Chapter 19: The Crown Prince's Birthday

10.7K 613 2
                                    

Sophia's POV

Napakadali lang ng panahon, hindi ko na namalayan ang pagdating ng kaarawan ni Lawrence.

"We're here," he said.

Sumilip ako sa bintana, bumungad sa 'king paningin ang palasyo. The exterior was decorated with grey, turquoise, and ochre tiles in geometric patterns. The front yard has pergolas and lavish greenery with water fountains.

Naunang bumaba si Killian saka ito nag-antay sa tapat ng pintuan, para mag-alok sa 'kin ng assistance sa pagbaba ng karwahe. Maraming mata ang nakatutok sa aming dalawa, I have no choice but to accept his hand.

Pansin na pansin ko ang inggit sa ekspresyon ng mga kababaihang nakasasaksi sa 'min. Umaabot sa aking pandinig ang kanilang mga pasaring, isinawalang-bahala ko na lamang ito.

On our way here, himala dahil hindi ako inulan ng tanong ni Killian. Tahimik lang siya buong byahe, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hindi ko tuloy malaman kung perpekto ba ang ayos ko para sa magiging main event mamaya.

Nang marating namin ang entrance, the front guard checked our invitations before announcing our arrival. "Duke Killian Adir and Lady Elizabeth White, has arrived!"

Awtomatikong naging sentro kami ng kanilang atensyon. Hindi maalis ang pagkagulat at pagtataka ng mga bisita nang makita kaming magkasama. It is understandable, Killian never brought a partner on his previous social engagements.

Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang hawak na panyo saka mahinang umubo. I have to pretend like a sick person in front of these people.

"It's an honor for me to have the opportunity to meet the great Duke Adir," salubong ng nobleman sa kaniya. Mayro'n ding nakasunod na tatlo pang lalaki sa likuran nito.

Lapitin si Killian sa nobles dahil sa taas ng posisyon niya sa lipunan. Kaya naman, karamihan ay naghahangad ng malalim na koneksyon dito.

Due to formalities, hindi niya magagawang iwasan ang mga taong 'to. He stopped our pace to greet them back. "I am pleased to see you here," Killian replied to them.

They are now discussing political issues, there's no fun staying here.

Binitawan ko ang braso nito para maghanap ng mauupuan. Sumasakit ang paa ko dahil sa heels na suot ko. Magkakaroon pa yata ako ng paltos nito.

Nakahanap agad ako ng bakanteng pwesto sa hindi kalayuan. Naupo ako roon saka komportableng sinandal ang aking sarili.

"Long time no see, Lady Elizabeth. Kumusta ka naman?" bungad sa 'kin ng isang babae.

Halata sa paraan ng pananalita niya na hindi maganda ang hangarin nito sa paglapit sa 'kin. Sa pagkakatanda ko, isa siya sa mga madalas kasagutan ni Elizabeth noon.

This noble lady is with her minions, masama ang titig nilang lahat sa 'kin. Sino ba ang mga ito? Hindi ko alam kung ano ang background nila pati ang kanilang mga pangalan. Well, these people deserve not to be remembered anyway.

"I do not want to waste my energy to deal with the likes of you," walang gana kong sabi.

She unfolds her fan to cover her mouth. "If you're sick, why still bother to come? Don't tell me, hihingi ka ng simpatya mula sa Crown Prince?"

"Hahaha!" sarkastikong tawa ng mga kasamahan niya.

I stared at her intently. "What family do you belong to? You lack etiquette."

Nagsalubong ang kaniyang kilay at namula ang buo niyang mukha. "What do you mean by that?"

"Are you dumb to not realize the difference between our ranks?"

"Who's dumb here? I am also a daughter of a Duke!"

Oh? Is she? That's why she dares to speak ill to me.

"Really? My bad. You don't look like one," I sarcastically said.

Naagaw namin ang atensyon ng ibang bisita dahil sa lakas ng boses niya. Marami ang nagbulungan habang pinagmamasdan ang aming sitwasyon.

"Ano na naman kayang ginawa ni Lady White para magalit ng ganiyan, ang anak ni Duke Montero?" bulong ng babae na malapit sa pwesto ko.

She's the daughter of Duke Montero? The fallen dukedom na noble title na lang ang pinanghahawakan. Nawalan ng kontrol ang ama niya sa pagsusugal, nabaon ito sa utang na nagresulta sa pagbagsak ng kanilang pamilya.

"Wala na talagang ibang ginawa 'yan kundi gumawa ng eksena."

"Siya lang ang sumisira sa pangalan ng pamilyang White."

"Hindi na nahiya."

Isa lang 'yan sa mga narinig kong pasaring nila sa 'kin. Mga walang ibang ginawa kundi magbitaw ng hindi magandang salita at pag-usapan ang bawat galaw ko.

Sa tuwing nakahaharap ng ganitong sitwasyon si Elizabeth, triple ang binabalik niya sa mga ito. Kung dati ay tahimik at kumikilos siya ng may dignidad, binago 'yon ng mga nakapaligid sa kaniya.

Kung ako ang tatanungin, ang ganitong scenario ay hindi na bago sa 'kin. Sa dati kong mundo, naka-encounter din ako ng ganiyang tao.

I glared at her, I saw her flinched. "What's your deal? Hindi ka naman siguro pumunta rito para mag-aksaya lang ng oras 'di ba?" tanong ko.

She cleared her throat. "There are some nobles that are curious about your connection with Duke Adir. Is he the reason for your annulment?"

I chuckled. "Hindi na talaga matanggal sa 'yo ang pagiging pakialamera 'no?"

Napaatras ito sa kaniyang kinatatayuan. "Pardon?"

"Masyado ka na yatang bored para umabang sa buhay ko."

"B*tch," she whispered.

I can sense her anger. Iba rin ang inggit ng babaeng 'to, hindi ko tuloy malaman kung sino kina Killian o Lawrence ang nagugustuhan niya.

"Duke Felixander White Sr., and his successor, Felixander White Jr. has arrived!" the front guard announced their appearance.

From my distance, I could catch a glimpse of them entering the palace. Madali nilang naagaw ang atensyon ng nobles, karamihan ay babae. There are some hoping that they could marry Duke White. They are striving to build an early connection with Felixander.

Wala na sa aking harapan ang mga babaeng napagtripan ako. Magkakasama silang nagtumpukan para subukang kunin ang atensyon ni Felixander.

"Ah!" Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Sa tingin ko ay nagsisimula nang umepekto ang gamot.

Hindi nagtagal, nagsidatingan na rin ang royal family. Unang pumasok ang Empress Dowager, sumunod ang mag-asawang Emperor at Empress.

"Here comes the celebrant of today's event. The future sun of the empire, His Highness, the Crown Prince Lawrence! Together with the young lady from the house of Marquess Philip, Lady Beatrice!"

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon