klein said while gritting his teeth. Kapit niya ang batok nito—parang lantang-gulay si Killian sa ere.

"Sophia is in a vulnerable state. He brought her here without using a teleportation scroll," Mileya explained.

Nangunot ang noo ni Klein saka pinasadahan ng tingin ang pusa. "His core is still unstable and yet he overexerts himself again." Nakikita niya sa katawan ni Killian ang estado ng kalagayan nito.

"I allow you to handle her case. Ako na ang bahala sa siraulong 'to," he said, then left her wife to go inside the private room.

Mileya wore the uniform appropriate for healers. She's in a white coat and medical gloves. May tatlo pang nurses ang pumasok sa silid para bigyan siya ng assistance. They remove the gown of the patient, she flinched after seeing the wounds in her thighs.

"Clean her whole body," utos niya sa mga ito. Tumalikod siya saka tumungo sa kinalalagyan ng communication device.

Mileya notifies the house of White about the lady's circumstances. She told them that Sophia needs a blood transfusion, specifically for AB negative blood type.

"Let's begin," she declared after finishing her conversation with Duke White.

May panibagong elf doctor ang pumasok para asikasuhin ang sugat sa ulo ni Sophia. He uses his power of insight to scan the state of her skull and brain.

"Fortunately, it's fine. Hindi rin malalim ang sugat sa noo niya," he informed Mileya.

Sinuri naman ni Mileya ang kabuuan ng pasyente matapos itong linisan. Siniguro muna niyang hindi ito nagkaroon ng infections. Hangga't wala pang dumadating sa pamilya ng dalaga, sinimulan na nila ang paggagamot.

They are now focusing their mana on Sophia's wounds to repair the damaged tissues within.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon